Chapter 51

1121 Words
Chapter 51 Dayn’s PoV “Gising na, Dayn! Gising na!” Putangina napakalakas naman ng pagyugyog sa akin, parang may halong sama ng loob, e. “Ano ba?! Ano ba?! Putanginang ‘yan, end of the world na ba Clarene?” inis kong sabi . “Kung makagising ka sa akin parang apocalypse na, e.” She giggled. “Sorry! Kanina pa kita ginigising, we’re here na! Sxan’s dropping you off first,” she said. Kinusot ko ang mata ko at tumingin sa paligid. Nasa harap na nga kami ng bahay namin. Wala si Sxan sa driver’s seat. “Nasaan—” “Si Sxan?” putol niya sa akin. Tumango ako at luminga-linga. “Nasa loob niyo.” Kumunot ang noo ko. “What? What is he doing inside?” Lumabas ako ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay. Ibinababa ni Sxan ang bags ko sa upuan habang nakikipag-usap kay Ate. Noong napansin niya ako ay agad niya akong binati. “Hey, you’re up. Sakto, naibaba ko na mga gamit mo. Uhm, una na po ako,” paalam niya kay Ate. “Oh, sige at gabi na rin. Thank you, drive safely ha?” sagot ni Ate. Sinenyasan ako ni Ate na ihatid palabas si Sxan,. “Thank you, I had a great time, Sxan,” sabi ko noong makalabas na kami ng bahay. “Anong thank you? May bayad ‘yon?!” Umirap siya sa akin kaya natawa ako. “Yes, sir. Just send me the bill!” I said. He laughed and did it again, the nose thing. “Yes, ma’am. It wasn’t free. Nothing’s free in the world right now, Ma’am.” “Hah! Really?” “But a kiss is the best and quick mode of payment, Ma’am,” sabi niya at parang palad na inilahad ang pisngi niya at naghihintay ng halik. “Echos mo, Sxan.” Tumawa ako at inilayo ang mukha niya sa akin. He frowned a little and sighed. “Yeah, I should’ve known,” he said. I laughed. “You should’ve known better!” He chuckled and wrapped his arms around my waist and gently pulled me closer. Ikinulong niya ako sa mga bisig niya at nakita ko ang pagbaba ng mata niya sa labi ko. Oh, he’s tempted. Tumingkayad ako at pinitik ang noo niya. “Aw, that hurt!” he cried. Tumingkayad ulit ako para sana pitikin siya ulit pero hinigit niya ako at niyakap nang mahigpit. Tumawa siya at mas hinigpitan iyon, naiipit na ang mukha ko! “Aray! My pretty face is gonna get ruined because of you!” I muffled. Sinuntok ko sya sa likod kaya niya lang ako pinakawalan. Tawa siya nang tawa. I glared at him while fixing my hair. He tried to help me but I waived him off. “What do you mean it’s gonna get ruined because of you,” he mocked. “No, it won’t, it’s going to stay pretty forever.” I scoffed. ”Oh, hindi mo ako mabobola, because I know that already,” masungit kong sagot. Tumawa siya. “Sige na, umuwi na kayo para makapagpahinga na. Good night, Sxan.” Niyakap niya ulit ako. “Hmm. See you tomorrow. Goodnight, mahal,” sabi niya at saka bumitaw. Naglakad kami papuntang sasakyan. Si Clarene ay nasa cellphone niya at nakangiti habang nagt-type. “Sino naman ‘yan, ha? Ngiti mo parang walang bukas, ah,” biro ko sa kaniya. Napatingin siya sa amin at umiling. “Wala,” sagot niya. “Ano tapos na ba kayo maglandian?” tanong niya. Natawa kami pareho ni Sxan. “Bwisit ka,” sabi ko. “Lumayas na nga kayo at baka masipa ko pa kayo.” Pumasok na si Sxan sa sasakyan. Nag-flying kiss pa ang gago bago umalis. Noong pumasok na ako ng bahay ay nasa baba pa rin si Ate na mukhang hinihintay ako. “Bakit hindi ka pa umaakyat? Anong oras na, ah?” tanong ko sa kaniya. Kinuha ko ang mga bag ko para isabay ko mamaya pag-akyat. “Hmm, makikichismis pa sana ako, pero sige...” Bumuntong hininga siya. “Bukas na lang.” Tumayo siya at umakyat. Sinara ko muna lahat ng pinto at chineck ang mga bintana bago sumunod paakyat. Binagsak ko ang mga bag sa isang tabi at dumiretso agad sa kama pag-akyat. Napatingin ako sa bag kung nasaan ang cellphone ko dahil tumunog iyon. Tumayo ako para kunin iyon at tingnan at saka bumalik sa kama. Sxan: Hi, love. I’m home. I replied: Hmm. That’s good to know. Rest na, ha? Sxan: Yup, you too and don’t forget to brush your teeth before going to bed. Nighty my little daisy :) *heart emoji Ako: Ikaw din, you stink pa naman. Bye! Goodnight stinky breath! Sxan: Hah! Piss off! Matulog ka na nga. Ako: Sige na, paano ako makakatulog kung text ka nang text! Sxan: Alright, good night again! Sleep tight. Do not reply na. Sure, wala naman na akong balak mag-reply talaga after that. Inayos ko ng kumot ko at natulog na. “Up in bed, Dayn! You’re going to be late!” Ate yelled while knocking on my door. “Sige!” I yelled back but I still did not get up. “Alam ko na hindi ka pa rin bumabangon diyan! Get up na!” What the f**k? How did she know that? Bumangon na ako at binuksan ang pinto, naroon pa rin si Ate. “Oh, sinong nagsabi na hindi pa ako bumangon?” sabi ko. Inirapan niya ako at naglakad palayo habang umiiling-iling. SInara ko ang pinto at pumasok na sa banyo para maligo. Ayos na ako, nakabihis na at pababa na, nag-vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ng skirt. Inilabas ko iyon para tingnan. Sxan: Good morning! Did you sleep well? Nireplyan ko siya habang pababa ng hagdan. Yea, morning. Hbu? Sxan: I did. See you later, then? I sent an okay emoji and put the phone back in my pocket. Umupo na ako sa hapagkainan para magbreakfast. Eight am ang first class ko, six forty-five pa lang kaya may oras pa ako para mag-breakfast. “So, how did it went? The vacation?” Ate asked. “Not much happened, but it was good. Relaxing and peaceful, we went to farms and a waterfalls nearby the place we were staying,” I replied. Tumango-tango si Ate. “How about the foods?” “Masarap, may nadadagdag sa course meal nila kapag dinner.” Akala ko ay magtatanong pa siya nang marami buti na lang at hindi na. Nag-kotse ako papasok ng school. Sa parehong spot ng paradahan ko iyon pinarada, minsan ay may nauuna na, kapag ganoon ay sa tabi nalang ako noon nagpaparada.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD