Kabanata 11

1732 Words
Beatrice's Pov Hindi ako mapakali sa ayos ko ngayon, naiilang ako dahil mayat-maya ang tingin sakin ni Kassius. Iniisip ko tuloy na baka na sobrahan ang pag lagay ni Aerith at Lizandra ng kolorote saking muka. Habang nasa himpapawid kami ni Kassius ay natanaw na namin mula dito ang palasyo na aming pupuntahan. Hindi ko lubos maisip na makakapunta ako sa isang palasyo, mula dito sa itaas ay napaka ganda at napakalawak na nito, ano pa kaya kapag mismong loob nito? Pag baba ng sinasakyan naming ulap ay inalalayan na ako ni Kassius sa pag baba. "Kaya mo bang mag lakad?" Pag aalalang tanong nito. "Oo naman, magaling na ang paa ko Kassius. Napaka husay ni Ginoong Jacinto dahil mabilis nyang napag hilom ang aking sugat." Nakangiting sagot ko dito. "Mabuti naman kung ganun, mag madali na tayo dahil tiyak kong kanina pa tayo hinihintay ng Kamahalan." Saad nito at sabay kaming nag lakad patungo sa napakalaking tarangkahan ng palasyo. Nang makita ng bantay na kawal si Kassius ay nag bigay galang agad ang mga ito. "Maligayang pag dating Heneral Kassius." Bati sa kanya ng mga ito at pinag buksan na kami ng tarangkahan. Hindi ko naman maiwasan na hindi humanga, dahil sa napakalaking bakod ng palasyo ay napaka ganda ng loob nito. Napaka lawak ng hardin nito at sari-saring mga halaman ang meron dito. Nag lalakihan ang mga rosas nila na kasing laki ng plato, ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking rosas. Napansin ko ang mga lambana na nag aalaga sa mga halaman, napaka gaganda nila. Ito ang unang beses na makakita ako ng mga lambana dahil tanging mga dughong bughaw lamang ang pinag lilingkuran nila. Sa pag lalakad namin ni Kassius patungo sa palasyo ay maraming uri ng mga maliliit na hayop na lumilipad ang nadadaanan namin. Maya-maya pa ay may mga diwatang lumapit samin, napaka gaganda nila lalo na ang kanilang mga pakpak. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila dahil ibang lingwahe ang sinasabi nila. Pero maliwanag ang nakikita ko, tiyak kong natutuwa silang makita si Kassius. "Paumanhind mga diwata, ngunit hindi ako maaring mag pakasal sa inyo." Saad ni Kassius kaya napalunok ako dahil sa sinabi nito. Ibig ba nitong sabihin ay inaalok si Kassius ng mga diwata na to na mag pakasal. Napaatras ako ng mapatingin yung tatlong diwata sakin, maya maya pa ay ako na ang pinag kumpulan nilang tatlo at inikutan. Lahat sila ay nakatingin sakin ng masama kaya naman napataas ang dalawang kamay ko tanda ng pag suko sa kanila. Wala akong laban sa mga katulad nila lalo na at isa lang din naman akong ordinaryong nilalang. "Tigilan nyo na yan." Saad ng isang babae kaya agad na lumipad paalis yung mga diwata. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa pag alis nila. Pag harap ko sa babaeng nag salita ay natulala ako sa angking ganda nila. Agad na nag bigay pugay si Kassius dito kaya maging ako ay lumuhod sa harap nito. "Ikinagagalak ko ang inyong pag dating Heneral Kassius at Binibining?" "Beatrice po." Nakayukong sagot ko. "Napakagandang pangalan." Saad nito. "Maraming salamat po." Sagot ko at tumayo na kami ni Kassius. "Totoo nga ang narinig ko sa aking kapatid na muli kang mag aasawa Kassius." Nakangiting saad nito kay Kassius. "Beatrice, nais ko sayong ipakilala ang mahal na Prinsesa Ayahnie." Pakilala ni Kassius kaya bahagya akong yumuko dito tanda ng pag galang. "Natutuwa akong makilala ka Beatrice, ikaw palang ang binibining dinala ni Kassius dito. Mukang nabihag mo na talaga ang puso ng mabangis naming Heneral hahahaha!" Tuwang tuwa na saad nito, napatingin nalang si Kassius sakin. Siguro ay hindi naman yun ganun, nag simula lang naman ang lahat ng ito nung kinagat ako ng baboy ramo. Siguro ay umiiwas lang si Kassius na masisi kapag may nangyareng masama sakin. Yun ang akala nya, pero ang totoo ay wala namang paki alam sakin ang aking ama kung mapahamak ako. Kahit mamatay ako sa puder nya ay hindi ito mag dadala ng gulo sa pagitan ng pamilya ko at pamilya nya. "Mabuti pa ay tumuloy na kayo ng palasyo dahil tiyak kong hinihintay na kayo ng mahal kong kapatid." Saad ng mahal na prinsesa at nauna na itong mag lakad samin papasok sa loob. Narinig ko naman ang pag hinga ng malalim ni Kassius, kinakabahan din kaya ang katulad ni Kassius? Sa muka nya kasi parang lagi syang kalmado, samantalang ako ay nag tutubig na ang aking kamay dahil sa kaba. Pag pasok namin sa loob ng palasyo ay mas lalo akong namangha dahil lahat ng makikita mo dito ay kulay ginto. Hangang hanga naman ako sa itaas ng palasyo dahil may talon dito, ngunit walang tubig na bumabagsak sa ibaba ng palasyo, parang isang larawan lamang ito na gumagalaw. Nakakamangha lahat ng makikita sa palasyo dahil lahat ng makikita mo dito ay gawa sa kapangyarihan. Sa trono ay napansin ko ang lalaking nakaupo na may suot na korona, sya na marahil ang Prisipe ng Gallio. Agad na nag bigay pugay si Kassius kaya naman ay lumhod at yumuko din ako sa harap nito. "Salamat at pinaunlakan nyo ang aking pag anyaya." Saad ng mahal na Prinsipe kaya tumayo na kami ni Kassius. Pag tingin ko sa mahal na Prinsipe ay nakatingin din ito sakin, napalunok ako dahil grabe ang pag titig nito sakin. Ilang sandali pa ay bigla nalang may tumulong dugo sa kanyang ilong. "Kamahalan ang ilong mo!" Pag aalalang saad ni Kassius at Prinsesa Aliyah. Agad na may lumapit na alipin dito upang bigyan ng pamunas ang mahal na Prinsipe. "May dinaramdam ka ba mahal kong kapatid? Ipapatawag ko na ba ang Doctor ng ating pamilya?" Pag aalalang tanong ni Prinsesa Aliyah dito. "Paumanhin kung pinag alala ko kayo, maayos na ang aking pakiramdam." Nakangiting saad nito at muling tumingin sakin. May kakaiba sa mahal na prinsipe, pero wala akong nararamdaman na panganib mula dito. "May mahalaga akong sasabihin sa inyon dalawa, kaya doon nalang natin ito pag usapan sa silid tanggapan ng mga bisita." Saad ng mahal na Prinsipe kaya naman nauna na itong mag lakas samin. Nakasunod lang kami ni Kassius sa dalawang mag kapatid. Habang nag lalakad kami ay hinila ni Kassius ang braso ko. "May ginawa ka ba para dumugo ng ganun ang ilong ng mahal na Prinsipe?" Nakakunot noo na tanong ni Kassius sakin. Agad naman akong umiling, wala akong angking kapangyarihan kaya paano ko yun magagawa? Alam ko sa sarili ko na wala akong sinasaktan lalo na ang mahal na Prinsipe, isa yung kalapastangan at maari kong ikapahamak yun. "Mabuti kung ganun." Sagot nito at tila nabunutan ng tinik sa kanyang dibdib. Pag pasok namin sa silid ay napakadaming upuan, pero bigla itong nag bago ng itoktok ng dalawang beses ng mahal na Prinsipe ang kanyang tungkod. Nag karoon nalang ng apat na upuan at lamesa sa silid na para lang sa aming tatlo. Naupo na ang mahal na prinsipe kaya naupo na din kami ni Kassius. "Batid kong nag tataka kayo kung bakit ko kayo pinatawag na dalawa."Nakangiting saad ng mahal na Prinsipe. "Nung nabasa ko ang liham na pinadala mo Prinsipe Aaron, nag madali na kaming mag lakbay patungo dito. Batid ko na napaka importante nito lalo na sa kaligtasan ni Beatrice." Saad ni Kassius kaya napatingin silang tatlo sakin. Ibig sabihin ay may nagtatangka sa buhay ko, hindi lang ito nag kataon kundi nais talagang may pumaslang sakin. Pero bakit, bakit ako na wala namang kakayahan na manakit ng ibang tao? Dahil ba ako ang bagong mapapangasawa ni Kassius kaya nais nila akong paslangin? "Ingatan mong mabuti si Beatrice dahil sya na ang huli mong mapapangasawa. Nakita ko sa pangitain ko na mamatay si Beatrice at ito ang magiging dahilan ng tuluyan mong pag talikod sa lahat. Mas mananaig sayo ang galit at pag hihiganti, kakatakutan ka ng lahat dahil sa iyong mga pag patay." Saad ng Mahal na Prinsipe kaya lahat kami ay napatingin kay Kassius. Napatingin naman si Kassius sakin, ayukong umabot si Kassius sa ganun. Ayukong maging sumpa sa kanya, mas pipiliin ko nalang na mag palayo-layo kung mag kakaganun si Kassius. Tahimik ang buhay ni Kassius nung wala ako, pero gugulo ito ng dahil sakin. "Mahal kong kapatid, dumudugo na naman ang ilong mo!" Pag aalalang saad ni Prinsesa Aliyah kaya madali itong pinunasan ng Mahal na Prinsipe. "Mas mabuti pa siguro kamahalan na mag pahinga na po muna kayo, mukang hindi maganda ang iyong pakiramdam." Pag aalala ni Kassius ngunit ngumiti lang ito. "Ayos lang ako, hindi ko lang mapasok ang isipan ni Beatrice kahit na ilang beses ko itong subukan. Kamangha-mangha dahil ngayon lang ito nangyare sakin." Nakangiting saad nito kaya napalunok ako sa sinabi nya. Hindi ko alam na may kakayanang mag basa ng kaisipan ang mahal na Prinsipe, wala naman akong ginagawa para hadlangan ito. "Paumanhin na mahal na Prinsipe, hindi ko po nais na saktan ka." Hiyang-hiya na saad ko dito habang nakayuko. Naiiyak ako dahil wala naman akong ginagawa pero nasaktan ko ang mahal na prinsipe. "Ayos lang yun Beatrice, kasalanan ko din naman yun dahil hindi ako huminge ng pahintulot sayo na gawin ang bagay na yun. Mukang may limitasyon na ang aking kapangyarihan dahil sayo lamang ito hindi tumatalab hahaha." Tuwang tuwa na saad nito na syang ipinag taka ko, huminga ako ng malali. "K-kung nais nyo pong pasukin ang aking isip, maari po bang ulitin nyo ulit?" Tanong ko dito kaya sumeryoso ang tingin nito sakin. "Kung yan ang nais mo Beatrice, subukan natin." Nakangiting saad nito kaya naman ikinalma ko ang sarili ko at nakipag titigan sa mata nito. Naging tahimik ang kapaligiran, tiyak kong sa mga oras na ito ay binabasa nya na ang aking isip. Nag simula ng pag pawisan ang mahal na prinsipe, inilagay nito ang dalawang palad nya sa lamesa. Maya maya pa ay kumurap na ito kasabay ang pag tulo ng dugo sa kanyang ilong ay pag ubo na may kasamang dugo. "Mahal na Prinsipe!!" Pag aalalang sigaw namin kaya nilapitan namin ito upang tingnan ang kalagayan nya. "Nag ta-tagumpay ako Beatrice!" Masayang saad nito habang pinupunasan ang kanyang ilong. Sumandal ito sa kanyang upuan habang ngiting-ngiti. Kakaiba din itong si Prinsipe Aaron, kahit na ikapahamak nya pa ay tuwang tuwa pa sya. Kung nabasa nya na ang aking isip, ibig sabihin ay alam nya na ang lahat ng nakaraan ko? Paano kung sabihin nito kay Kassius na wala akong kapangyarihan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD