Chapter 37
Dayn’s PoV
“Hey,” bati ni Sxan sa akin. Umangat ang tingin ko sa kaniya at nakita na naniningkit ang mga mata niya dahil sa araw. Nakasandal ako sa puno habang si Clarene naman ay nakahiga sa damuhan. Umupo siya tabi ko
Nakapikit ang mga mata ni Clarene pero alam kong nakikinig siya sa amin.
“Yeah? Did you have lunch na?” I asked him.
“Hmm.” Tumango siya. “Ikaw?”
“Yep, katatapos lang,” sagot ko sa kaniya.
“Oo, sabay nga kami, e.” salita ni Clarene. “Parang wala kang nakikita na kasama ni Dayn, ah. Like, hello?”
Tumawa ako sa kanaiya.
“Oh, sorry. Kanina ka pa ba andiyan? Hindi kita napansin,” sagot ni Sxan.
Dumilat ang mga mata ni Clarene at biglang bumaling kay sxan. Nagulat siya nang kaunti kaya nauntog siya sa puno. I laughed silently while he put his hand on the back of his head.
“Buti nga sa iyo,” asar ni Clarene at pumikit ulit para magpahinga.
“May gagawin kayo bukas?” tanong ni Sxan sa akin.
Nag-isip ako saglit. “Why?”
“I’ll take you somewhere you’ve never been too. I hope.” He chuckled.
Sabay kami ni Clarene na napabaling sa kaniya.
“What? Where?” tanong ko sa kaniya.
“So, are you free?”
“Yeah. I think so.”
“I am,” sagot ni Clarene.
“Do you like spending time with nature?” he asked. Kumunot ang noo ko sa tanong niya na iyon.
“Beach ba ‘to?” tanong ni Clarene.
Umiling si Sxan.
“Roadtrip?”
Still a no.
“Forest?” tanong ko naman. Hulaan portion ata itong napasukan ko.
Sa wakas ay tumango na rin si Sxan ngunit umiling din pagkatapos. Clarene’s forehead creased. I am confused.
“Uhm… Yeah, kinda? But it’s a garden though. A big sunflower garden sa South. So, wear what you think is best for taking pictures. It’s a trip, for us.”
“Bukas na talaga agad?” I asked. I crossed my legs and faced the both of them.
“Yeah! Kapag inusod na’tin ‘to, alam ko hindi na naman ‘yon matutuloy. So, tomorrow? What time should we meet? Where?” sunod-sunod na tanong ni Clarene.
What she said about making plans last minute does really work, it is so true, I couldn’t agree more. This would be my first road trip to South with them.
“I’ll bring my jeep. Since sa Batangas iyon. Dadaanan ko nalang kayo sa mga bahay niyo.”
“But… do you know where Clarene lives?” tanong ko.
“No. Oo nga pala, saan ba bahay niyo? Susunduin ba kita?”
“Nasa condo ako ngayon. Malamang, sunduin mo ‘ko. Ayoko nga mag-drive, duh,” masungit niyang sagot.
Akala ko nasa bahay pa rin nila siya nakatira. Hindi naman niya nabanggit na lumipat pala siya ng condo.
“Saang condo?” I asked.
Tiiningnan niya ako nang may pagkalito. “What? Hindi mo alam?” tanong niya pabalik sa akin. Umiling ako bilang sagot. “Hindi ko ba nasabi sa iyo?”
Umiling ulit ako. “No, wala kang nabanggit sa akin,” I answered.
“Oh, yeah, sorry, I forgot. Sa Kingston ako ngayon. Room one hundred ten, eleventh floor,” sagot niya sa akin. Tumango-tango ako bilang sagot.
“Kailan pa?”
“Recent lang. Siguro last four days? I live there na, I just go home at my parents on weekends,” paliwanag niya. “Sorry talaga, hindi ko nasabi sa iyo, huh?”
“Gaga, ayos lang. Charot, siyempre hindi iyon ayos, bobo ka ba Clarene? Kapag may nangayri sa iyong masama saan kita hahanapin agad, ha?!” malakas kong sabi sa kaniya. Ngumiti siyang pilit at nag-peace sign sa akin. Tinampal ko iyon, tumawa lang silang dalawa ni Sxan.
Umirap ako sa kanila. “Mga bwiset,” sabi ko.
“So, ano? Tomorrow ha. Before four dapat nasa daan na tayo. Kaya mga three thirty ko kayo dadaanan at parang awa niyona, pack lightly! Hindi tayo mag-a-out of the country! We’ll drive for about four hours or so. Baka traffic pa kaya mas matagalan. Please, agahan niyo, huh?” Sxan said, pleading.
“Oo na, oo na. One day lang?” tanong ni Clarene. Hinintay ko ang sagot niya.
“No, two days and one night.”
Napaupo si Clarene bigla noong sinagot iyon ni Sxan.
“Bakit hindi mo naman agad sinabi?” I scowled.
“Hindi naman kayo nagtanong?”
“What the heck? Paano kung nag-pack pala kami for one day lang tapos kinabukasan malalaman namin na two days pala?!” inis din na sabi ni Clarene.
Lumunok si Sxan at medyo lumayo sa amin. “Sorry na, para niyo naman akong kakainin nang buhay, e.”
I scoffed. “Nako, talaga! Oo ang sagot, Sxan. Kakainin ka talaga namin nang buhay at nagpupumiglas!”
Clarene started cracking her neck like a f*****g zombie. She opened her mouth and posed in a very weird way. Inilagay niya ang braso niya sa likod niya at ibinaling ang ulo patagilid. Nanlaki ang mga mata ni Sxan. Noong lumingon siya sa akin ay ganoon na rin ang itsura ko. I started becoming more aggressive towards him. I was going after his neck, but he immediately stood up and took a few steps back. Sabay kaming tumayo ni Clarene at hinabol siya.
“Putangina! Parang mga gago lang, oh!” sigaw ni Sxan habang tumatakbo palayo sa aming dalawa.
We growled like the zombies we’ve seen in movies. We also faked a limp on one of our legs but still, we run pretty fast.
Gulong-gulo siguro ang utak ni Sxan. He’s probably rethinking his life, or asking himself why are we his friends.
“Tangina niyo, stop na! Stop na, ha?” tinuro niya kaming dalawa ni Clarene. Dahan-dahan siyang lumalapit sa amin. Umayos ako ng tayo at siniko si Clarene. Tumingin siya sa akin at inayos na rin ang itsura. Balik sa normal.
Mas lumapit ako kay Clarene at bumulong. “kapag nasa linya na siya, habulin ulit na’tin ‘tong gago na ‘to.”
Tumango si Clarene nang marahan para hindi mahalata ni Sxan.
Bumuntong hininga si Sxan at napahilamos sa mukha. Saktong pagkaalis niya ng kamay niya sa mukha ay saka niya natapakan ang linya na sinasabi ko kay Clarene.
We went after him. He was caught off guard so he almost tripped.
“Putaragis, may alaga ata akong batang nakadrugs. Tangina!” sigaw niya habang tumatakbo.
Huminto kami ni Clarene sa paghabol at napaupo sa pagod habang nakahawak sa tiyan dahil sa katatawa. Nauubusan na ako ng hininga dahil dito. Huminto rin siya at bumagsak ang mga kamay niya sa tuhod.
“Hayop na ‘yan. Ano ba itong pinasok ko?” hingal niyang sabi. “Pwede bang magpalit ng kasama bukas? Iyong hindi sana may sayad sa utak na bigla-bigla na lang nagiging feeling zombie,” reklamo niya pa.
Lumapit na rin siya sa amin at dinaluhan kami sa pag-upo. Mabuti na lamang ay hindi gaanong mainit dahil na rin siguro maraming puno sa area na ito. Dito parati nagt-training sa umaga ang varsities ng school kagaya ng basketball at volleyball. Dito rin ang lugar ng mga mag-jowa na nagd-date kuno sa ilalim ng puno. Sabi nila, kapag ata wala kang memory dito sa lugar na ito, marami ka raw namiss-out sa college life mo sa school na ito. Well, that is true, life isn’t always about school. Life is more than that. Every day, with or without school, you still learn something new. It’s about living it and making memories, without those things, life will be as dull as dishwater.
I wish to leave footprints that lasts forever. So that every time I go back here and step into the same spot I stepped before, memories will comeback flashing to me like a camera capturing candid shots.
“Wala ka na, you are gonna have to deal with us tomorrow and the day after tomorrow!” Clarene exclaimed. We all laughed together.
“Tara na, may klase pa ba kayo?” tanong ko kay Clarene.
Tumango siya at tumayo sa pagkakaupo. Bumuntong hininga siya. “Yeah, last period,” tamad niyang sagot.
“Sige na, tara na. Last period na rin namin.” Tumayo na ako at nagpagpag ng pwetan at mga kamay.
Tumayo na rin si sxan at tumabi sa akin. Nagpaalam na si Clarene at umalis.
“Sumakit ba arms and legs mo last night?” tanong ni Sxan habang naglalakad kami papunta sa room.
“Hindi, pati kanina paggising ko wala namang masakit.”
“Buti naman. Uminom ka ba ng gamot na sinabi ko sayo kagabi?”
Tumango ako bilang sagot.
Nakarating na kami sa room at ilang minute lang ay pumasok na rin ang propesor at nagturo. Sa kalagitnaan ng pagtuturo niya ay nakaidlip ako saglit. May tumapik lang sa noo ko kaya nagising ako.
“Huy, natutulog ka na? Baka magdire-diretso ka sa upuan sa harap mo, mauntog ka pa,” sab isa akin ni Sxan. I shrugged off and sat properly.
Maya-maya ay nararamdaman ko na naman ang pagbalik ng antok ko. May sumalo sa noo ko at ipinatong ang ulo ko sa kaniyang balikat. Sa laki at init pa lang ng kamay niya ay kilala ko na agad kung kaninong kamay iyon.
“Sige, matulog ka muna. Gigisingin kita kapag tapos na.”
Hindi ko na siya narinig pa na magsalitab dahil tuluyan nang bumagsak ang mga talukap ng mata ko sa antok.
“Dayn.” Naalimpungatan ako noong may tumapik sa pisngi ko.
Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko at nakita na nagliligpit ang mga kaklase ko ng mga gamit nila. Inalis ko ang ulo ko sa balikat niya. Kinusot ko ang mga mata ko at tumingin kay Sxan. Nagtama pa ang mga paningin namin, nakatingin din pala siya sa akin. Tangina, ang alialiwalas talaga ng mukha. Nag-inat siya ng mga braso niya habang hawak ang balikat niya na sinandalan ko.
“Ay, matagal ba akong sumandal sa iyo? Masakit ba?” Hinawakan ko ang balikat niya at hinimas iyon.
Umiling siya. Inalis ko ang mga kamay ko at nagsimula nang mag-ligpit ng mga gamit.
“Pahihiramin nalang kita ng notes,” he said while putting his belongings inside his bag.
“So, nakinig ka nga talaga?” Tiningnan ko siya at tinanong.
“Siyempre naman. Hindi mo talaga mapapansin kasi tulog ka,” he says.
“Uuwi na ako, text mo sa akin mga details ha?! Baka makalimutan mo pa, ha?”
Napaamang siya at tumawa. “Sus, baka ikaw ang makalimot na gumising nang maaga ha? Ako pa ang pinaalalahanan mo na baka makalimot, ikaw nga iyon, e.”
Naalala ko tuloy ulit ang miscommunication namin noong mamimili kami ng supplies para sa room namin. Oo nga pala, matagal-tagal na rin akong hindi pumupunta roon. Napagpasiyahan ko na dumaan muna roon bago umuwi.
“Una na ako, Sxan, Bye!”