Kabanata 10

1653 Words
Beatrice's Pov "Hindi ako tumatanggap ng bisita ngayon Damian, sige na bumalik kana sa himpilan natin!" Inis na saad ni Kassius sa kausap nito.Tila nag pupumilit itong pumasok ng pinto at hinaharangan naman ito ni Kassius. Patungo sana ako ng kusina para uminom ng marinig ko itong may kausap. "Nandito nalang din naman ako, bakit hindi mo pa ako ipakilala sa kanya. Napakadamot mo talaga, parang hindi kaibigan!" Reklamo na sagot ng kausap nito. "Kassius, sino sya?" Tanong ko dito kaya naman napatingin sila ng kausap nya sakin. Wala ng nagawa si Kassius ng tuluyan na itong pumasok sa loob at agad na lumapit sakin. "Ikaw ba ang mapapangasawa ng aking kaibigan?" Nakakunot noo na tanong nito. "Oo, ako nga." Nahihiyang sagot ko dito. "Ako namna si Damian, ang matalik na kaibigan ni Kassius at kanang kamay nya sa trabaho. Ikinagagalak kitang makilala Binibini, tunay ngang napaka ganda mo." Saad nito at kinuha ang kanang kamay ko. Handa na nitong halikan ang kamay ko ng biglang pumagitna samin si Kassius at inilagay ako sa likuran nya. "Sige na Damian, bumalik kana sa ating himpilan. Sa susunod ka nalang bumisita kapag maayos na ang kalagayan ni Beatrice." Saad ni Kassius dito. Napansin ko ang mapanuksong tingin ni Damian kay Kassius kaya naman ipinag tulakan na ito ni Kassius palabas. "Sa muli nating pag kikita Binibining Beatrice!" Pahabol pang saad ni Damian sakin. Agad namang isinara ni Kassius yung pinto, napansin ko ang pag bunting hininga nito. "Bakit ka lumabas ng silid mo, may masakit ba sayo?" Pag aalalang tanong nito at inalalayan akong bumalik ng silid ko. "Maayos na ang pakiramdam ko Kassius, hindi mo na kailangan mag alala. Putungo sana ako ng kusina ng marinig kong may kausap ka." Saad ko dito at muli ako nito at dahan dahan ako nitong inalalayan sa pag upo sa kama ko. "Pesensya kana kay Damian, sadyang makulit lang talaga ang isang yun, pero napaka bait at napaka tapat nitong kaibigan sakin." Sagot nito kaya napangiti nalang ako. Maswerte si Kassius dahil may kaibigan syang katulad ni Damian. Dahil ako, isa lang ang itinuring kong kaibigan, si Atreyu, ngunit hindi sya naging tapat sa pangako nya sakin. "Hanggang hindi pa tuluyang humihilom ang sugat mo, dito ka nalang muna sa iyong silid. Sasabihan ko nalang si Lizandra na dalhan ka ng maiinom." Saad nito at tumayo na para umalis. "Salamat Kassius, salamat sa iyong kabutihan." Saad nito at tuluyan ng lumabas ng kanyang silid. Hindi ko akalain na mag aalala ng ganito si Kassius sakin. Paano nila nasabi na isa itong halimaw at walang puso? Bukod sa punong taga pagsilbi sa Cadden, si Kassius at ang mga taga pag lingkod nito ang nag pakita sakin ng labis na pag aalala sa tuwing nasasaktan ako. Yung pag aalala nila, hinding hindi ko ito naramdaman sa aking ama at nag iisang kapatid. Kahit na siguro sumuka ako ng dugo sa harapan nila ay wala silang gagawin. Mas mabuti pa yung ibang tao, mas pinaramdam nila sakin yung pag mamahal ng isang pamilya kesa sa tunay kong ka dugo. **Kassius's Pov** Pag uwi namin kaninang umaga, muli na naman akong nakakita ng dalawang itin na nilalang. Agad ko itong sinunog ng aking kapangyarihan, mas lalo silang dumami kaya naman kailangan kong doblihin ang panangga sa Menken. Sa sitwasyon namin ngayon, tiyak kong hindi ako ang pinupunterya ng kalaban kundi si Beatrice. Sa mga nauna ko namang asawa ay walang ganitong pangyayare, wala pang isang linggo si Beatrice dito sa Menken ay sinugod na agad kami ng kaaway. Palaisipan ito para sakin, anong meron si Beatrice at bakit sa lahat ng mga naging asawa ko ay si Bea lang ang pinagtangkaan ang buhay? Habang pinag aaralan ko ang salaysay ng mga pinunong taga pag bantay sa Gallio ay nakaramdam ako ng malakas na enerhiya sa paligid. Madali akong lumabas ng aking silid para puntahan si Beatrice, naabutan ko naman itong mahimbing ng natutulog sa kanyang silid. Maya-maya pa ay narinig ko ang pag sigaw ni Ronron. Maging si Aerith at Lizandra ay napalabas ng kusina dahil sa pag sigaw ni Ronron. "Bantayan nyo si Beatrice sa kanyang silid, huwag nyo syang iiwan kahit na anong mangyare!" Utos ko sa dalawa kaya mabilis silang nag tungo sa silid nito. Pinuntahan ko si Ronron at naabutan ko itong nakikipag laban sa isang malaking ahas. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking ahas. Bukod sa napakalaki nito ay tatlo din ang ulo nito. Kulay pula ang mga mata nya habang ang balat nito ay pinapalibutan ng itim at makapal na kaliskis. Dumura ito ng kanyang laway, mabuti nalang at agad na nakaiwas si Ronron. Ang tinamaan ng makamandag na laway nito ay agad na nalusaw. Tila para isang asido ang laway nito kaya dapat itong iwasan. Kapansin pansin din ang mga ulo ng ahas dahil sa kakaibang sungay nila. Tinulungan ko na si Ronron dahil alam kong mahihirapan syang kalabanin itong mag isa. Ang mga hayøp na katulad nito ay takot sa apoy kaya naman gumawa ako ng taligong apoy. Sa pag hampas ko dito ay mabilis itong nakaiwas. Kahit napaka laki nito ay napakaliksi pa din nitong kumilos. Sinubukan kong gamitin sa kanya ang kapangyarihan kong kidlat ngunit hindi manlang ito tumalab sa kanya. Marahil ay dahil ito sa napaka kapal nyang kaliskis at ito ang nag bibigay proteksyon sa kanya. Mukang hindi talaga titigil ang aking mga kalaban sa mga plano nila. Pinag sama ko ang apoy at kidlat kong kapangyarihan at pinatama ito sa sungay ng ahas. Nakaramdam ito ng panghihina kaya naman muli ko itong ginamitan ng kapangyarihan. Nang tuluyan na itong bumagsak sa lupa ay agad na pinutol ni Ronron ang bahagi ng katawan nito na nagkokonekta sa tatlong ulo nito. "Mukang napapadalas na ang pag lusob satin ng mga mababangis na hayøp. Hindi na ito normal panginoong Kassius." Pag aalalang saad ni Ronron. Minabuti kong sinugin nalang ang katawan ng ahas bago pa ito makita nila Beatrice. Kung sino man ang nasa likod ng pag atake na ito, tiyak kong hindi ito titigil hanggat hindi sya nag tatagumpay. Bumalik na ako sa silid ni Beatrice. "Ano po ang mga narinig naming ingay mula sa labas?" Tanong ni Aerith sakin. "Wala naman, may naligaw lang na mabangis na hayøp kaya naman itinaboy na namin ni Ronron." Nakangiting saad ko sa kanila, tiyak kong mag aalala at matatakot ang mga ito kapag sinabi ko ang katotohanan. "Ganun po ba, mukang napapadalas na ang pag gagala ng mga mababangis na hayøp sa kagubatan. Hindi po kaya nasisira na ang tahanan nila, kaya pati sa lugar ng mga tao ay pinupuntahan na nila?" Tanong naman ni Lizandra. "Baka ganun nga, hayaan nyo at aalamin namin ang tungkol dyan." Sagot ko sa kanila at bumalik na ang mga ito sa kanilang mga gawain. "May nais akong ibigay sayo." Saad ko kay Beatrice kaya napakunot ang noo nito. Gumawa ako ng isang ingkantasyon para mabuo ang purselas. Gawa ito sa dyamante na kulay apoy. "Isuot mo ito at huwag na huwag mong huhubarin. Yan ang magiging proteksyon mo laban sa mga nais na manakit sayo." Saad ko dito at isinuot ko ito sa kanang kamay nya. "Salamat Kassius, iingatan ko itong mabuti." Nakangiting saad nito sakin at aliw na aliw nitong tiningnan ang munting regalo ko. Lagi akong wala sa tabi ni Beatrice, kaya naman dapat kong doblehin ang siguridad nya lalo na ngayon at lagi nalang may dumating na panganib. Hindi ko naman pwede na lagi akong nasa tabi nya dahil may obligasyon din ako sa bayan. Bumalik na ako ng aking silid upang pag aralan ang mga ulat na ipinadala ko kay Damian kanina. Habang nag babasa ako ay bigla akong nakarinig ng katok mula sa aking bintana. Dali-dali akong tumungo dito upang pag buksan ang alagang ibon ng mahal na prinsipe. Dumapo ito sa aking balikat at ibinigay nito sakin ang dala nyang liham. Madali ko itong binasa, napakunot ang noo ko ng mabasa ang nilalaman nito. "Mahal kong General Kassius, batid ko na muli kang mag aasawa at nasa puder mo na ang binibining ito. Ayon sa aking pangitain ay sya na ang babaeng makakasama mo habang buhay, ngunit mangyayare lamang ito kung makakaya mo syang protektahan hanggang sa huli. Mag tungo ka sa palasyo, isama mo ang binibini. Nais ko syang makilala, at mabigyan ng basbas ang inyong pag sasama." Saad nito sa liham kaya naman hindi na ako nag aksaya pa ng oras at sinabihan ko na si Aerith at Lizandra na ayusan si Beatrice dahil tutungo kami ng palasyo. Pag labas ni Beatrice ng silid nito ay hindi ko napigilan ang aking sarili na mamangha sa taglay nitong kagandahan. May igaganda pa pala ito, sya kasi yung tipo ng babae na walang arte sa katawan. Makikita mo lang dito ay yung natural nyang kagandahan. Ngayon naman ay napaka ganda nito, walang sinabi dito ang mga nauna kong asawa. Kung palaging ganito ang ayos ni Beatrice, baka hindi ko na maalis ang paningin ko sa kanya. "Tunay na napaka ganda talaga ng iyong mapapangasawa panginoong Kassius." Saad ni Aerith sa tabi ko, tulad nya ay hindi din nito maalis ang kanyang tingin kay Beatrice. "Oo Aerith, kabigha-bighani ang naiiba nyang taglay na kagandahan." Mahinang saad ko dito. Nahihiyang lumapit si Beatrice sakin, tila hindi ito sanay sa ganitong ayos. "Maganda ba? Hindi ba labis ang aking ayos?" Nahihiyang tanong nito sakin. "Tama lang yan Beatrice, mas lalo lang gumanda." Saad ko dito kaya naman napatulala ito dahil sa sinabi ko. Bagya akong siniko ni Aerith, hindi ko napigilan na mag Sabi ng totoo. Ngayon lamang ako pumuri ng isang babae lalo na sa harapan ng ibang tao. Tiyak kong bibigyan ito ng malaking kahulugan ni Aerith at Lizandra. Nag sasabi lang naman ako ng totoo base sa aking nakikita. Tunay naman talaga na napakaganda ni Beatrice sa kanyang ayos. Yun lang yun at Wala ng iba pang kahulugan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD