Chapter 35

3502 Words
Chapter 35 Dayn’s PoV “Nakita mo naman siguro itsura ni Precious kanina, no?” she asks me while laughing. Dala-dala namin ang tray ng pagkain namin. “Yeah, pati na rin noong dumating si Perri.” Umupo ako sa upuan at ipinatong ang tray sa mesa. “Balita ko aalis na raw si Perri. Sa France na raw siya magtutuloy ng college since magshishift daw siya into fashion next year.” “Really?” Umupo siya sa harap ko. “I didn’t know. Edi tuwang-tuwa na naman itong isa na ‘to?” “Ano pa nga ba? Tayo na naman ang pagdidiskitahan ni Precious. Naiinis na talaga ako sa kaniya, gustong-gusto ko na siyang gilitan sa leeg, alam mo ba? Sabi ko sa kaniya sabay subo ng dumpling sa bibig ko. ”Sxan!” sigaw ni Clarene. She’s looking behind me and waiving her hand. Pinanlakihan ko siya ng mata pero wala lang sa kaniya iyon at patuloy pa rin na tinawag si Sxan. Lumapit sa amin si Sxan. Nasa likuran ko siya, hindi pa ako lumilingon. Sinenyasan ako ni Clarene na nasa likod ko si Sxan. Alam ko, tanga. “Dito ka, sabay ka na sa amin.” Nakangiting aya sa kaniya ni Clarene. “Hindi na,” sagot niya. Umirap ako sa hangin. “Dito ka na, don’t be maarte na,” pilit niya. Ang slow talaga nitong babae na ‘to. Umupo si Sxan sa tabi ko. Hindi ako umimik. Naramdaman ko ang tapon ng tingin niya sa akin. Mabilis akong sumulyap sa pagkain niya. He ordered Wonton noodles with dumplings. Isinubo ko na ang huli kong dumpling at uminom ng tubig. Nang tingnan ko si Clarane ay palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa habang nakakunot ang noo. Inilapag ni Sxan ang isang dumpling niya sa plate ko. Kinuha ko iyon at ibinalik sa kaniya. Ibinalik niya ulit sa akin. Noong kukunin ko na sana para ibalik sa kaniya ay umangat ang chopsticks ni Clarene at kukuhanin niya na sana pero pinigilan iyon ni Sxan. Chopsticks battle ata ito. “Sa iyon na ‘yan nakakain na ako,” sabi ko at ibinalik na ang kay Sxan. Ibinaba ni Clarene ang utensils niya at malakas na bumuntong hininga. “Teka nga, magkaaway ba kayo?” tanong niya. “No.” “Yes,” Sxan answered. I looked at him. He grinned. “Finally, you looked at me,” sabi niya. Inirapan ko siya at inalis na ang tingin sa kaniya. “Lover’s quarrel?” natatawang tanong ni Clarene. Tiningnan ko siya nang masama, she zipped her mouth closed. “Galit ‘yan si Dayn,” salita ni Sxan. “Ngayon mo lang nalaman? Lagi naman ‘yang galit,” sagot naman ni Clarene. “Pero hindi naman ganiyan, kanina nung wala ka naman ayos pa ‘yan, e.” “Really? Ewan ko riyan. May sapak na ata ‘yan, e. Nag-sorry naman na ako, galit pa rin sa akin.” “See? Oh, my geez. Lover’s quareel nga.” “Andito ako, naririnig ko kayong dalawa,” I spoke. Sxan slurped his noodles, when he put the bowl down it was finished. “Sorry na kasi,” he said. “Ano bang sino-sorry mo diyan? Wala ka namang dapat iapologize, duh.” He looked at me then sighed. “Galit ka, e.” Maddin kong pinikit ang mga mata ko at bumuntong hininga. “Kapag sinabi mo pa nag alit ako, magagalit na talaga ako kaya kung pwede lang tumigil ka na kakasalita,” irita kong sabi. He smiles from ear to ear. Bigla siyang yumakap sa braso ko at dinikit ang pisngi niya roon. Hinawakan ko ang noo niya at itinulak iyon palayo. “Ano ba. Layas, tuko ka ba, ha.” Kumawala siya sa braso ko at uminom ng tubig. “Bakit kayo nagkalover’s quarrel? Kayo na ba?” tanong ni Clarene. Hindi naman ako ang umiinom ng tubig pero ako ang nasamid. Tinapik ni Sxan ang likod ko. “Siraulo ka ba Clarene. Ikaw lang ang tumatawag dito na lover’s quarrel. Walang lovers, tangeks,” sagot ko sa kaniya. Inilipat niya ng tingin niya kay Sxan at kumibit balikat lang ito. Siniko ko siya. “What? I didn’t say anything,” he says. “Hah! Really?” “Wala naman akong sinabi, ah. Okay ka lang ba?” Hinipo niya ang noo ko para tingan kung mainit ba iyon. Hinawi ko ang kamay niya nang malakas. “Aray ko! Grabe ka naman makahawi sa kamay ko,” reklamo niya pa. “Tara na nga Clarene.” Tumayo na ako at inaya si Clarene. “Saan kayo pupunta?” tanong ni Sxan. Sesenyasan ko sana si Clarene na huwag sabihin pero hindi talaga tumitigil ang bibig niya. “We’re going to ditch and go somewhere,” she murmurs. “What the heck! Clarene!” I almost yelled. Agad niyang tinakpan ang bibig niya. “Ooops, sorry. Please don’t tell anyone, Sxan?” Sxan nodded. “Yeah, sure. But exactly where?” Clarene looked at me. “Wala kang pakielam.” Hinila ko na si Clarene paalis doon. “Bakit hindi mo sinabi kung saan tayo pupunta, e alam naman na niya na tatakas tayo,” sabi niya habang naglalakad kami papunta sa kotse ko. I unlocked my car. Huminto siya bigla sa paglalakad at tiningnan ang cellphone. Ni-replyan niya ang nag-text sa kaniya at saka lumapit sa akin. “Sorry, Dayn. I have to go, my professor just texted all of us, drama club, to go see her.” Napanganga ako. “What? What about me?” “I am really sorry, maybe you could go eat at the café? I am so sorry, hindi ko naman alam na hahanapin ako,” she apologizes. I sighed and nodded to her. “Okay, I understand. I’m just going to go get some air.” She kissed me on the cheeks then ran inside the school back again. Muntik na akong madapa nang may biglang humila sa akin. “Ako ang sasama sa iyo, tara!” lumingon sa akin si Sxan. Pinapasok niya ako sa loob ng kotse niya at umikot siya sa driver’s seat. Sobrang bilis ng pangyayari, pinaandar na niya ang kotse niya. “Hoy, saan mo ako dadalhin ha?!” I asked loudly. He smiles excitedly then looks at me. “You’ll see. You’ll see,” he said. Hindi ako pamilyar sa mga dinaanan niya. “Tangina ka, baka murderin mo ‘ko ha?” “What? No! You’ll like this.” He tightens his grip on the steering wheel then glances at me occasionally. Alas dos na ng hapon, mabuti na lang at hindi gaanong tirik ang araw. He pulled up at a park. I looked at the surroundings. There are slides, swings, a sandbox, and a skate park? I haven’t been here before. There are few people who are skating and few kids at the playground. This park is not as crowded as the parks near me. Lalayo ka pa pala nang kaunti para makakita ng less crowded na park at may convenient store sa tabi, bakit ngayon ko lang ito nakita? Pinagbuksan niya ako ng pinto, hindi ko naman namalayan na nakalabas na pala siya dahil nakatuon sa labas ang atensyon ko at hindi sa kaniya. “Have you been here before?” he asks. I shake my head no. “That looks good!” turo ko sa cotton candy stall. Tumingin siya sa tinuro ko. “Then let’s get some.” He held my hand as I got off the car. Parang nabuhay ulit ang inner child ko. My younger self would be so happy if she sees this. Umalis ako sa pagkakahawak niya sa sa akin at binilisan ang paglalakad patungo roon. May mga bata na bumibili rin. “Hello po, magkano po ang isa?” I ask the vendor. “Sampo lang po.” Naglabas ako ng fifty-pesos at inabot iyon sa kaniya. “Lima nga po.” Binigyan niya ako ng lima. Inabot ko ang isa kay Sxan na nasa tabi ko. Napansin ko ang isang bata nakaupo sa isang tabi at nakatingin sa mga batang kumakain. Lumapit ako sa kaniya. “Hi!” bati ko sa kaniya. Inabot ko sa kaniya ang isa. Umiling siya. “Sige na, ang dami nga nitong akin, e. Hindi ko naman lahat mauubos ito,” sabi ko sa kaniya at inalok ulit sa kaniya. Dahan-dahan pa niya iyong kinuha sa kamay ko. Umupo ako sa tabi niya habang kumakain ng cotton candy. Binuksan din niya ang kaniya at kumurot doon. Ngumiti siya kaya napangiti rin ako. “Anong pangalan mo?” I asked. “Miko po,” sagot niya. “Miko, anong ginagawa mo rito?” “Wala naman po, nagpapahinga lang po.” His cloth is slightly covered with dirt and it looks like he hasn’t eaten lunch yet. Mukhang tumakas lang siya. “Dayn ang pangalan ko,” pakilala ko sa kaniya. Lumingon siya sa akin. “Ate, ang ganda naman po ng mata ninyo,” sabi niya. Napangiti ako roon. “Sa iyo rin kaya.” I bumped him with elbow gently. He laughed. “May kasama po ba kayo?” tanong niya. Tumango ako bilang sagot at tumingin sa stall ng cotton candy. Tinuro ko si Sxan na naghihintay sa akin. May kumakausap sa kaniyang batang babae at tanaw na tanaw ko rito na nakangiti si Sxan sa kaniya. “Ah, iyon po ba?” turo niya rin. “Oo.” “Ang pogi naman po pala ng kasama ninyo. Boyfriend niyo po?” tanong niya. “Ikaw ha, saan mo naman iyan natutuhan ha?” Natawa siya sa tanong ko. “May girlfriend na po kasi ako,” sagot niya. Napaawang ang bibig ko. “M-meron kang girlfriend? Already?” I laughed. “But you’re like five!’ Buti pa ‘tong bata na ‘to, five pa lang may jowa na! I know it’s just a kids’ love story, but still, it’s love. It’s the love that they know. “Mag-sisix na kaya ako,” he said. Halatang-halata naman sa mukha niya na nagsisinungaling siya pero nakisabay na lang din ako. “Okay, sabi mo, e.” “Mabait po ba boyfriend niyo?” tanong niya. “Hindi ko naman ‘yan boyfriend,” I answered. He was shocked. “Edi asawa niyo po siya?” His eyes widened. “What? Hindi, hindi, ano uhm… like…” I don’t know what to answer. “Ano po?” naghihintay niyang tanong. “MIKO! ASAN KA—” Napatayo agad siya at tumakbo kung saan nanggagaling ang sigaw. Nanay niya ata ang tumatawag sa kaniya. Bago siya tuluyang makalayo ay lumingon siya sa akin. “Thank you Ate Dayn!” sigaw niya sa akin habang kumakaway. Kumaway ako pabalik sa kaniya. Noong wala na siya ay tumayo na ako at bumalik sa vendor. Nakalimutan ko na kasama ko nga pala si Sxan. Luminga-linga ako para hanapin siya. Huminto ang paningin ko sa kamay na nakataas at kumakaway. “Hello there,” he says smiling. He patted an open space for me to sit. I sat there. “Sorry, I left,” I said. “It’s fine, saglit lang naman. What did you two talk about?” he asks, opening a bottle of water then putting it beside me. “Wala, tinawag agad siya ng mom niya. He told me his name though. He’s Miko. I think he is the same age as Liqour,” sabi ko habang nakatingin sa mga taong nags-skate. “Are you done eating?” Uminom muna ako ng tubig bago tumango sa kaniya. “Yup.” “Tara.” Tumayo siya at inilahad ang kamay. Pinalo ko lang iyon at tumayo na. Nakahawak siya sa likod ko habang naglalakad. Napansin ko na pupunta kami sa skating area. “What are we doing here?” I asked. He glances at me. “We are skating.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “What? But we don’t have skates.” Inangat niya ang paper bag na hawak niya. Saan iyon nanggaling? Hindi ko naman napansin na may bitbit siyang paper bag. “Ano ‘yan?” tanong ko. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa pinakalapit na upuan. Iniupo niya ako roon at lumuhod siya sa harap ko. Inilabas niya ang dalawang pares ng roller skates. Napangiti ako habang pinapakita niya sa akin iyon. “Where did you get that?” Binigay niya sa akin ang sapatos para mahawakan ko. Tiningnan ko ang size, I was surprised when I saw my size. “How did you know my size?” nakangiti kong tanong. My heart flutters with excitement. He smiles at me. “I saw it the night I took off your shoes,” he explained. Naalala ko na siya nga pala ang nagtanggal noong sapatos ko sa room ko noong gabi na nakipag-away ako sa parking lot. I’m sensing something. Feeling ko may kinalaman dito si Clarene, e. Paanong saktong-saktong pagkaalis niya kanina ay saka namang sulpot ni Sxan sa parking lot? “See? I told you, you are very observant.” But sometimes you are not. He chuckles. “Yeah, sabi mo, e.” He helped me put it on. Habang isinusuot niya ang sa akin ay kinuha ko ang sa kaniya at niluwagan ang sintas para mamaya kapag isusuot na niya ang kaniya ay madali na iyon. Nag-suot na rin ako ng knee at elbow pads. Noong natapos na niyang isuot ang skates ay tumayo na siya. He made it look so easy. Inilahad niya ang mga kamay niya. “Hold onto me first…” so I did that, he helped me stand up. “Madulas! And it’s shaky!” I said. He laughs. “It’s not shaky, ikaw ‘yong nags-shake, just stand straight first.” Sinubukan kong tumayo ng straight pero muntik na akong bumalikwas dahil dumudulas nga. Mabuti na lamang ay hawak niya ako. “Don’t worry, hawak kita, okay stand first…” “Try not to lean backwards, if you feel that you are going to fall backwards, try to put your foot din sa likod then lean forward. Contrast it, got it?” seryoso niyang turo sa akin. I nod. Paulit-ulit ko iyong ginawa hanggang sa makaya ko ng tumayo nang hindi natutumba patalikod. Tinuruan niya rin ako kung anong gagawin ko kapag tumumba ako at kung paano rin tumayo nang hindi nadudulas ulit. Noong na-gets ko na iyon ay hinayaan niya na akong tumumba at tumayo nang mag-isa pero nasa tabi ko pa rin siya. Pinanonood niya lang ako tumumba nang paulit-ulit. Palubog na rin ang araw. “Wow! You are a fast learner!” he told me. He is clapping and smiling at me. Now it’s time for me to learn how to f*****g move and actually skate. “There are several ways you could do it. I usually just do pump and slides because it’s kind of easy and you can control it real good. I’ll teach you that.” He showed me how to do it first but when it was my turn, I f*****g slipped. He didn’t run to me to try to help me. He just stands and watches my next move. Ang sakit ng pwet ko dahil iyon ang unang tumama sa sahig. Maluha-luha ako sa sakit. Noong hindi talaga ako makatayo ay saka niya lang ako tinulungan. Sumama ang loob ko at nainis na ako kaya umupo muna ako sa sahig. “Ayoko na, tara na,” I said. “Nahirapan ka lang ayaw mo na agad? Tumumba ka lang nang mas malakas, suko ka na agad?” tanong niya. Magkasalubong ang kilay ko na tiningala siya. Nakapamaywang siya at nakayuko sa akin. “Ano? Tayo na! Iiyak ka?” Nag-init ang mga sulok ng mata ko dahil sa inis. I don’t know if I could even stand. I might fall. But f**k it. Tumayo ako without his help and I f*****g did it. I saw his smirk. “f**k you,” I whispered. “I can hear you.” He looks at me. “Just do it again, pump and slide,” Dinala niya ako sa taas ng isang dome. “This would help you. Basta I taught you how to fall and stand up, huh? Remember. Huwag mong lalabanan ang momentum, just go with it.” I nodded. “Okay, what if magdire-diretso ako sa bush?” “Atleast sa bush ka tatama, hindi sa concrete.” Napatingin ako sa kaniya. “Oh, why? Think of the bright side nga ‘diba?” “Gago ka talaga, puro gasgas na nga ako, oh.” Pinakita ko sa kaniya ang braso ko. Hinawakan niya iyon at tiningnan. “Sus, sabi mo ‘diba malayo ‘yan sa bituka? Kutsilyo nga nasurvive mo, walang-wala lang ‘yang mga halaman na ‘yan,” sabi niya. “Kaya mo ‘yan, ikaw pa ba?” “Huwag mom una ako bitawan, ha? Bibilang ako ng tatlo tapos you can let go na.” He agreed with me. “You know where to go, ha? Saslubungin kita roon.” “One…” I started counting. “Two… Three! Now!” he let go of my hand then slightly pushes me off the hill. I saw him take off as well. “Wheee!” Napigtas ang tali ng buhok ko kaya sumayaw iyon kasabay ng hangin. I spread my arms open and my lips rose side to side. I can hear my heart beat fast and adrenaline pumped in. I know how to ride a bike this one has got the same feeling when going downhill too. Parang noong una akong natuto na mag-bike, ganitong-ganito ang pakiramdam. I turned sideways then pumped and slide until I see Sxan standing ten meters away from me. He looks so happy to see me do this. He’s even clapping his hands and cheering for me. I did the T-stop technique. Noong nakahinto ako ay napayakap ako kaniya sa sobrang tuwa. I was in so much joy that my eyes are starting to water and my cheeks are growing tired from all these smiles. I feel like I’ve accomplished something big. “Oh, my god! I did it! I did it!” Kumawala ako sa yakap niya at napatalon sa tuwa. Muntik pa akong mitumba pero nahawakan naman ako ni Sxan. “See? I told you! I knew you could do this. That was like a piece of cake for you. You killed it!” We high-fived and I hugged him once again. Mukhang nagulat pa ata siya roon. Hanggang alas otso ng gabi ay nag-skate lang kami nang nag-sake. Hindi ako naburyo o nakaramdam ng gutom sa tatlong oras kong pagpa-practice. We even raced, danced, he taught me few basic tricks that I could do. “Pahinga nga muna ako parang hindi ka napapagod, e,” hingal niyang sabi at umupo sa gutter sa gilid. Tinanguan ko siya at tinuloy lang ang pagpapadulas. Umakyat ulit ako sa dome at nagpadulas pababa. “Hindi ka ba napapagod?” tanong niya. Nakangiti ako na umiling sa kaniya at sabay na umikot. He is smiling while watching me. “Look, look, I could do this.” Nagpadulas ako ng isa at mabilis na nag-drift. Napatayo siya agd sa kinauupuan niya at pinanlakihan ako ng mata. Tumawa ako sa naging reakyon niya. “Gago ka! Paano kung bigla kang dumulas doon tapos tumumba ka nang malala? Edi mag-uuwi pa ako ng babaeng may bali ang buto? Tapos ako ang gigisahin ng Ate mo? No. No. Nuh-uh,” sunod-sunod niyang sabi. Agad ko siyang dinaluhan habang tumatawa. “Hindi naman ako bumagsak, ah. Kung gusto mo isa pa nga, e.” Aalis na sana ako pero hinarangan niya ako. “No, no, no. I should’ve expected this to happen,” iiling-iling niyang sabi. “Sabi ko na nga ba ‘pag nagustuhan mo ‘to hindi mo titigilan e.” Napa-face palm siya. “Hah! You are one who brought me here, magdusa ka d’yan.” Umirap ako sa kaniya at hinawi siya sa dadaanan ko. I skated for nother thirty-minutes. He was just sitting there, watching me while taking a few photos. “Ako nga,” lumapit ako sa kaniya at kinuha ang cellphone na hawak niya. Pinindot ko ang camera at itinaas ang cellphone para makita siya. Nag-smile lang siya habang naka-wacky naman ako. Tatayo na sana ako pero hinila niya ako paupo. “Maupo ka nga muna, rest, then uuwi na tayo. Malapit na mag-nine hindi pa tayo nagdi-dinner.” Binuksan niya ang panibagong bote ng tubig at iniabot iyon sa akin. “Whew, thank you, I’m really thirtsty,” sabi ko at kinuha ang tubig. Isang inuman ko lang iyon. “Tingnan mo, uhaw na uhaw ka na pala pero kung hindi pa kita pinilit na magpahinga ay hindi ka pa iinom ng tubig.” He shakes his head again.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD