Beatrice's Pov
Nagising ako sa di pamilyar na kwarto, naalala ko yung mga nangyare kagabi. Babangon na sana ako sa kama ko ng mapagtanto ko na may nakasubsob sa gilid ng kama ko habang ito ay mahimbing na natutulog.
"Kassius?" Nauutal na tawag ko dito at nagising din naman ito agad.
"Gising kana pala, kamusta ang pakiramdam mo?" Nakakunot noo na tanong nito sakin.
"Mabuti na, salamat at iniligtas mo ako kagabi." Nakangiting saad ko dito.
"Obligasyon ko na protektahan ka dahil nasa puder kita ngayon." Sagot nito at tinulungan ako sa pag tayo sa kama. Napansin ko ang mabilis na pag hilom ng aking sugat. Pag labas namin ng silid ay naabutan namin ang mga taga pag silbi na abala sa pag hahain ng almusal.
"Magandang umaga Heneral, at sayo din Binibining Beatrice. Kamusta na ang iyong pakiramdam?" Tanong ng isang may edad na lalaki at may kasama itong may edad na din na babae, mukang mag asawa ang dalawang ito at mukang sila din ang may ari ng tahanan na ito.
"Sya si Ginoong Jacinto, sya ang nag pagaling sa sugat mo, at si Ginang Amaya naman ang kanyang asawa." Saad ni Kassius sakin, nginitian ko ang mag asawa. Ramdam ko na mabubuting tao sila.
"Mainam na po ang aking pakiramdam ngayon, maraming salamat po at pinagaling nyo ako Ginoong Jacinto, utang ko po ang buhay ko dahil sa pag sagip nyo sa buhay ko." Nakangiting sagot ko dito.
"Naku iha, tungkulin ko ang pagalingin ang may karamdaman na tulad mo. Ang pasalamatan moay itong si Heneral Kassius, dahil kung hindi ka nya dinala sakin agad ay tiyak kong wala kana sa mga oras na ito." Nakangiting saad nito kaya napatingin ako kay Kassius.
"Salamat ulit Kassius, hayaan mo at tatanawin ko tong malaking utang na loob sayo." Nahihiyang saad ko dito.
"Mabuti naman iha at mainam na ang iyong pakiramdam, pag saluhan na muna nating itong pinahanda kong almusal bago kayo umuwi sa inyong tahanan." Nakangiting saad ni Ginang Amaya. Inalalayan naman ako ni Kassius sa pag upo, mas lalo tuloy akong namamangha sa mga ipinapakita nitong kabutihan sakin.
Sinimulan na namin ang kain, habang tahimik kaming kumakain na apat at biglang nag salit asi Ginang Amaya.
"Nakakatuwa kayong pag masdan na dalawa, bagay na bagay kayo sa isa't isa." Nakangiting saad ng ginang kaya naman tila nabulunan si Kassius sa narinig nya. Agad ko itong inabutan ng tubig sabay naman na natawa ang mag asawa dahil sa nangyare.
"Pang walong kasal mo na ito pag nag kataon diba Kassius? Sana naman sa pag kakataong ito ay hindi mo na makalimutan na imbitahan ako." Pabirong saad ni Ginoong Jacinto dito.
"Oo nga, nais naming masaksihan ang pag iisang dibdib nyong dalawa kaya huwag nyo kaming kalimutan na padaldahn ng imbitasyon." Dagdag na tugon ng asawa nito, alanganin naman na ngumiti ako sa mga ito. Kung nanaisin akong pakasalan ni Kassius ay isang karangalan yun para sakin. Pero nakakahiya lamang kung mababalitaan nila na ayawan ako nito at ibalik nalang sa Cadden.
"Hayaan nyo at hindi ko na ito kakalimutan sa pag kakataong ito." Nakangiting sagot ni Kassius sabay tingin sakin. Ibig bang sabihin nito ay pakakasalan nya talaga ako? Ibig ba nitong sabihin ay hindi na ulit ako babalik ng Cadden?
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko kaya agad ko itong pinunasan. Napansin naman ito ni Kassius kaya napakunot ang noo nito.
"May mali ba sa sinabi ko Beatrice? Ayaw mo bang matuloy ang kasal natin?" Pag tatakang tanong nito kaya agad akong umiling dito.
"Gu-gusto ko, natutuwa lang ako sa mga sinabi mo." Saad ko habang pilit na pinupunasan ang luha na ayaw mapatid sa pag tulo.
"Namimiss ko tuloy nung panahon ng kabataan natin Mahal ko, ganyan na ganyan din tayo noon nung ipagkasundo tayo ng mga magulang natin." Nakangiting saad ni Ginang Amaya.
"Pasenya na po kung mashado akong madrama, hindi ko lang po talaga mapigilan ang sayang nararamdaman ko. Ngayon nalang po ako napaiyak dahil sa saya." Nahihiyang paliwanag ko sa mag asawa.
-
Matapos ang almusal namin ay nag paalam na kami ni Kassius na babalik na sa Menken. Namangha naman ako sa ginawa nitong ulap kung san kami sasakay pa uwi. Habang nakaupo ako sa ulap ay hindi ko mapigilang hindi mapatangin sa baba upang makita ang magandang tanawin sa bayan ng Gallio.
"Mas maganda pala ang tanawin mula dito sa itaas." Saad ko habang galak na galak ang aking puso.
Pag dating namin ng Menken ay naabutan namin si Aerith at Lizandra sa harapan ng tarangkahan. Inalalayan naman ako ni Kassius sa pag baba sa sasakyang ulap nya. Agad na lumapit si Aerith at Lizandra, bakas sa mga muka nila ang labis na pag aalala.
"Nabalitaan namin kay Ronron ang nangyare sayo, labis kaming nag alala sa kalagayan mo. Kamusta na ang pakiramdam mo ngayon Beatrice?" Mangiyak ngiyak na tanong ni Aerith sakin. Napangiti ako dahil sa ikli palang ng aming pag sasama ay grave ito kung mag alala sakin. Pakiramdam ko tuloy ay nakahanap na ako ng pamilya na kung saan ay kaya akong mahalin. Pero paano nalang kapag nalaman nila na isa lang din pala akong ordinaryong tao? Na walang kapangyarihang taglay tulad ng kanilang panginoong Kassius. Kamumuhian din kaya nila ako tulad ng pamilya ko?
"Mauna na kayong pumasok sa loob." Saad ni Kassius habang nag mamasid ito sa paligid. Inakay na ako ni Aerith at Lizandra patungo sa loob, mukang may nararamdaman ito na hindi namin nararamdaman. Siguro ay may panganib na naman sa paligid, natatakot ako na baka hindi lang ito ang unang beses na mangyare ito, paano kung may gusto talagang mag tangka sa buhay ko? Pero bakit naman nila nanaisin na kitilan ako ng hininga, gayong wala naman akong laban sa kanila. Wala silang mapapala kung papatayin nila ang katulad ko.
"Mas mabuti pang mag pahinga kana muna sa silid mo. Tiyak naming nanghihina ka pa din hanggang ngayon, hayaan mo na kami sa mga gawaing bahay." Nakangiting saad ni Lizandra, pag pasok namin sa silid ko ay pinahiga na nila ako sa kama ko. Maya maya pa ay dumating na si Kassius, naupo ito sa gilid ng kama ko.
"Hindi na muna ako papasok sa aking trabaho." Saad nito sakin kaya napakunot ang aking noo.
"Huwag mo na akong alalahanin, ayos na ang aking pakiramdam. Labis na kitang na abala, kaya pumasok kana sa iyong trabaho. Mas importante ang obligasyon mo sa bayan kesa sakin, nandito naman si Aerith at Lizandra kaya ayos lang ako." Nahihiyang saad ko dito. Tila hindi naman ito nakikinig sa mga sinabi ko dahil abala ang kanyang mata sa pag tingin sa silid ko.
"Hindi nyo pa pala natatapon ang mga yan." Saad ni Kassius kay Aerith at Lizandra, napakunot ang noo ko dahil ang tinutukoy nito ay ang mga naiwang gamit ng mga naunang asawa nya.
"Yan po ang mga handog nyo sa mga nauna nyong asawa, hindi naman po nila ginalaw ang kahit na ano dyan kaya sayang naman po kung itatapon namin." Paliwanag ni Aerith kay Kassius, narinig ko naman ang malalim na pag buntong hininga nito.
"Kunin nyo na ang lahat ng yan, iuwi nyo kung nais nyo. Isang kalapastangan para kay Beatrice na makita ang mga yan dito." Saad ni Kassius na ikinagulat ko.
"A-Ayos lang naman sakin yun Kassius, hindi ko naman iniisip ang bagay na yan.' Saad ko dito. Tila binge talaga ito dahil hindi nito pinapansin ang mga sinasabi ko. Wala ng nagawa si Aerith at Lizandra kundi alisin ang mga dating gamit na naiwasan sa silid ko.
"Kapag tuluyan ng gumaling ang binte mo, isasama kita sa bayan. Sige na, mag pahinga kana dahil may aasikasuhin pa ako sa aking silid." Saad nito at tuluyan na ako nitong iniwan sa aking silid.
Bumalik si Aeith sa aking silid upang kunin ang mga natirang damit. Pangiti-ngiti itong humarap sakin, tila nanunukso ito pero hindi ko naman mahulaan kung bakit.
"Alam mo bang nandito na ang mga gamit na yan mula pa sa unang naging asawa ni panginoong Kassius? Ikaw lang pala ang makakapag paalis nito, natutuwa ako para sayo Beatrice, naway ikaw na ang huling maging asawa ng aming amo." Kinikilig na saad nito.
"Ano sa tingin mo, may pag asa ba talaga na maibigan ako ni Kassius na maging asawa?" Tanong ko dito kaya naman mabilis itong tumango sakin.
"Ngayon ko lang nakitang ganyan si Kassius sa mga naging babae nya. Kaya sa tingin ko ay espesyal ka para sa kanya, sa wakas ay mapapanatag na ang loob ko dahil may makakasama na ang aking alaga." Saad nito at masayang lumabas ng aking silid.
Kung tama ang mga sinabi ni Aerith, natatakot ako sa pwedeng mangyare. Dapat ko na bang ipag tapat kay Kassius ang katotohanan tungkol sa pag katao ko? Kung aaminin ko yun sa kanya ngayon, baka isauli nya na ako sa Ama ko. Alam nyo naman na hindi ko na nais pang bumalik sa Cadden. Dito ay ramdam ko ang mainit na pag tanggap nila sakin, masaya na ako dito. Ayuko ng maulit yung mga pag hihirap ko sa Cadden, mas mabuti pang mamatay nalang ako kesa muling pag silbihan ang pamilyang kailanman ay hinding hindi ako ituturing na isa sa kanila. Kaya mas mabuti pang ilihim ko nalang ang lahat ng ito kay Kassius, sa susunod ko na poproblemahin ang magiging kabayaran ng pag lilihim ko sa kanya.