Gaya nga nang pinagpaalam ko, kumuha ako ng konting damit ko saka gamit na kailangan saka nilagay sa travel bag ko.
Nilagay ko sa backseat yung travel bag ko saka kinandado yung apartment ko bago sumakay sa kotse ko na regalo ng company.
Ngayon ko lang nagamit yung kotse dahil tinatamad din ako minsan magdrive.
Naisipan ko na bumisita kina papa. Ilan oras din ang inabot ko bago nakarating sa bahay ng magulang ko.
Ipinarada ko yung kotse ko sa harapan ng bahay namin saka kinuha yung gamit ko at pumasok.
Nadatnan ko sina mama na nanonood ng tv. Mukhang hindi pa nila ako napapansin.
"'Ma! Pa!" Tawag ko.
Napatingin sila sa gawi ko saka ngumiti. "Anak!" Masayang sabi ni mama saka dali-daling lumapit sa pwesto ko saka ako niyakap.
Niyakap ko din si papa ng makalapit ako. "Buti napayagan ka ng boss mo?"
"Wala naman po si sir william, ma. Yung anak niya yung nagpapalakad muna ngayon."
"Ay ganon ba. Magpahinga ka na muna. Gigisingin na lang kita pag lunch na." Sabi ni mama.
"Sige ma, pa. akyat na muna ako." Paalam ko bago dumeretso sa kwarto ko.
May kinuha ako sa travel bag ko saka dumeretso sa banyo. Sinunod ko yung instruction na nakalagay.
Pagkatapos lumabas na ako saka humiga kama ko.
Ilan minuto din bago ko tinignan yung hawak ko.
Nagulat na lang ako dahil sa nakita ko.
'P-positive' ibig sabihin buntis ako?
Paano nyan ako? Paano ang anak ko? Kung yung magiging daddy niya ay pag-aari ng iba.
Ano ba tong pinasukan kong gulo, nakakabaliw. Mapapatay ako ni papa sa oras na malaman niya ito.
Nilagay ko ulit yung pregnancy test sa bag ko saka humiga. Pumikit na ako dahil inaantok ako. Saka ko na muna aalahanin yung problemang dinadala ko.
***
Pagkagising ko na medyo madilim na labas, hindi muna ako bumangon at tumingin sa kisame.
Hindi ko alam kung bakit ang bilis ko naman mabuntis, ganon ba yung lakas ng nilabas niya para mabuntis ako?
Napahawak ako sa tyan ko. "Baby, paano nyan? Baka hindi ka makilala ng daddy mo, saka alam ko naman niya na hindi niya tayo kailangan." Sabi ko sa baby ko kahit hindi pa naman siya ganon nabubuo.