Chapter 38

1036 Words
Chapter 38 Dayn’s PoV Sa den sana ako pupunta pero lumiko ang landas ko sa music room. Bigla ko nalang naisipan na pumunta rito at tumingin-tingin. Umupo ako sa sofa at pinagmasdan ang mga instruments na nasa gilid at mini stage. Tumayo ako para buksan ang aircon at umupo ulit. Sumandal ako at bumuntong hininga. I grabbed the acoustic that’s beside me. I started plucking strings. Ang tono ng Akin ka nalang ang nagtuloy-tuloy na lumabas na tunog sa gitara. Hindi naman talaga ito ang tutugtugin ko pero ito na e, kaya ididiretso ko na. Sa kalagitnaan ng pagtugtog ko, para ata akong natauhan. “Tsk! Bakit ba ito kinakanta ko, inlove ka ba self ha?” inis kong sabi sa sarili ko. Padabog kong ibinaba ang gitara sa sofa. Kung may nakakakita man sa akin, malamang ay iisipin nila na nasisiraan na ako ng bait. Sabay kaming nag-aral ni Luke ng pag-gigitara noon. Halos magdugo na ang mga daliri namin, binabalutan lang namin ng tape para ituloy lang ang araw-araw na pagpa-practice. Sa awa ng lahat ng santo at holy spirit ay natuto rin kami at halos lahat ng tugtog ay kaya na namin tugtugin kahit na sa una pa lang namin iyon napapakinggan. Despite that, we never joined any competition because he says he’s too shy to show up in front of the crowd. We were on the same page, so it never became an argument. “Makalayas na nga rito.” Tumayo na ako at naglakad papunta sa aircon para patayin iyon. Noong pabalik na ako para kunin ang bag ko ay narinig ko na nag-creak ang pinto. Tiningnan ko lang iyon at hindi na pinansin pa. Siguro ay hangin lang iyon. I left the room the way I found it. I stopped in the middle of the hallway. Pupunta pa ba ako ng den? Tanong ko sa sarili ko. Huwag na lang muna siguro para makauwi na at makapagpack ng mga dadalhin ko bukas. “Ate,” tawag ko sa kaniya habang kumakain kami sa dinner table. “Hmm?” sagot niya habang ngumunguya ng steak. “May trip ako tomorrow, two days and one night,” sabi ko sa kaniya. “Talaga? Saan naman?” Uminom siya ng tubig at tubig at tumingin sa akin. “Sa Laguna lang. Kasama ko sila Clarene.” Kumunot ang noo niya. “Sinong sila?” tanong niya. “Si Clarene at…” “At?” “del Montecillo,” sagot ko. “Iyon, e! Classmate trip pala, babe,” sabi ng asawa niya. Nang-aasar ito na ngumiti sa akin. “Naks naman. Sino ba iyon? Baka naman mabalitaan ko nalang deads na kayo dalawang, ha?” sabi ni Ate. Sasagot na sana ako pero pinutol ako ulit ng asawa niya na si Kyle. Ito ata ang nagbibigay kulay sa buhay ni Ate. Hindi naman sa hindi makulay ang buhay ni Ate, talakesa kasi si Ate at mukhang si Kuya Kyle lang ang nakakatiis sa kaniya. Tinanong ko siya kung bakit si Ate pa ang pinili niyang pakasalan samantalang ang dami-daming nirereto sa kaniya ng mga magulang niya. “Ayoko ron, gusto ko Ate mo kahit na hindi tumitigil bibig niyan. Hindi ko rin alam kung bakit siya, pero kasi noong nakita ko Ate mo, iyon, alam ko na na siya ‘yong gusto kong makasama habambuhay, hindi na ako naghangad pa ng iba. Ate mo na talaga,” sagot niya. Napangiwi ako. “Ang cheesy naman ng sagot mo. Alam mo ba sagot ni Ate noong tinanong ko siya kung bakit ikaw pinakasalan niya?” “Hindi, ano?” “Kasi pogi ka raw,” I answered. “What?! Ano pa? Iyon lang sinabi niya?” tanong niya. Natawa ako sa naging reaksyon niya. “Wala na, iyon lang. Pogi mo raw kasi.” He scoffed in disbelief. “Kawawa ka naman, pinakasalan ka dahil lang sa itsura mo,” asar ko. “Paano na iyan kapag tumanda na kayo tapos pumangit ka na?” natatawa kong tanong. Sinamaan niya ako ng tingin at badtrip na umalis sa harap ko. “Ipagpapalit ka na ni Ate kapag pumangit ka na!” sigaw ko sa kaniya. Hindi niya ako nilingon at nagpatuloy pa rin sa paglalakad palayo. Wala, naalala ko lang. “Babe! Watch your words and you’ll never know what’s going to happen, baka nga si del Montecillo pa ang umuwing luhaan, e,” sabi niya. “Hay nako. Oh, sige. Mag-iingat kayo roon ha?” tanong ni Ate. Agad akong ngumiti at binilisan ang pagkain para makapag-ayos na. Nasa taas na ako at nag-aayos ng gamit nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tumayo ako at kinuha iyon sa mesa. Clarene: Tada! We need a group chat, so I created one! Hey Dayn, u done packing? Napailing-iling nalang ako sa mga ginagawa niya. Kung sabagay hassle kung may gustong sabihin ang isa sa lahat. Ang pangalan ng group ay Trio’s Trip. I replied to her. Nakita ko na na-seen na iyon ni Sxan at nasa conversation namin siya. Ako: No. hindi pa, nagp=pack pa lang ako right now. Clarene: Oh, okay okay. Will u please show me what u’re going to wear tom or sa next day? I’ll bring something similar so we can be twinning. Sa kalagitnaan nang pag-uusap namin ay nag-salita na rin sa wakas si Sxan sa gc namin. Sxan: Go to sleep na para maaga magising bukas. I’ll be sleeping na, see you tomorrow! Magrereply na sana ako nang nagsend siya sa akin ng private message. Hey, see you tomorrow. Goodnight ganda :) Sabi niya sa text. Siyempre ni-replyan ko siya… Ako: Yeah. Sure. Goodnight, see u tom. Then locked my phone and put it aside to focus on what I will be bringing. I always bring jackets and two pairs of bikinis everywhere I go because you’ll never know what the weather is going to be once you had set foot to the place. I made sure to pack lightly, I only brought the necessities. Two pair of jeans, three different tops, and three summer dresses are probably enough. Well, I know it’s more than enough, but once again, you’ll never know when you are going to need one.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD