NAGISING si Jenina sa isang hindi na naman pamilyar na kuwarto. "Uhh..." mahinang daing niya at nakangiwing hinawakan ang kanyang ulo dahil pumipintig iyon sa sobrang sakit. Nakaramdam din siya ng sobrang uhaw kaya pinilit niyang bumangon kahit nahihilo siya. Pero hindi pa man siya tuluyang nakabangon mula sa kama nang may mga kamay ng kaagad na pumigil sa kanya kaya kaagad nanigas ang katawan niya. Napapikit siya nang maalala niya ang nangyari kanina bago siya nawalan ng malay. Naaalala niya iyong dalawang tauhan ni Don Fausto na humahabol sa kanya. At sa gitna ng ulan ay hinarang niya ang sasakyan para humingi ng tulong, pero si Don Fausto ang nakita niyang bumaba sa sasakyang iyon bago pa man siya nawalan ng malay. Si Don Fausto… Nagpapanik na umiling-iling siya. Alam niyang hin

