Kabanata 12

1693 Words
Prinsipe Aaron's Pov Buong akala ko ay nalampasan ko na ang limitasyon ng aking kapangyarihan ngunit hindi pa pala. Bago namayapa ang aking ama ay naituro na sa akin nito ang lahat ng taglay nitong kaalaman sa kapangyarihan ng pamilya namin na mag basa ng isip ng sinoman gamit lang ang pag tingin namin nito sa kanilang mga mata. Ngunit hindi ko inaasahan ang pag haharap namin ni Binibining Beatrice. Sya palang ang kauna-unahang nakagawa nito sakin, ilang beses kong sinubukang pasukin ang isip nito pero hindi ko magawa. May nababalot na puting liwanag ang kanyang isip na napaka hirap pasukin. Dahil naabot ko na ang hangganan ng aking kapangyarihan ay hindi na ito kinaya ng aking katawan. "Iwan nyo muna kami ni Beatrice, may importante lang kaming pag uusapan." Saad ko kay Kassius at Aliyah. Bakas sa muka ni Kassius ang pag aalala pero sumunod din naman ito sa nais ko. "Salamat at pinahintulutan mo ako na pasukin ang iyong kaisipan Beatrice. Wala ka ng dapat itago sakin dahil nabasa ko lahat ng nakaraan mo. Natatakot kang malaman ni Kassius na wala kang taglay na kapangyarihan, tama ba ako?" Nakangiting tanong ko dito. Hindi na ito nagulat sa sinabi ko pero bakas sa muka nya ang pag aalala. "Huwag kang mag alala dahil hindi ko ito sasabihin kay Kassius, hindi ako makikialam tungkol dito. Hahayaan ko na ikaw mismo ang mag sabi sa kanya ng tungkol dito. Hindi naman ito makakasagabal sa relasyon nyo." Nakangiting saad ko dito. "A-ano po ang dapat kong gawin para maiwasan ang mga masamang pangitain nyo kay Kassius?" Tanong nito sakin. "Kahit anong mangyare ay huwag mong iiwan si Kassius. Ikaw ang mas higit na kailangan nya sa kahit sinoman." Saad ko dito, sinisisi nya kasi ang sarili nya sa pwedeng mangyare kay Kassius. May tiwala ako kay Kassius, magagawa nyang lampasan ang nakaambang panganib sa kanila ni Beatrice. "Sinabi nyo na hindi makokontrol ni Kassius ang galit nya kapag namatay ako, tama po ba?" Tanong nito sakin. "Oo, kaya hindi ka dapat mamatay." Sagot ko dito. "Ayukong masira si Kassius dahil sakin, alam nyo po na wala akong taglay na kapangyarihan upang protektahan ang aking sarili." Pag aalalang saad nito. "May tiwala ako kay Kassius, kaya dapat pag katiwalaan mo din sya. Alam kong gagawin ni Kassius ang lahat para sayo, kaya ang dapat mo lang din gawin ay ang pag katiwalaan sya ng lubos. Tandaan mo Beatrice, walang mas hihigit na kapangyarihan kesa sa pag-ibig." Nakangiting saad ko dito kaya tila naliwanagan ito. Wala akong alam pag dating sa pag-ibig dahil hindi ko pa naman ito nararanasan. Pero ayon sa mga kwento at pinag daanan ng aking mga magulang ay nalampasan nila lahat ng pag subok na dumaan sa buhay nila. Kaya naniniwala ako na malalampasan din ito ni Beatrice at Kassius sa ngalan ng pag-ibig. Isa ako sa magiging saksi kung pano nila ipag laban ang kanilang pag mamahalan. Susuporta muna ako sa buhay pag ibig ng iba, dagdag kaalaman din ito para kapag ako na ang nag karoon ng buhay pag-ibig ay may kaalaman na ako kung anong dapat kung gawin. "May katanungan ka pa ba Beatrice?" Nakangiting tanong ko dito. "Wala na po kamahalan." Sagot nito at akmang aalis na ng muli akong mag salita. "Kalimutan mo na ang masasamang alaala na nag papahirap sayo. May nga taong nag mamahal na sayo Beatrice, may karapatan kang maging masaya. Hindi hadlang ang kawalan ng kapangyarihan para hindi mo makamit ang tunay nakasiyahan, tandaan mo yang mabuti." Saad ko dito at yumuko ito sa harapan ko bago lumabas ng silid. Sana ay maging malaking tulong ito para mapataas nya ang kumpyansa sa sarili. - Ilang sandali pa ay pumasok na ng silid ko si Kassius. "Nakakapanibago Kassius, marunong ka din pala matakot at mag alala." Natatawang saad ko dito ng maupo na ito sa harapan ko. Kilalang kilala ko si Kassius dahil noon pa man ay malapit na ang mga pamilya namin sa isat isa. Heneral ng aking Ama ang kanyang Ama, kaya naman ng ako na ang pumalit sa katungkulan ng aking Ama ay alam kong magiging mahusay din na Heneral si Kassius sa aking pamumuno. "Batid kong nabasa mo na ang aking kaisipan Kamahalan, kaya naman hindi mo ako masisisi kung bakit ako nag aalala ng husto para kay Beatrice." Paliwanag nito sakin. "Hindi ka nag-aalala na mag karoon ng hidwaan sa pagitan ng pamilya mo at pamilyang Lozano. Dahil ang inaalala mo ay ang mawala sayo si Beatrice, at nahihiwagaan ka pa din sa nararamdaman mo para sa kanya. Nauunawaan kita Kassius lalo na at hindi nyo pa lubos na kilala ang isa't isa. Batid ko din na natatakot ka na mag tiwala kay Beatrice, na mahulog ng tuluyan ang iyong kalooban dito. Huwag kang mag alala Kassius, hayaan mo ang damdamin mo, sundin mo ang ibinubulong nito sayo. Tulad ng sinabi ko sayo, si Beatrice na ang huling babaeng pakakasalan mo, sa kanya mo mararamdaman ang tunay na pag-ibig. Ngunit sya din ang mag dadala sayo ng labis nakalungkutan." Paliwanag ko dito kaya napakuyom ang kanyang kamay. "Hindi ako papayag na mag tagumpay ang mga nais pumaslang kay Beatrice. Bago nila magawa yun ay mag kakamatayan muna kami." Matapang na saad nito sakin. "Kaya mong baguhin ang kapalaran nyong dalawa, alam kong kaya mo yan Kassius. Pero bago ang lahat, nais kong alamin mo muna ang pinag mula ni Beatrice. Makakatulong ito sa pag sasama nyong dalawa, para lubos mo syang makilala. Isa palang ang pangitain na nakikita ko sa inyong dalawa, babalitaan ulit kita kapag nag karoon ng pag babago. Basta ang unahin mo munang asikasuhin ay alamin ang nakaraan ni Beatrice." Saad ko dito kaya naman tumango ito sakin. - Bago pa dumilim ay binasbasan ko na silang dalawa, bukod sa basbas ay binigyan ko ng karagdagang proteksyon si Beatrice. Masaya akong makatulong sa kanila, naway mag bago ang nakita kong masamang pangitain sa kanilang dalawa. "Maari ko bang malaman ang mga nabasa mo sa isip ni Beatrice, mahal kong kapatid?" Tanong ni Aliyah habang nakaupo ito sa gilid ng aking trono. "Kaawa-awang nilalang, mapalad tayo dahil ipinanganak tayong may kapangyarihan. Parehas na maharlika ang kanyang mga magulang kaya malaki ang posibilidad na mamana nya ito. Sa sitwasyon kasi ni Beatrice ay wala syang namana sa kanyang mga magulang. Hindi ito nagustuhan ng kanyang Ama, sanggol palang si Beatrice ng mamatay ang kanyang ina. Dahil wala syang taglay na kapangyarihan ay muling nag asawa ang kanyang Ama at tinalikuran na nito si Beatrice. Isinama si Beatrice sa hanay ng mga taga pag silbi sa kanilang tahanan. Anong klaseng tao ang kanyang Ama, sarili nyang anak ay ginawa nyang alipin dahil lang wala itong kapangyarihan. Kung sa akin yun ay hahatulan ko sya ng kamatayan para maging leksyon ito sa sinumang napakalupit sa kanilang mga Anak." Paliwanag ko kay Aliyah kaya naman nakaramdam ito ng awa kay Beatrice. "Napaka ganda pa naman ng kahulugan ng kanyang pangalan, isang biyaya at taga pag dala ng kaligayahan. Mukang hindi nakita ng kanyang Ama ang halaga ni Beatrice dahil ang mahalaga lamang dito ay ang kapangyarihan. Tiyak kong pag sisisihan nya ang ginawa nyang pag takwil sa sarili nyang Anak, kasumpa-sumpa ang kanyang pag uugali. Kahanga-hanga din ang taglay na ugali ni Beatrice, dahil sa likod ng mga pinagdaana nya ay nagagawa nya pa ding lumaban sa buhay. Kung ako siguro ang nasa sitwasyon nya, mas pipiliin ko nalang na kitilin ang sarili kong buhay." Malungkot na saad ni Aliyah. "Ngayong wala na sya sa puder ng kanyang Ama, mararamdaman nya na ang pag mamahal na kaytagal nyang inasam-asam sa kanyang Ama at kapatid. Pag mamahal na mag dadala sa kanya ng labis na kasiyahan. Natutuwa ako dahil sa wakas ay nahanap na din ni Kassius ang babaeng mag papatibok sa puso nya. Nararapat lamang sila sa isa't isa, ang lalaking may mailap na puso at ang babaeng kulang sa pagmamahal. Tiyak kong labis nilang mamahalin ang isa't isa, kapag napag tagumpayan nila ang masamang pangitain ko isa ako sa mag diriwang para sa kanilang dalawa. Naway maawa sa kanila ang taga paglikha at basbasan ang pag sasama nila." Saad ko kasunod ang malalim na pag buntong hininga. "Hindi mo pa din ba nakikita sa iyong panaginip ang babaeng makakaisang dibdib mo?" Mapanukosong tanong ng Mahal kong kapatid. "Hindi pa at huwag kang mainip dahil hindi pa ako handa sa mga suliraning aking haharapin. Malaki ang tungkulin ko sa ating nasasakupan kaya naman dapat nasa kanila lamang ang aking atensyon. Mahihirapan lamang ako kung mag daragdag pa ako ng isang suliranin." Pa birong sagot ko dito. "Kuya, ang totoong pag-ibig ay hindi suliranin, hindi ka ba naiingit kay Kassius? Ilang beses na itong nag asawa, at sa pag kakataong ito ay nahanap nya na ang babaeng mag papasaya sa kanya. Dapat sa pag kakataong ito ay may taga-pagmana kana. Huwag mo ng hintayin pa na maunahan kita, dahil hindi yun kaaya-aya sa paningin ng ating nasasakupan." Mapang asar na saad nito kaya tiningnan ko sya ng masama. "Huwag ka lang mag kamali Aliyah, papahintulutan kita na mag karoon ng kasintahan ngunit ako pa din dapat ang mauunang ikasal!" Paalala ko dito kaya naman pigil na pigil ito sa kanyang pag tawa. "Kaya nga madaliin mo na ang pag hahanap, paano ka mag kakaroon ng kabiyak kong nandito ka lang sa palasyo? Kung wala sa palasyo ang magiging kabiyak mo, bakit hindi mo subukan lumabas. Malay mo ay hinihintay nya lang ang pag dating mo, kung parehas kayong nag hihintay sa pag dating ng isa't isa ay hindi nga talaga kayo mag kikita. Kaya payong kapatid lang, lumandi kana habang malakas ka pa. Ikaw din, nakakahiya naman sa magiging asawa mo kung sa unang gabi ng inyong pag sasama ay uugod ugod kana." Natatawang saad nito kaya tiningnan ko sya ng masama. Isa sa ayaw ko sa ugali ni Aliyah ay napakagaling nitong mang-asar. Kaya bago pa uminit ang ulo ko ay iniwan ko na ito, narinig ko pa ang malakas na pag tawa nito na umalingawngaw sa palasyo. Baliw na talaga ang isang yun, napailing nalang ako dahil sa pag uugali nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD