Maaga akong nagising, dahil papasok na ako kahit na bukas palang talaga.
Naligo na ako saka nagbihis. Lumabas na ako saka sumakay sa kotse ko.
Pagkalipas ng 30 minutes nakarating na ako sa company, buti na lang talaga ay hindi traffic.
Dumeretso ako sa table ko saka inumpisahan yung mga ginagawa ko.
Pumunta ako sa small kitchen saka ginawan ng kape si sir leo, para din malaman niya na nandito na ako.
Kumatok muna ako saka pumasok. Dumeretso ako sakanya kahit na hindi pa siya tumitingin.
"Sir, coffee." Sabi ko.
Tila parang nagulat siya dahil kaagad siyang napatingin sakin. "Buti maaga ka yatang umuwi?"
"Oo sir." Maikling sagot ko.
"Anong nangyari sa gilid ng labi mo?" Nagtatakang tanong nito.
"Wala sir, mauna na po ako." Sabi ko.
Palabas na sana ako ng magsalita siya. "Uuwi na daw bukas si dad."
"Sige po sir." Sabi ko bago lumabas.
Ayoko na talagang mapalapit pa sakanya. Hinding-hindi na ngayon.
Leo's POV
Napano siya? Bakit may sugat siya sa gilid ng labi? May nangyari ba na hindi ko alam?
Napapansin ko din na iniiwasan niya ako, ayaw na niya akong kausap. Anong nangyayari sakanya?
Humigop ako ng kape, napangiti ako. Napakasarap niya talagang gumawa ng kape. Nakakaganang magtrabaho.
Inasikaso ko na yung mga papeles na pipirmahan ko para kaagad akong matapos. Nang lunch time na lumabas ako, nadatnan ko siya na nakayukod sa mesa niya.
Tinapik ko ng mahina yung pisngi niya, napamulat siya saka mabilis na napatingin sakin. "Sir, kayo pala. May kailangan ka?" Tanong nito.
Tinitigan ko lang siya. Napadako yung tingin ko sa labi niya. Ang sarap niyang halikan, nakakaadik.
"Sir?" Tawag pansin nito.
"Hmm?"
"May kailangan ka ba?" Tanong ulit nito.
"Kumain ka na ba? Tara sabay ka na." Sabi ko.
Umiling siya. "Huwag na sir, yayain niyo na lang si ma'am olivia. May dala akong pagkain kaya kumain na kayo sir. Mauna na kayo." Sabi nito.
Napabugtong hininga ako, mukha talagang iniiwasan niya ako. "Iniiwasan mo ba ako?" Seryosong tanong ko.
"Hindi sir." Sagot niya ngunit hindi siya nakatingin sakin.
"Look at me, iniiwasan mo ba ako?" Tanong ko ulit.
Tumingin siya sakin. "Hindi kita iniiwasan sir." Sagot nito.
"Okay just take your lunch." Sabi ko bago tumalikod.
"Sir." Tawag nito.
Napatingin ako sakanya. "Bakit?"
Ngumiti lang siya pero hindi abot sa mata. "Wala pala sir. Eatwell." Sabi niya bago yumukod ulit.
May dapat ba siyang sabihin? Tila parang nag-aalangan siya.
Lady's POV
Nakayukod lang ulit ako. Hindi ko kayang sabihin sakanya na buntis ako, nangangamba ako sa pwedeng mangyari.
Ang ipinagtataka ko pa uuwi daw si Sir William. Napaaga yata si sir?