CHAPTER 9

615 Words
Dalawang araw na ako dito sa bahay ng parents ko, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanila na buntis ako. Baka kasi magalit si papa pag nalaman nila ito o mas magandang itatago ko sakanila lalo na kay theo. Napabugtong hininga na lang ako dahil sa mga naiisip ko. Bumaba na ako, nadatnan ko lang si mama na kumakain, wala si papa siguro ay pumasok na siya sa trabaho. "Anak, dito sabayan mo na ako." Sabi ni mama. Umupo ako sa tabi niya, tinignan ko yung ulam, nang maamoy ko para bang bumaliktad yung sikmura ko kaya tumayo ako saka dumeretso sa lababo. Naramdaman ko na lang na may humahaplos sa likod ko. Napatingin ako kay mama. Yung expression niya nag-iba. "M-ma." "May hindi ka ba sinasabi sakin dy?" Hindi ako sumagot, napayuko lang ako. "Sabihin mo, buntis ka ba?" Mainahon pero matigas na tanong ni mama. "M-ma." Naiiyak na tawag ko. "Sumagot ka!" "O-opo." Mahinang sabi ko. "Jusqo, ano ba tong ginawa mo anak? Bakit ka kaagad nagpagalaw?" "H-hindi ko po sinasadya ma, masyadong mabilis yung pangyayare." "Sino ang ama ng pinagbubuntis mo?" "Yung anak po ng boss ko." Narinig ko pang nagmura si mama, ngayon lang. "Ang tanong, pananagutan ka ba?" Hindi ako nakasagot dahil sa tanong niya, kahit ako hindi ko alam yung isasagot ko. "Anak naman, paano nyan lalaki ang anak mo na walang ama? Paano din kung malaman ng papa mo to? panigurado na magagalit siya." "Malaman ang ano?" Singit ni papa na kakarating lang. "P-pa." kinakabahan na tawag ko. Lumapit samin si papa. "Malaman ang ano?" Ulit na tanong nito. "W-wala pa." kinakabahan pa din na sagot ko. Halos nanginginig na yung mga kamay ko dahil sa kaba at takot. "Sabihin mo na." Sabi nito. Napayuko ako. Ayaw kong makasalubong yung galit ni papa pag nagkataon. "B-buntis po a-ako." Mahinang sagot ko. Naramdaman ko na lang naramdaman na may malakas na sampal ang lumapat sa pisngi ko. Napahawak ako sa labi ko. May nakita akong dugo at humahapdi, natamaan ni papa. Bigla tuloy uminit yung sulok ng mata ko. "Ano?! Anong klaseng balita yun? Umuwi ka rito para makapagpahinga pero iba pala! Nagpabuntis ka!" Galit na sabi ni papa. "P-pa, s-sorry, hindi ko naman sinasadya." Naiiyak na sabi ko "Akala ko trabaho lang yung gusto mo sa manila, hindi ko din alam na pati paglalandi kasama doon!" "Pa." naiiyak pa din na tawag ko sakanya, hahawakan ko na sana yung kamay niya ng bigla niya iwinaksi. "Umalis ka na! Bago pa kung anong magawa ko sayo! Huwag ka nang uuwi dito!" Galit na sabi ni papa bago umalis na sabi niya. Tuluyan na akong napaiyak dahil sa sinabi ni papa. Sabi ko na nga ba mangyayari talaga to. Pinunasan ko yung luha ko bago umakyat sa kwarto ko. Naligo muna ako bago nagbihis at kinuha yung bag ko, kahit gabi na uuwi na ako kung yun ang gusto ni papa. Pagkababa ko, nadatnan ko si papa na nakaupo sa may sala kasama si mama. "Ma, Pa. uwi na po ako." Paalam ko. "Bakit hindi mo na lang muna ipagpabukas." Sabi ni mama. "Huwag na po ma." "Hayaan mo siya na umalis." Matigas na sabi ni papa. Napabugtong hininga na lang ako bago lumabas. Binuksan ko yung gate ng bahay namin saka ko inilabas yung kotse ko. Nilagay ko na yung travel bag ko sa passenger seat bago umalis. Habang nasa biyahe ako, naiisip ko na sana pala hindi na muna ako umamin. Sana hinayaan ko na lang na ganito. Paano na lang pag nalaman na ni leo na buntis ako? Paano yung baby ko? Baka takbuhan niya lang ako, o mas maganda na huwag ko ng sabihin sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD