Chapter 36
Dayn’s PoV
“Saan mo gusto kumain?” tanong niya habang nagmamaneho ng sasakyan.
“Sa malapit lang,” sagot ko habang nagpupunas ng pawis sa leeg.
“Anong sa malapit lang, saan ba mayroon noon, ha?”
“Ikaw, saan mo ba gusto?”
“Gusto mo ba ng mainit?”
Kumunot ang noo ko sa tanong niya. “Huh?”
“Soups?”
“Ahh…” tatango-tango kong sagot. “You want lugaw? I know kung saan mayroon.”
Mabilis niya akong tinapunan ng tingin. “Hmm okay. Saan ba iyon?”
“Right outside our village. The tindera there was so kind. You know what, one time I was outside before dawn because I locked myself out of my own room—” he looks at me and raised his brow.
“Yeah, right? Stupid.” I continue, he chuckled and shook his head slightly.
“Hmm, what happened next?” he asks.
“So, ‘yon nga, edi I was really hungry that morning, so I asked her if she could give me lugaw, not for free of course. I told her that I left my wallet in our house. I promised her na babayaran ko iyon pagbalik ko,” kwento ko sa kaniya with matching gestures.
“She was so kind. She gave me one and told me it was fine kasi raw marami naman daw iyon. And she even gave an egg, for free! But I paid pa rin siyempre.”
“Really? That’s great then! Akala ko hindi mo babayaran, e.”
“Duh, anong akala mo sa akin? Nahihiya pa rin nga ako kasi ang aga-aga noon tapos kabubukas pa lang niya ay mayroon na agad na uutang.”
He chuckled. “Feel ko nga close na kayo noon, e,” he said.
I nodded my head. “Yeah, I think so too. Since then, I always buy lugaw na from her. It’s really good and she gives me a lot of bawang.”
Tumingin siya sa akin at mas lalong lumawak ang ngiti niya. Kanina habang nagk-kwento ako ay nakatawa siya at tumatang-tango sa mga sinasabi ko. I never felt ignored the whole time I was talking.
“You like bawang? Me too!” he says.
“Really?! Wow! That is really good then, we have something in common.”
“We have a lot in common, hindi mo lang napapansin,” sagot niya.
“Hmm.” Napaisip ako. “Like what?”
“Basta, you will see.”
“Park mo na lang diyan sa gilid,” turo ko sa tabi ng kainan. Wala gaanong tao dahil anong oras na nga naman na.
“Right here?” he asked then turns to the side I pointed. I nodded yes.
Bumaba na ako ng sasakyan. Hinintay ko muna siya na makalabas bago pumunta roon.
“Hello po, Ate,” bati ko nang makalapit ako.
Umangat ang tingin niya sa akin, nakita ko ang paglipat ng mga mata niya kay Sxan.
“Oh, ikaw palaa. Sige at maupo na kayo riyan. Dalawang lugaw ba?” tanong niya.
“Opo, at saka isang tokwa at pork…” lumingon ako kay Sxan. “Ikaw? What do you want?”
“What?”
Itinuro ko sa kaniya ang mga pagpipilian. Mayroong lumpiang toge, tokneneng, quail eggs, pork, tokwa, and okoy.
“Boiled egg nalang.”
“Ate saka isa pong boiled egg,” sabi ko sa tindera.
Nakangiti siya sa akn na tumango at umalis para kumuha siguro ng bowl. Hinawakan ko ang braso ni Sxan at dinala siya sa upuan malapit sa sasakyan.
“Maupo na tayo, dadalhin naman iyon sa atin. Ay, water pala.” Tumayo ako at bumalik doon para kumuha ng tubig. Noong pabalik na ako kay Sxan ay sakto naman ang pagdating ni Ate na may hawak na tray.
“Ito, sa inyo na ito, saan ba kayo nakaupo?” tanong niya.
“Dito po,” naglakad ako para masundan niya.
“Boyfriendmo ba, hija?” mahina niyang tanong sa akin.
Umiling ako sa kaniya. “Hindi po, kaklase lang.”
“Ilang beses ko na iyang narinig samga customers ko,” natatawa niyang sabi.
Noong nakita kami ni Sxan na paparating ay tumayopo siya para salubungin kami. Tinulungan niya I Ate na ibaba ang mga pagkain mula sa tray. Pinaalalahanan kami ni Ate na mainit ang lugaw bago siya umalis. Nginitian niya pa ako nang nakakaloko.
“Dahan-dahan at mainit—”
“Aw, s**t!” napamura ako dahil napaso ang dila ko.
—-“ang lugaw. Ano ba iyan? Ang tanga talaga,” pagalit niya at inabutan ako ng tubig.
“Hindi ko naman kasi akalain na mainit pa pala. Hinipan ko naman, e,” sagot ko habang hinihipan ang sarili kong dila.
“Sige na, kumain ka na riyan. Gutom na gutom ka na, e. Kanina parang hindi ka nakakaramdam ng gutom, pambihira ka,” iiling-iling niyang sabi, Tinawanan ko lang siya at nagpatuloy na sa pagkain.
Halos sabay kaming natapos sa pagkain. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang gilid ng bibig ko. Pinanood ko siyang uminom ng tubig at pagkatapos ay nagpunas din ng bibig.
“Okay ka na?” tanong niya. Tumango ako bilang sagot. “Ate?” nagtaaas siya ng kamay para kuhanin ang atensyon ng tindera. Noong nakita siya nito ay lumapit ito sa amin.
“Tapos na kayo?” tanong niya.
“Opo, magkano po?”
“Dalawang lugaw, treinta, sampo, treinta…” kinuwenta niya ang lahat nang nakain namin. “Sitenta lahat.”
Inilabas ko ang wallet ko para kumuha ng pera pero hindi ko alam kung magkano ba ang ibibigay ko. Nahuli na ako dahil nauna nang naglabas si Sxan ng isang daan sa wallet niya. Paglingon niya sa akin ay mukhang nakita niya at ana nalilito ako.
“Huy.” Tinapik niya ang mesa. Napakamot ako sa batok ko.
“What is sitenta?” nahihiya kong tanong.
He laughed then answered, “Seventy, Dayn. Sisenta is sixty, nobenta is ninety, gets?”
“Ahhh okay okay,” tatang-tango kong sagot. “Shall we go?”
Noong tumayo ako ay tumayo rin siya. Nag-inat pa ako nang kaunti bago kami bumalik sa sasakyan. Nagpaalam kami kay Ate at pumasok na sa village namin.
“Hey, uhm…” napalingon ako sa kaniya noong nakababa na ako ng sasakyan.
“Yes?” he answered.
“Thank you uhm… for today. I had so much fun.”
He smiles. “Yeah, sure. I was hoping if we could do it again some time.”
“Sure, why not? Will you teach me new tricks?”
Tumawa siya. “Do I really have to? It’s like you’re going to figure everything on your own. You’re fearless,” he said.
I chuckled. “I’ve still got a lot to learn. Anyway, drive safely, ha? Thanks for dropping me off.”
“No problem, basta ikaw,” Said Sxan, smirking. “Uminom ka muna ng Ibuprofen before bed para hindi ka magkaroon ng muscle pain when you wake up,” paalala niya. Tumango ako sa kaniya. He leaned against his car’s door and waits for me to get inside. Noong nasa harap na ako ng pinto ay lumingon ulit ako sa kaniya. He winked at me before getting in his car.
Pagkasara ko ng pinto ay narinig ko ang pag-andar ng makina ng sasakyan niya. Sumilip ako sa bintana at nakita na umalis na siya. Pagharap ko ay sumalubong sa akin ang nakataas na kilay ni Ate at nakikisilip sa bintana.
“Ano ba, Ate? Aatakihin ako sa puso dahil sa mga ginagawa mo, e!” puna ko sa kaniya. Umupo ako sa sofa. Sinara niya ang kurtina at umupo sa harap ko.
“At bakit gising ka pa? Asaan ang mag-ama mo?” tanong ko.
Ngumuso siya sa taas.
“Napapadalas ata, ha?” tanong niya.
“Diyan ka na nga, aakyat na ako. Pagod ako.”
Mas lalong tumaaas ang kilay niya at ngumisi na parang aso.
“Ano ba? Jusko naman, kaklase ko lang ‘yon, huwag mo nang lagyan ng kung ano-anong malisya,” sabi ko sa kaniya at umakyat na. Dumaan muna ako sa kuwarto ni Liquor. Mahimbing na siyang natutulog katabi ang tatay niya. Dahan-dahan kong isinara ang pinto at pumasok na sa kwarto ko.
Hinubad ko ang sapatos ko at dumiretso sa banyo para maglinis ng katawan at magpalit ng damit.
Humilata ako sa kama pagkatapos. Bumuntong hininga ako dahil sa pagod. Ngayon ko nararamdaman ang pagsakit ng mga binti ko at braso na may kaunting mga gasgas. Humapdi iyon noong nabasa. Bumangon ako sa higaan at kumuha ng pain reliever sa drawer. I drank that and went back to bed.
“Gising na!”
Naalimpungatan ako sa sigaw ni Ate. Hindi ko muna binuksan ang mga mata ko, tumagilid pa ako at niyakap ang unan.
“May pasok ka, Dayn! Gising aba! Hindi kami gumagastos nang malaki sa eskwelahan mo para lang hindi ka pumasok!”
“Ano ba? Ayoko pa, maya-maya na nga,” sagot ko sa kaniya.
“Get your ass up!” madiin niyang sigaw.
Inagaw niya ang unan na yakap ko at tumuntong sa kama. Bumaling ako sa kabilang side para iwasan siya. Nakapikit pa rin ang mga mata ko. Inaantok pa rin talaga ako.
“Dayn! Nine-thirty na! Alas onse ang pasok ko kaya bumangon ka na riyan, kay hirap-hirap mong bakbakin sa higaan na babae ka!”
Kung maaari lang ay hindi na talaga ako papasok ngayon, pero last day na kasi ng cleaning program o project na sinasabi ng school admins, e, kaya kailangan kong pumasok kahit na tamad na tamad talaga ako ngayon.
Walang gana akong tumayo sa higaan at parang zombie na naglakad papunta sa banyo. Mabuti na lamang ay uminom talaga ako ng gamot gaya nang sabi ni Sxan sa akin kagabi, kung hindi ay para siguro akong embutido ngayon. Medyo masakit lang ang likod ko, siguro ay dahil sa pagkakahiga ko. Medyo nagising naman ako noong nakaligo na ako. Mabilis akong nagbihis, hindi na ako nag-almusal pa dahil dumiretso na ako sa sasakyan. Bago ako makalabas ng gate ay lumapit sa akin si Ate at ibinato ang tinapay na nakabalot sa tissue paper at sandwich bag sa loob ng sasakyan.
“Drive safely! You’re a p***y but not a cat who thinks she’s got nine lives to spare!” she yelled.
Bumusina ako at umalia na ng bahay. Mabilis akong dumaan sa Coffee Corner para bumili ng kape, malamang. Kinakain ko ang sandwich na gawa ni Ate habang nagd-drive papuntaang school.
I parked my car sa pwesko kung saan ko naman lagi ipinapark ang kotse ko: malapit sa room.
Sinalubong ako ni Clarene. “Hey, girl! How are you?” she kissed me on my cheeks but then looked at me from head to toe, as if she’s judging me, as whole human being and my soul.
“Oh, my god. You look like a f*****g zombie. Stand straight, look around—” she stopped then looks around. I did that too. “See? We’ve got things to do.”
“Inaantok pa ako, Clarene,” sagot ko sa kaniya.
“Oh, shut up. You are always sleepy.” She hissed.
“Oh, hi, Ms. Marsilion.”
Nagising bigla ang diwa ko dahil sa boses na narinig. I pulled myself together then faced Miss Daria.
“Oh, hello, good morning?” I spoke.
“Where have you been yesterday afternoon? I was looking for you everywhere, akala ko tumakas ka na,.” Napalunok ako sa sinabi niya. “Did you? Tumakas ka ba kahapon?” naniningkit ang mata niyang tanong.
“Uhm… hindi po. Nasa storage room po ako kahapon ng hapon, inayos ko po ‘yong mga pinaggamitan na mga cleaning things. Nagkalat kasi, e.”
Clarene looked at me with disbelief.
“Oh, I see. Hinahanap kita kahapon, hindi naman daw alam ng mga kaklase mo, kaya naman pala kasi nasa storage room ka. Sasabihin ko sana sa iyo na music and sports fest is coming, right?”
Tumango ako sa kaniya bilang sagot. “Yes, why?” I asked.
“What club did you get into between the two?”
“Sports, but I am planning to enter music club, too. May I ask why?”
“Oh, okay. Nothing, ”