Beatrice's Pov
Pag dating namin ng Menken ay nag aagaw na ang dilim at ang liwanag. Hindi pa din ako makapaniwala na nakasalamuha ko ang Prinsipe at ang Prinsesa ng kaharian ng Gallio.
"Kumakin na muna tayo ng hapunan para makapag pahinga kana sa silid mo." Saad ni Kassius kaya naman tumungo na kami ng hapag kainan. Habang kumakain kami ay napansin ko si Kassius na nakatingin sakin kaya naman napalunok ako.
"Simula bukas, pinapayagan na kitang ipag luto ako." Saad nito at agad din na umiwas ng tingin sakin.
"Ta-talaga? Ibig sabihin ba nito ay nagtitiwala kana sakin?" Masayang tanong ko dito.
"Oo Beatrice, aasikasuhin ko na din ang mga kailangan para sa ating kasal." Saad nito kaya napangiti nalang ako. Ibig sabihin nito ay hindi na ako babalik ng Cadden, magiging ganap nya na akong asawa.
"Lagi mong tatandaan ang mga sinabi ni Prinsipe Aaron, hindi porke may proteksyon ka ay hindi kana magagapi ng mga kalaban. Tandaan mong mabuti ang mga sasabihin ko sayo Beatrice, hindi ka aalis ng Menken na walang kasama. Lagi mong isasama si Aerith or Lizandra, huwag na huwag mong huhubarin yung binigay ko sayong porselas. Dahil kapag suot mo yan, mararamdaman kong nasa panganib ka, hindi ako mahihirapan na hanapin ka." Saad nito kaya tumango ako sa kanya bilang sagot. Narinig ko naman ang malalim na pag buntong hininga nito.
"Salamat Kassius, salamat dahil buo na ang disisyon mo na pakasalan ako." Sagot ko dito kaya napatingin ito sakin.
pag katapos naming kumain ay tumungo na ito sa kanyang silid, nag paalam na din si Aerith at Lizandra kaya naman tumungo na din ako sa silid ko upang mag pahinga. Habang nakahiga ako sa kama ko ay bigla nalang pumasok sa aking isipan yung mga napag usapan namin ng mahal na Prinsipe. Kailangan kong maging handa sa maaring mangyare, hindi namin batid kung kailan mangyayare yung nakita ni Prinsipe Aaron sa kanyang pangitain. Kung may kapangyarihan lang sana ako para maipag laban ang aking sarili, nakakahiya kay Kassius dahil dagdag pa ako sa kanyang tungkulin at suliranin.
"Gising ka pa ba Beatrice?"
Agad akong napabangon sa aking kama ng marinig ang boses ni Kassius sa labas ng aking kwarto.
"Oo" Sagot ko dito kaya naman pumasok na ito ng aking silid. Dumiretso ito sa kama ko at naupo.
"HI-Hindi ka din ba makatulog?" Nauutal na tanong ko dito.
"Hindi, hindi ako mapalagay na wala ka saking tabi. Baka kasi habang mahimbing ang aking tulog ay may masama na namang mangyare sayo." Saad nito kaya laking gulat ko ng bigla itong mahiga sa tabi sa tabi ko.
"Hayaan mong dito nalang muna ako sa tabi mo matulog, pangako ko sayo na wala akong gagawin na kahit ano. Mas mapapalagay lang ang loob ko kung nasa tabi kita." Saad nito kaya hinayaan ko nalang sya sa nais nya. Hindi na ito muling nag salita, marahil ay natutulog na ito. Hindi ko naman makita ang muka nito dahil nakatalikod sya sakin kaya naman bumalik na din ako sa pag kakahiga. Parehas kaming nakatalikod sa isat isa, sana lang ay makatulog ako ng mahimbing. Dahil ito ang unang beses na matutulog ako na may ibang katabing lalaki.
Mahigit isang oras na ang lumipas at ito pa din ako, mulat na mulat ang aking mga mata. Bilid na bilid talaga ako sa kakayahan ni Kassius dahil nagagawa nyang makatulog sa ganitong sitwasyon samantalang ako ay hindi ko kayang maging kalmado. Yung puso ko sobrang lakas ng kabog kaya naman gising na gising ang diwa ko. Sinubukan kong umarap sa likuran ni Kassius, paano pa kaya kung ganap na kami nitong mag asawa? Tiyak kong maninibago ako kapag mag kasama na kami nito sa iisang kwarto.
Nang laki ang mata ko ng biglang humarap si Kassius sakin, sobrang lapit na ng muka namin sa isat isa. Pigil na pigil ko naman ang aking hininga dahil sa sobrang kaba. Bago pa nito na maramdaman na gising ako ay ipipikit ko nalang ang aking mga mata. Mas lalo lang akong hindi makakatulog nito.
Nang laki ang mata ko ng bigla ako nitong niyakap, isinuksok nya ako sa kanyang dibdib. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko, dahil sa ginawa nyang ito lalo na akong hindi makakatulog.
"Matulog kana, may pupuntahan tayo bukas." Saad nito kaya naman laking gulat ko ng mag salita ito. Siguro ay pinapakiramdaman lang din ako nito, paano ako makakatulog kung ganito ang pwesto namin. Yun ngang magkatalikod lang kami sa isang kama ay hindi ko na magawang ikalma ang sarili, ngayon pa kaya na nakayakap sya sakin!
**Kassius's Pov**
Maliwanag na sa paligid at mahimbing pa ding natutulog sa aking bisig si Beatice. Mabuti pa sya at nakatulog ng mahimbing, samantalang ako ay gising nagising buong mag damag. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa, pero yung puso ko ay tuwang tuwa. Nang gumalaw si Beatrice ay ipinikit ko ang aking mga mata at nag panggap na natutulog. Naramdaman ko na aalis na ito sa bisig ko kaya mas lalo ko itong niyakap ng mahigpit.
"Ka-kassius, mag aasikaso pa ako ng almusal natin." Saad nito kaya minulat ko na ang aking mga mata. Sobrang lapit ng muka namin sa isat isa, napaka ganda ng mga mata nya. Napalunok naman ako ng mapatingin sa labi nito, kaakit akit ang mapula nitong labi kaya hindi ko na napigilan pa ang aking sarili. Nang mag lapat ang labi naming dalawa ay napapikit ako, ito ang unang bebes na may hinalikan akong babae. Nang bumitaw ako sa pag halik dito ay bakas sa mga mata ni Beatrice ay sobrang pagkagulat.
"Sige na, mag asikaso kana ng almusal natin." Saad ko dito kaya naman nag madali na itong bumangon at lumabas ng kanyang silid. Nanatili ako sa kama nito habang nakangiti, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Nakakabaliw yung ganitong pakiramdam, kung pipigilan ko ito ay tiyak na masisiraan ako ng bait.
Bukas nalang ako papasok sa trabaho, nais kong ipamili si Beatrice ng mga gamit nya. Papadaanin ko nalang si Damian dito bago sya pumunta ng himpilan. May nais akong ipag utos sa kanya, ang alamin ang nakaraan ni Beatrice.
Tumungo na ako ng aking silid, gumawa muna ako ng engkantasyon na liham para ipadala kay Damian. Hindi mawala sa isipan ko yung mga sinabi ni Prinsipe Aaron, bakit nais nitong alamin ko ang nakaraan ni Beatrice? May kinalaman ba ito sa mga nakita nyang pangitain samin?
Habang nasa kusina sila Beatrice ay nag naligo na ako, pagkatapos kong maligo ay naabutan ko si Damian sa hapag kainan. Tiningnan ko ito ng masama dahil ngiting-ngiti itong nakikipag usap kay Beatrice.
"May balak ka bang maki-almusal samin?" Musungit na tanong ko dito.
"Mukang masarap yung niluto ni Beatrice kaya hayaan mo na akong saluhan kayo sa almusal." Nakangiting sagot nito.
"Oo nga Kassius, madami din naman ang niluto natin. Mukang gutom na gutom na kasi itong si Damian." Nakangiting sagot ni Beatrice kaya hinayaan ko nalang si Damian na sumalo samin.
"Ikaw ba ang lahat ng nag luto nito?" Manghang tanong ni Damian ng matikman ang mga nakahain sa lamesa.
"Oo, pero tinulungan ako sa pag hahanda ni Aerith at Lizandra, masarap ba?" Nakangiting tanong ni Beatrice. Napansin ko na kanina pa silang nag ngingitian, ni hindi nga ako pinapansin ni Beatrice, para bang naiilang ito sakin.
"Oo, napaka swerte naman ni Kassius, bukod sa may maganda na syang mapapangasawa, napakasarap pang mag luto!" Saad ni Damian kaya naman palihim kong ininit lahat ng pag kain nito para sa pag subo nya at mapaso sya.
"Woaahhh ang init!!" Sigaw nito ang higupin ang sabaw nya sa mangkok. Napatingin silang dalawa sakin, mukang alam nila na may ginawa akong kalokohan.
"Bakit ganyan kayo kung makatingin sakin? Bilisan mo na Damian dahil may pag uusapan pa tayo." Saad ko at pag katapos kong kumain ay tumungo na ako sa aking silid. Ilang sandali pa ay sumunod na din si Damian kaya naupo na kaming dalawa sa lamesa dito sa silid ko.
"Mukang importante tong sasabihin mo at talagang pinapunta mo pa ako dito sa bahay mo." Nakakunot noo na saad nito.
"May ipapagawa ako syao, nais kong mag tungo ka ng Cadden, sa bayan ng Zibia." Saad ko dito kaya napakunot ang noo nito.
"Ano naman ang gagawin ko sa bayan na pinag mulan ni Beatrice?" Pag tatakang tanong nito.
"Alamin mo ang naging buhay ni Beatrice, alamin mo ang pinag mulan nya. Gawin mo ito ng lihim, tiyakin mong walang makakapansin sa pag iimbistiga mo." Saad ko dito kaya tumango ito bilang sagot.
"Sige, ako na ang bahala tungkol dyan. Basta ipangako mo sakin na papayagan mo ulit akong kumain ng luto ni Beatrice." Saad nito kaya tiningnanko sya ng masama.
"Sige ka, hindi ko gagawin ang gusto mo ng walang kapalit." Pananakot nito sakin kaya napabuntong hininga ako.
"Oo na, pumapayag na ako. Sasabihin ko kay Beatrice na ipag handa ka dahil mag iinuman tayo sa sabado." Saad ko dito kaya naman tuwang tuwa ito.
"Nga pala, maiba tayo ng usapan. Nabalitaan ko na pumunta ka daw sa palasyo kasama si Beatrice." Tanong nito habang seryosong nakatingin sakin. Ipinaliwanag ko naman sa kanya kung bakit kaya bakas din sa muka nito ang pag aalala.
"Nasa panganib pala ang buhay ni Beatrice, hayaan mo at poproteksyonan ko din sya para hindi matupad ang nakitang pangitain ng mahal na Prinsipe." Saad nito sakin.
"Salamat Damian, tatanawin ko itong malaking utang na loob." Saad ko dito at lumabas na kami ng silid ko. Naabutan naman namin sa labas si Beatrice, mukang hinihintay nito si Damian.
"Dalhin mo na ito Damian, salamat sa pag bisita." Nakangiting saad ni Beatrice at inabot nito kay Damian ang pabaon nitong pag kain.
"Salamat Beatrice nag abala ka pa talaga." Saad ni Damian dito.
"Sige na, umalis kana at kanina ka pang hinihintay sa himpilan!" Saad ko dito at pinag tulakan na ito paalis. Tiningnan ko si Beatrice pero agad itong umiwas at nag madali ng tumungo sa kanyang silid. Napailing nalang ako, tiyak kong naiilang ito dahil sa ginawa kong pag halik sa kanyang labi. Masisisi nya ba ako kung mashadong mapang akit ang kanyang labi?