Kabanata 8

1533 Words
Beatrice's Pov Katatapos lang maligo ni Kassius kaya naman pumanhik na din ako ng palikuran para maligo. Nakakapag taka dahil tila bagong lagay lamang ng mainit na tubig sa mga lagayan. Tamang tama ito dahil nais kong mag babad sa tubig. Nag hubad na ako at hinyaan ang sarili na ibabad sa maligamgam na tubig. Nakakawala talaga ng pagod kapag nag babad sa tubig lalo na kung ganito ka init. Napansin ko na may kakayanan si Kassius na initin ang mga bagay bagay, marahil ay yun ang kanyang kapangyarihan. Kung ganun ay bakit inutusan nya pa ako kagabi na ipag init ko sya ng pang paligo kung may kakayanan naman syang gawin ito? Mukang sinusubukan nya lang ako kung susunod ako sa ipag uutos nya. Habang nakapikit ako at nilalasap ang masarap na pakiramdam ay may narinig akong kalampog. Nang laki ang mata ko dahil sa baboy ramo na nakapasok sa silid palikuran. Nanglilisik ang mga mata nitong nakatingin sakin, mukang galit na galit ito at handa na akong sugurin. Tatayo na sana ako para kunin ang damit ko ng bigla itong kumaripas ng takbo sakin kaya naman napasigaw ako ng malakas dahil sa takot. "Ahhhhhhhhhhhhhh!!" Malakas na hiyaw ko ng maramdaman ang pag kagat nito sa binti ko, maya maya pa ay narinig ko nalang ang malakas na kalabog mula sa pinto. Mag tatanong pa sana si Kassius ng makita nito ang baboy ramo na nasa harapan ko. Nagulat nalang ako ng may apoy na lumabas mula sa palad ni Kassius at pinatama nya ito sa baboy ramo. Mabilis itong natumba at nawalan ng malay. Hindi na makilala yung baboy ramo dahil sa pagkatusta nito. Akmang lalapit si Kassius sakin pero bigla nalang itong napatalikod ng makita ang ayos ko. "Kaya mo pa bang kumilos upang makapag bihis?" Tanong nito habang nakatalikod pa din sakin. "H-huwag ka munang haharap." Saad ko dito, kaya kahit na dumudugo at sumasakit ang paa ko ay kinuha ang damit pamalit ko. Nang matapos na ako sa pagbibihis ay agad itong lumapit sakin, tiningnan nito ang paa ko na mas lalong lumakas ang pag durugo. Nakakaramdam na ako ng panghihina at pagkahilo. Bigla ako nitong binuhat kaya napakapit nalang ako sa batok nya. "Labanan mo ang antok na nararamdaman mo, dadalhin na kita sa doctor kaya kumapit ka lang Beatrice!" Pag aalalang saad nito, hindi ko na alam kung anong nangyayare pero natitiyak kong nasa labas na kami ng Menken. Nakatingin ako sa muka ni Kassius na labis ang pag aalala. Hindi ko alam pero natutuwa akong makilala sya, kahit na napakasungit nito sakin, ramdam ko yung kabutihan nya. Sa mga nag sasabi na masamang tao si Kassius, nagkakamali silang lahat, dahil para sakin ay wala pa ding sasama sa isang ama na itinuring na alipin ang kanyang Anak. **Kassius's Pov** Nais kong bumawi sa ginawang pag hihintay sakin ni Beatrice kaya naman ng matapos na akong maligo ay pinalitan ko ang tubig pang babad sa pagligo ay ininit ito para maging maginhawa ang kanyang pakiramdam. Habang nag hahanda na ako sa aking pag tulog ay narinig ko ang malakas na hiyaw nito kaya naman mabilis kong tinungo ang silid palikuran. Nakira ko itong nasalampak sa sahig na takot natakot, nakaharang saharapan nya ang isang baboy d**o. Hindi na ako nag dalawang isip na tustahin ito gamit ang kapangyarihan ko. Nang bumagsak ito ay doon ko na napag tanto na walang kahit na anong suot si Beatrice, kaya bago ko pa makita ng malinaw ang hubad nitong katawan ay tumalikod na ako. Nang pahintulutan na ako nitong humarap sa kanya ay doon ko malinaw na nakita ang malaking sugat nito sa paa. Nakita ko na hindi ito normal na kagat lamang ng isang mabangis na baboy, tiyak kong may kinalaman na naman ang mga kalaban ko sa pangyayareng ito. Mabilis kong binuhat si Beatrice bago pa tuluyang kumalat ang lason sa katawan nya. Sa mga oras na ito ay tiyak kong namamahinga na din ang mga mahuhusay na manggagamot sa bayan namin. Hindi ko pwedeng pabayaan nalang si Beatrice, hindi sya pwedeng mamatay sa ganitong paraan. Pag dating ko sa bahay ni Ginoong Jacinto ay agad akong pinapasok ng kanang kamay nito. Mabuti nalang at kauuwi lang daw ng mga ito galing din sa isang may sakit kaya naman agad kong inihiga si Beatrice. "Anong nangyare sa kanya Heneral Kassius?" Tanong ni Ginoong Jacinto sakin. "Kinagat ng baboy ramo, pero mukang may lason ito kaya nanghihina na sya." Sagot ko dito. "Mabuti at nadala mo agad sya dito, tingnan natin kung anong magagawa ko." Saad nito at itinapat nya ang palad nya sa sugat ni Beatrice. Nag liwanag ang palad nito at maya maya pa ay may usok na itim ang lumabas sa sugat ni Beatrice. Napansin kong nasasaktan si Beatrice kaya hinawakan ko ang kamay nito. Grabe yung pamamawis nya, tiyak kong labis itong nasasaktan sa mga oras na ito. Maging si Ginoong Jacinto ay pinag papawisan na din ng buo-buo kaya pinunasan ito ng kanyang asawa. Nang matapos si Ginoong Jacinto sa pang gagamot ay nakatulog na ng mahimbing si Beatrice kaya hinayaan na muna namin ito na mag pahinga. "Matindi ang lason sa sugat nya kaya nahirapan ako na alisin ito. Sino ba ang binibining iyon?" Pag tatakang tanong nito sakin. "Bagong mapapangasawa ko po, kadarating nya lang sa aking tahanan kahapon kaya hindi po sya pwedeng mamatay agad." Sagot ko dito. "Nakita ko ang labis na pag aalala mo sa kanya, mukang iba ang pakikitungo mo sa babaeng ito kesa sa mga nauna mong asawa. Naway sya na ang huli Kassius, naway dumating kayo sa punto na mahalin ang isat-isa." Nakangiting saad nito sabay tapik sa balikat ko. Malapit si Ginoong Jacinto sakin dahil sya ang palaging gumagamot sa mga tauhan ko. Parang isang ama na ito sakin dahil sa mga payo na natatanggap ko sa kanya sa tuwing nag kakausap kami. "Malalim na ang gabi Heneral Kassius, mas mabuti pang dito na kayo matulog. Ipapahanda ko na ang silid na matutulugan mo." Saad ni Ginang Amaya. "Salamat po, at paumanhin sa aming pang aabala sa inyo." Nahihiyang saad ko sa mag asawa. "Hindi kana iba samin Iho, kaya huwag mong iisipin na isa kang abala dahil parang anak na ang turing namin sayo." Nakangiting saad ni Ginang Amaya. "Kung ganun po ay tatanawin ko itong malaking utang na loob." Nakangiting saad ko at nag paalam na ang dalawa upang mag pahinga. Sinilip ko muna si Beatrice sa kanyang silid, mahimbing na itong natutulog. Maganda na din ang kulay ng muka nito hindi katulad kanina na wala ng kulay. Hindi ka pa maaring mamatay Beatrice, marami pa akong nais matuklasan sayo. **Third Personal's Pov** "Bwesit!!" Inis na saad ng lalaking nakatayo sa tapat ng binta ng kanyang kwartyo. Hindi nya inaasahan na darating si Kassius upang iligtas ang babaeng nais nyang paslangin. Sya ang may kontrol sa isipan ng baboy ramo at nilagyan nya ng matinding lason ang laway nito upang mapaslang nya ang mapapangasawa nito. "Kailangan mapaslang ang babaeng yun lalo na at sya ang dahilan kung bakit makakaligtas si Kassius sa kamatayan! Hindi ako pwedeng mag kamali, sya ang babaeng nakita ko sa aking pangitain. Kailangan nya ng mabura upang hindi na maging balakid ang Kassius na yan sa aming mga plano!" Inis na saad nito at muling nag hanap ng mabangis na hayop na maaring pumatay kay Beatrice. "Titiyakin kong sa pag kakataong ito ay hindi kana makakaligtas." Saad nito ng makakita ng ahas na may nakakamatay na kamandag. Kaya nitong patayin sa loob lamang ng sampung sigundo ang ordinaryong tao na matutuklaw nito. "Humanda ka Kassius, kapag namatay sa mga kamay mo ang babaeng ito, tiyak kong ikakagalit ng pamilya nya ang kapabayaan mo. Dahil dito ay masisira ang pangalan mo, sisisihin ka ng mga tao dahil pabaya kang lalaki. Sapat na siguro ito para mapatunayan ko sa kanila na wala kang kwenta at tanging pwesto mo lang sa kaharian ang importante sayo." Muling saad nito at tumawa pa ito ng malakas. Sa bayan ng Zibia sa Cadden ay galit na galit naman si Elvina dahil hanggang ngayon ay wala pa din ang inutusan ng kanyang itim na kapangyarihan na mag matyag sa sitwasyon ng kanyang kapatid. "Sigurado ka ba na magagawa ng maayos ng utusan mo ang pinag uutos ko? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin sya bumabalik?!" Inis na tanong ni Elvina dito. Sinubukan naman ng kanyang Itim na kapangyarihan na kausapin ang kanyang inutusan na alipin ngunit hindi nya na ito maramdaman. "Patawad panginoon, ngunit mukang wala na ang aking inutusang alipin na mag matyag sa kapatid mo, mukang pinaslang na ito." Sagot ng kanyang itim na kapangyarihan. "Hindi maari ito, mag padala ka ulit at siguraduhin mong makakabalik sila!" Sigaw ni Elvina dito. Muling nag labas ng ibang nilalang ang kanyang itim na kapangyarihan at mabilis din itong nag lakbay patungong Menken. Nais ni Elvina na mabalitaang nag hihirap ang kanyang kapatid, doon lamang sya makokontento at magiging masaya kapag nalaman nyang nag hihirap ito. Para kay Elvina ay sya lamang dapat ang matira sa kanilang mag kapatid dahil sya lang ang karapat dapat sa pag tatangi ng kanyang Ama at wala ng iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD