Chapter 54

1098 Words
Chapter 54 Dayn’s PoV “Pipila na ako rito tapos pumila na roon para hindi masayang ang time,” utos ko sa kaniya. Nakapila ako sa bilihan ng fruit shake samantalang pinapipila ko naman siya sa bilihan ng Tteok-bokki. “Spicy cheese sa akin, ha? Ikaw na bahala ng iyo.” “Saan ba?” tanong niya. Tinuro ko sa kaniya ang stall na may mahabang pila at puro babae na may kasamang napilitang boyfriend ang mga nakapila. “Okay,” he said then left. “Miss, boyfriend mo?” tanong ng babae na nasa harapan ko. Pilit akong ngumiti at umiling. “Hindi po,” sagot ko. Tumango siya sa akin at tumalikod na. Kinalabit niya ang babaeng nasa harap niya at may ibinulong. I am Dayn, I’ve got great ears so I heard exactly what they were talking about as they whispered to each other. “Hindi pala sila, ayan may opportunity kana.” “Ayoko, ano ka ba, nakakahiya ka, ang ganda-ganda ni Ate, oh.” Noong narinig ko iyon ay hinawi ko ang buhok ko sa likod, wala lang, feel na feel ko lang sinabi nila kasi totoo naman. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-message kay Sxan. Ako: Pinag-uusapan ka na rito, oh. Maya-maya lang ay nag-reply na rin siya. Sxan: Hahaha. Ikaw din, dito. Mukhang may uuwing magkaaway dito. Hanggang dito, umaabot, e. Natawa ako sa ni-reply niya na iyan. Ako: Yung dalawang babae na nasa harap ko may gusto sayo AHAHAHA Sxan: Lol, I don’t care though. But the boyfriend here keeps looking at you. Do you see him? Pangalawa siya from me, sa likod ha. Nilingon ko ang direksyon niya. May mag-jowa nga at mukhang badtrip si Ate girl. Kumaway sa akin si Sxan. Sxan: See? I can see some girls at your back admiring you too. I think they’re talking about your hair. I really like your hair Ako: You wish you have this! HAHAHAHAHA just kidding! Let’s go to salon sometime Sxan: I don’t. But I wish my daughter will have your hair. I stopped for a hot minute before replying to him. I was typing when he sent another message. Sxan: Yeah, sure. I need to get a hair cut soon, what style do you want? Binura ko tuloy ang dapat kong irereply kanina para sagutin itong bagong tanong niya. Ako: Not my hair, so not my say. You look fine naman with your current haircut. But I do wanna see you with long hair though, but it’s going to take years. Sxan: Me? Longhaired? I don’t think so, it didn’t even came across my mind until you brought it up. Ako: It’s your choice naman. Your current hairstyle is fine nga. You look like a real human, you know. So, if u’re asking for my opinion. Just keep it that way, u don’t have to change it just because I said so. Sxan: Alright, then. Gotta go, miss ma’am, it’s my turn. What? Mas nauna pa siyang naka-order kaysa sa akin na mas nauna pang nakapila sa kaniya? Kung sabagay ay tinatakal nalang naman na iyon, dito kasi ay bine-blender pa. Ako na ang susunod na bibili noong dumating si Sxan. “Mabagal pala ang pila dito,” sabi niya sa akin. Tumango ako. “Oo, tayo naman na next, ano ulit sa’yo?” tanong ko sa kaniya at itinuro ang mga pagpipilian. “This one, variety of fruits, make it large, please.” Tumango ako sa kaniya at saka sinabi ang bibilhin namin sa nagtitinda. “Ang sarap pala nito, where did—”   “Korean dramas. It’s tasty, right? Hindi ko gusto ‘yung original flavor nito pero ito, nagustuhan ko talaga,” sabi ko sa kaniya habang ngumunguya. Tumusok ako ng isa at isinubo sa kaniya. Nakaupo ulit kami at kumakain na naman.   “Hmm, sabagay, anyway bilisan na na’tin, baka abutin pa tayo rito ng midnight,” sabi niy at saka tumawa nang mahina.   Gaya ng sabi niya ay binilisan na namin ang pagkain at umuwi na. Huminto siya sa harap ng bahay namin, mag-aalas diyez na ng gabi. Tinanggal ko ang helmet at ibinigay iyon sa kaniya. Tinanggal din niya ang kaniya pero hindi na siya bumaba pa.   “Goodnight Sxan. I’m glad I came, so, thank you. See you tomorrow then?”   “Thanks for coming with me. Goodnight, mahal ko.” He leaned to hug me kaya naman lumapit ako. “See you tomorrow,” sabi niya noong kumawala na ako sa yakap niya   Tumango ako sa kaniya at naglakad na papasok.   “I love you,” he added.   I stopped walking, turned around, and said, “Thank you.”     He chuckled and nodded his head. “It’s my pleasure. Go in, love,” he said.   Tinalikuran ko na siya at naglakad na papasok ng bahay. Noong nakapasok na ako ay narinig ko ang pagbukas niya ng makina at ang pahina nang pahina nitong tunog.   Umakyat agad ako sa kwarto nila Ate dahil wala naman siya sa sala. Siyempre kumatok muna ako dahil baka mamaya gumagawa sila ng kapatid ni Liquor.   “Oh. My. God! You are not going to believe what happened!” I jumped in the bed with her excitedly that she almost bounced off.   “You little—”  She went from mad to intrigued. “So what happened?”   “Wait, where is your husband?” I asked her. Iginala ko ang paningin ko at tinalasan ang pandinig dahil baka nasa restroom lang si Kuya Kyle.   “Nasa kwarto ni Chivas, pinatutulog,” sagot niya. “Ano ba iyang chika mo? Sabihin mo na.”   “He asked me out,” I started.   Her eyes widened. “Wow! That is good, then. Did you agree?”   “Yes, of course, malandi ako, e!” I laughed.   “My gosh, when?” tanong niya.   “He said on Saturday, he’s going to pick me up at seven in the evening,” I answered.   “Where? Did he say the place?”   Umiling ako. “No, he didn’t.”   “Ooooh, your del Montecillo loves surprises, huh?” she said teasingly while poking my sides.   “No! S-stop!” I shout while laughing. Malakas talaga ang kiliti ko sa tagiliran, mabuti nalang at tumigil na rin siya sa pagkiliti sa akin dahil mauubusan na talaga ako ng hininga.   “Oo na, ikaw na may ka-date sa Saturday! Bumalik ka na sa kwarto mo!”   Natatawa akong tumango at lumabas ng kwarto nila. Kinuha ko ang cellphone ko at dumiretso sa kama para sabihin kay Clarene ang balita.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD