Chapter 10
Nang magsawa kakalaro, inaya nina Venus si Jane na sumama sa kanilang magpahangin sa paborito nilang tambayan — ang hospital rooftop.
“Waaah~ Ang galing!” Jane happily extended her arms, feeling the warm wind breeze blow. Marahang pinasayaw ng hangin ang mga takas na hibla ng kaniyang mahabang buhok. Jane couldn’t help but let out a small giggle every time the strands of her hair lightly kissed her face.
“Taray naman ni Ateng!” saad ni Venus. “Parang nag-sho-shoot ng commercial!” Tawa nito habang nakasandal sa railing.
“Careful,” tipid na paalala ni Joseph sa dalaga dahilan para mamula ang pisngi nito.
“Dito ba kayo lagi tumatambay?” tanong ni Jane habang tinatanaw ang kabuuan ng malawak na lungsod. Saglit niyang ibinaling ang tingin kay Venus at nakita itong tumango.
“Ang ganda ‘no?” nakangiting tanong ni Venus. “Pero mas maganda ang view dito kapag gabi! Lagyan mo lang ng kaunting light decors tas gawa ng cottage-cottage, puwede ka nang mag-shoot ng short rom-com film!” saad pa ng dalaga habang tinuturo-turo ang mga sulok.
“Nako Jane, h’wag kang magpapaniwala kay Venus!” sabat naman ni Wallace na ngayo’y nakaupo sa karton na inilatag niya kanina sa sahig. “Binubudol ka lang niyan.” dagdag pa nito.
“Kahit kailan talaga, napakakontrabida mo!” Venus then glared at Wallace, sending daggers with her eyes. “Isang kontra mo ba iisipin ko nang crush mo ‘ko!” taas noong saad ng dalaga with matching hairflip pa.
“Asa ka naman.” Umiiling-iling na tumawa si Wallace. “Ang mga tulad kong cute, para lang sa mga cute,” hirit ng binata habang itinaas-baba ang kaniyang mga kilay.
“Well may point ka naman,” tumatango-tangong pagsang-ayon ni Jane. “Kung ang mga cute ay para lang sa cute, ang mga magaganda, tulad namin ni Jane, ay para lang sa mga guwapo!” saad pa nito, at pasimpleng inakbayan si Jane.
“Agree ka naman ‘di ba, Jane?” tanong ni Venus.
“Oo naman!” natatawang tugon ni Jane.
Pansamantalang natahimik at lahat. Pare-pareho nilang itinuon ang pansin sa magandang rooftob view. Pasimple namang huminga ng malalim si Jane kasabay ng paghulma ng isang ngiti sa kaniyang labi.
“I hope you don’t mind me asking, pero, gaano na ba kayo katagal dito sa hospital?” tanong ni Jane sa mga kaibigan.
“Hay nako! Wala na ‘yung ano sa’min. Parang pangalawang bahay na din naman namin ‘tong hospital,” natatawang tugon ni Venus.
“Halos magkasabayan lang kami nitong si Joseph.” Turo ni Venus sa binata. “Nauna lang siya ng tatlong araw. Malapit na naming i-celebrate ang aming 6th monthsary,” kinikilig na saad ng dalaga. “Tapos si Walter naman, bagong salta lang ‘yan. Mga three weeks ago,” dagdag nito.
“And kung curious ka kung bakit, CAD patient si Joseph pero waiting siya for a donor heart. Si Walter naman sa ortho ‘yan siya. Nagpapagaling ng fracture kaya may saklay,” pahabol na kwento ng dalaga.
“At siyempre, last but not the least ako.” Kwelang tumawa si Venus habang itinuturo ang sarili bago bumunot ng isang malalim na hininga. “Leukemia,” kaswal nitong saad.
Bahagya namang nakaramdam ng lungkot si Jane nang malaman ang kondisyon ng mga kaibigan. Sa sobrang kaliksihan ng mga ito’y hindi niya inakalang may malaking problema palang kinakaharap ang mga ito; kung maka-ngiti’y walang bahid ng lungkot at sakit ang kanilang mga mata. Hindi maiwasang maluha ni Jane. agad naman siyang nag-iwas ng tingin upang pigilan ang nagbabadyang mga luha sa giid ng kaniyang mga mata.
“Hala ka, Venus! Pinaiyak mo si Jane!” Panunukso ni Wallace.
Agad naman na umiling-iling si Jane at bahagyang tumawa. “U-Uy hindi ah!” depensa ng dalaga. “Napuling lang ako!” palusot niya.
“Nako, gasgas na ‘yang palusot na ‘yan!” Tawa ni Wallace.
“Tumahimik ka nga, Wallace! Tatamaan ka na talaga sa’kin!” pagbabanta ni Venus bago ibinaling ang pansin kay Jane. Dahan-dahan niyang binigyan ng yakap ang kaibigan.
“Kung alam ko lang na maiiyak ka, ‘di ‘ko na sana kinuwento pa,” saad ni Venus. “H’wag kang maiyak, buhay pa naman kami ‘eh!” hirit niya.
Dahil sa sinabi ni Venus ay mas lalong naramdaman ni Jane ang pagkapiga ng kaniyang puso. Sa tono ng pagsasalita ni Venus mahihimigan mong tanggap na nito ang kung anuman ang puwedeng mangyari kinabukasan. Napakatapang ng mga ito.
“A-I’m sorry,” naiiyak na saad ni Jane. “I just can’t help it. My heart is aching.”
-
Matapos ang ilang sandaling pagtambay sa rooftop ay naisipan na nilang magbalik sa ward, nag-aalalang baka hinahanap na sila ng mga nurses.
“Isang malaking sana all talaga!” Venus chirped as she surveyed Jane’s physique — from head to toe. Pinayuhan ng nurse si Jane na isuot na muna ang preskong pares ng hospital clothes. Kahit malaki ang pagkakaiba ng suot nitong damit kanina sa ngayon, hindi kumupas ang natural na ganda ng dalaga.
“Alam kong medyo gasgas na ‘tong line na ‘to pero, kahit pa siguro magsuot ka ng basahan maganda ka pa rin!” pumapalakpak na saad ni Venus.
Bahagya namang tumawa at napailing-iling si Jane sa sinabi ng kaibigan. “Nako pinapalaki mo naman ‘tong ulo ko!”
“Uy hindi ah! Nagsasabi lang talaga ako ng totoo,” depensa ni Venus. “Maganda ka talaga — inside and outside! Hindi na ‘ko magtataka kung sasabihin mong marami kang manliligaw!” saad pa nito.
Tumawa na lamang si Jane bago ibinaling ang tingin sa repleksiyon niya sa salamin. Pasimple naman niyang inipit ang mga hibla ng kaniyang buhok sa likod ng kaniyang tainga at ngumiti.
“Tara na’t baka hinahanap na tayo nina Wallace,” pag-aaya ni Jane bago tuluyang naglakad papalabas ng CR.
Tumango-tango naman si Venus at sumunod na naglakad palabas. Pagkabalik ng kuwarto’y naabutan nilang nakaupo sa kaniya-kaniyang higaan sina Joseph at Wallace.
“Oh, ano na ganap?” pang-uusisa ni Jane. “Nasa’n na ‘yung iPad? Hindi na ba tayo maglalaro?” tanong niya pa.
“Ni-charge ko muna kasi lowbat,” sagot naman ni Wallace. “Maya maya na lang ulit tayo maglaro,” dagdag pa nito.
Napabuntonghininga na lamang si Venus at nagkibitbalikat bago naglakad papalapit sa higaan ni Joseph. Dahan-dahan niyang tinanggal ang suot na fluffy slippers bago umupo sa may paanan nito.
“You have your own bed, Venus,” pagsaway ni Joseph sa dalaga pero para bang walang narinig ang dalaga.
Napatawa naman si Jane sa inasta ng kaibigan bago umupo sa kaniyang temporary bed. Saglit na natahimik ang kuwarto — itinuon ni Wallace ang atensiyon sa pagbabasa ng manga habang sina Venus at Joseph naman ay nagkasundong makinig na lamang ng music.
Jane took a deep breath and smiled before bringing herself to look at the wide window. The sun’s rays were brightly shining, slipping through the open window blinds. Then she let out a small smile. On normal days, she’d be sitting inside the classroom and listening to the teacher’s discussion. She suddenly felt the need to walk around the campus premises. With that, she took her phone out from her bag and decided to facetime with her best friend Aia.
Calling Aia. . . It took a few rings before Aia finally answered the call.
“Aia Bestie! I miss you!” Jane happily chirped as she waved at her phone.
“I can’t say the same,” Aia nonchalantly replied with her usual stoic face. “This has been one of the most peaceful days in my life. Nothing but silence and me,” she added.
“You’re lying!” Jane just shook her head and chuckled. “Deep down, I know that you miss me too!” Despite Aia’s cold voice and stoic face, she’s well aware how much she cares for her.
“Ewan ko sa’yo, Jane.” Pag-irap ni Aia. “Kung makapagsalita ka naman parang ten years na tayong hindi nagkita,” puna nito na tinawanan lang ni Jane.
“Are you wearing hospital clothes?” she then asked with one brow raised up.
“Yes, I am!” Jane nodded. “The nurse told me to change to prepare for the scan.” She smiled.
“Scan?” Aia asked. “Why? What’s wrong with you?”
“Nothing’s wrong with me, sadyang OA lang talaga sina mommy that’s why they ordered almost every test.” Jane sighed.
“Well. . . tell me if anything comes up,” Aia said.
“Oh, by the way I made new friends!” pagkwe-kwento ni Jane.
“Guys, say hi!” ani ni Jane sa mga kaibigan sabay harap sa kanila ng cellphone screen.
“This, here, is my best friend Aia!” pagpapakilala niya. “Aia Bestie, sila naman sina Wallace, Venus, and Joseph.” Isa-isang itinuro ni Jane ang mga bagong kaibigan na kumakaway-kaway at ngiti sa cellphone.
“Hi, Aia!” masiglang bati nina Venus. “Hope to meet you soon! Ang ganda mo girl ah!”
“S**t,” Aia cussed when she accidentally hit the end call button. Then she sighed, and in the back of her mind she thought, “Jane’s new found friends might think of me as a queen b****.”
To explain her side, she then composed a text to Jane, stating her apology and as well as her side of the story. Mabilis namang nagreply ang kaibigan at sinabing okay lang daw ‘yon at naipaliwanag niya na ito sa mga bagong kaibigan.
“Sorry guys,” Jane apologized to her friends. “Napindot niya, accidentally, yung end call button,” pagpapaliwanag nito.
“Oks lang ‘yun!” saad naman ni Jane. “We’re cool and chill”
Tumango-tango naman si Jane at binigyan ng mga ngiti ang mga kaibigan. Pagkatapos no’n ay nagsibalikan na sila sa kani-kanilang mga mundo at muling natahimik ang buong ward. Jane chose to entertain herself by reading some e-books and exchanging texts with Jameson.
‘From: Jameson
I’ll come and visit you later. Which snacks would you like me to bring?’
Jane couldn’t help but bite her lower lip as she felt a surge of butterflies in her stomach. Jameson was indeed a very thoughtful and sweet man.
‘To: Jameson
Just fruits would be fine, so I can share them with my friends. See you!’
‘From: Jameson
Roger that ;).’
-
“Feel free to tell me if you’re not comfortable, hija, okay?” Narinig ni Jane ang boses ni Dr. Chu mula sa parang speakers na nakakabit sa MRI Scan Room.
“Please stay as still as you possibly can for us to get a good picture, hija,” saad pa ng doktor.
“Okay po, doc.” Jane smiled before taking a series of deep breaths to calm herself down as she laid flat on her back on the machine’s platform.
Dr. Chu and her team stood up and patiently waited for the imaging to appear on the screen. Everything looked pretty good at first, not until they noticed a large lump inside Jane’s brain.