"You're fired!" Drake Rafael yelled at his incompetent employee. Hindi na rin niya mabilang kung pang-ilang empleyado na ang sinisisante niya ngayong araw. Tsk. They're so stupid. Kahit simpleng instructions ay hindi pa maintindihan kaya hindi rin siya manghihinayang kung tatanggalin niya ang mga ito sa kompanya niya. "Get out! I don't need an incompetent employee in my company." Mangiyak-ngiyak na umalis si Mr. Santos sa harap niya at lumabas ng kanyang opisina. He pressed the intercom. "Tell the HR Department to find a replacement for Mr. Santos." Utos niya sa kaniyang secretary. Padarag na tumayo siya mula sa kanyang executive swivel chair at pumihit paharap sa glass wall ng kanyang opisina. Isinuksok niya ang mga kamay sa bulsa ng kaniyang slacks at tumingin sa ibaba kung saan

