Kabanata 14

1618 Words
Aerith's Pov Napansin ko na maganda ang gising ni Beatrice, mukang nag kakamabutihan na talaga sila ni panginoong Kassius. Natutuwa ako dahil sa wakas ay mag kakaroon na ito ng maayos na makakasama. Batid ko naman na mabuti ang kalooban ni Beatrice kaya alam kong magiging maganda ang pag sasama nila. "Mukang maganda ata ang gising mo Beatrice." Nakangiting saad ko dito. "Magandang umaga Aerith, oo napaka ganda talaga ng aking gising dahil pumayag na si Kassius na ipag luto ko sya." Nakangiting saad nito kaya naman nag simula na kaming tulungan ito sa pag luluto. Iba yung awra ngayon niBearice kumpara nung mga nag daang araw, mukang napansin din ito ni Lizandra kaya naman sumenyas sakin ito at tila tinatanong kung anong meron at bakit kakaiba ang mga ngiti ni Beatrice. Pag katapos ng umagahan ay nag humahangos na lumapit si Beatrice samin. "May problema ba Beatrice?" Pag aalalang tanong ni Lizandra. Nandito kami sa likod bahay at nag sasampay ng mga nilabhan. "Maari nyo ba akong tulungan mag ayos? Si Kassius kasi sinasama nya akong pumunta ng bayan para mamili." Saad nito kaya naman nag katinginan na naman kami ni Lizandra. Talagang kakaiba na nga talaga ang ikinikilos ng aming Amo. Dahil sa mga nag daan na asawa nito ay ni minsan ay hindi nya ito niyaya na pumunta ng bayan. Kung aayain mansya ng mga ito at palagi nyang tinatanggihan dahil sa kanyang trabaho. Iniwan na muna namin ang sinampay at tinulungan na si Beatrice sa kanyang maliit na problema. Binihisan na namin ito gamit ang damit na binili ni panginoong Kassius noon. Sayang naman kasi kung itatapon lang namin ito, hindi pa naman ito nasusuot ng mga nauna nyang asawa. Siguro ay nakalaan talaga ito para kay Beatrice dahil bagay na bagay naman ito sa kanya. "Ayan tapos na, tiyak ko matutuwa si panginoong Kassius kapag nakita ka nya sa ganyang ayos." Masayang saad ni Lizandra dito. "Salamat sa inyong dalawa, mabuti nalang at nandito kayo. Wala talaga akong alam sa pag aayos." Nahihiyang saad nito. Pag labas namin ng silid ni Beatrice ay nag hihintay na ang panginoong Kassius sa kanya. Nang magtama ang mga mata nila ay hindi naming maiwang kiligin ni Lizandra kaya naman nagyakapan kami nito sa sobrang tuwa. Napakalagkit ng tingin ni panginoong Kassius kay Beatrice. Kaakit akit naman kasi talaga ang kagandahan nito. "Mag iingat po kayo sa inyong pupuntahan." Saad ko kay panginoong Kassius kaya naman tila bumalik na ito sa kanyang ulirat. "Sa-salamat Aerith, kayo na muna ang bahala dito." Saad nito at nauna ng nag lakad patungong pinto. Todo kaway naman kami kay Beatrice na halatang kinakabahan. Sinundan namin ang dalawa hanggang sa makaalis na ang mga ito. Nauna ng bumalik sa loob si Lizandra, napansin ko na may paparating kaya hinintay ko nalang din ito bago pumasok sa loob. Isang lalaki na nakasakay sa puting kabayo, sa ayos nya palang ay tiyak akong maharlika ito. Tumigil ito sa mismong tapat ko kaya napatingala ako dito. "Binibini, maari bang mag tanong?" Tanong nito sakin kaya bumaba na ito ng kanyang kabayo. "Dito ba nakatira si Binibining Beatrice?" Tanong nito kaya naman napakunot ang noo ko. "Maari po bang malaman kung sino kayo at bakit nyo hinahanap ang binibilining ito?" Tanong ko din dito. Hindi ako maaring mag bigay ng impormasyon lalo na at hindi ko naman kilala ang isang to. "Kababata ako ni Beatrice, Atreyu ang aking pangalan." Nakangiting pag papakilala nito. Tila nabanggit nga sakin ni Beatrice na may kaibigan sya sa Zibia na nag ngangalang Atreyu. "Ikaw pala si Atreyu, paumanhin ngunit wala si Beatrice dito. Kaalis lang nila ng aking panginoon papuntang bayan." Paliwanag ko dito. Bakas naman sa muka nito ang lungkot, tiyak kong malayo ang nilakbay nya upang makita si Beatrice at hindi nya manlang ito nasilayan. "Ganun ba, maari ko bang malaman ang kalagayan nya dito?" Tanong nito, mukang ito naman talaga ang sadya nya dito, na makita at malaman ang kalagayan ni Beatrice. Tiyak kong hindi lamang isang kaibigan ang tingin nya kay Beatrice, hindi naman ito mag aabala na pumunta pa dito para lang tanungin ang kalagayan nito. "Maayos naman si Beatrice, pinakikitunguhan sya ng maayos ng aming panginoon." Sagot ko dito kaya mas lalong nalungkot ang muka nito. "Hindi ka ba masaya para kay Beatrice?" Tanong ko dito kaya naman agad itong napatingin sakin. "Ang totoo nyan ay nalulungkot ako para saking sarili, dahil yung mga pangako ko sa kanya ay iba na ang gumagawa." Saad nito na hindi ko naman maunawaan ng lubos. "Pasensya na Iho, kung may nais kang ipag bilin kay Beatrice ay sabihin mo nalang sakin at tiyak kong makakarating ito sa kanya." Nakangiting saad ko dito. "Salamat nalang po, huwag nyo nalang din po sabihin sa kanya na pumunta ako dito. Baka magulo ko lamang ang kanyang isipan. Masaya ako dahil unti-unti ng natutupad ang pangarap ni Beatrice, ang mag karoon ng masayang pamilya. Kayo na po ang bahala kay Beatrice, alagaan nyo syang mabuti." Saad nito at sumakay na sa kanyang kabayo. Batid ko ang kalungkutang nararamdaman ni Atreyu, wala naman ako sa lugar para usisain si Beatrice tungkol dito. Sya na din mismo ang nag sabi, ayaw nya ng guluhin pa ang isipan ni Beatrice. Kaya naman mas mabuti pang kalimutan ko nalang ang pag uusap naming dalawa. **Beatrice's Pov** Nasa bayan na kami, ito ang unang beses na makakasama ako sa pamimili. Kaya naman aliw na aliw ako sa mga nakikita ko. "Sige lang Beatrice, malaya mong tingnan ang lahat ng bagay na nandidito." Saad ni Kassius sakin, napansin nya siguro na nag pipihil ako ng aking sarili. Ayuko kasi na maging sagabal sa pamimili nito kaya naman limitado lang ang ginagawa kong pag galaw. Pumasok kami sa isang tindahan, tindahan ng mga mamahaling kasuotan. Tumango naman si Kassius sakin na tila pinapahintulutan ako nito na tumingin tingin. Habang abala ako sa mga nakikita ko ay napansin ko si Kassius na may kinausap na di katandaang babae. Sa itsura nito ay tiyak kong sya ang may ari ng tindahan na ito. Mabuti nalang at abala si Kassius sa pakikipag usap dito kaya may oras ako para mag tingin-tingin pa. Napatigil ako sa isang bistida na kulay rosas, napaka ganda ng disenyo nito maging ng kanyang tela. Tiyak kong napakamahal nito at hindi ito ito kayang bilhin ng isang katulad ko. "Beatrice, halika muna." Tawag ni Kassius sakin kaya naman kahit na nais ko pang makita ang bistida ay wala na akong nagawa kundi lumapit kay Kassius. "Gusto kong makilala mo si Ginang Mercedes, sya ang mag tatahi ng damit mo pang kasal." Saad ni Kassius na ikinagulat ko. "Da-damit ko pang kasal?" Di makapaniwalang tanong ko dito. "Oo, bakit tila gulat na gulat ka? Hindi ba sinabi ko sayo na aasikasuhin na natin ang ating kasal?" Nakakunot noo na saad nito sakin. Hindi ko naman akalain na sa lalong madaling panahon, buong akala ko ay naparito kami dahil mamimili sya ng mga gamit nya. "Natutuwa akong makilala ka Binibining Beatrice, ikaw palang ang babaeng ipinakilala sakin ni Kassius." Nakangiting saad nito sakin kaya napangiti nalang din ako. Kung hindi ako nag kakamali ay pang pito or walo na ako na magiging asawa nito, pero batid ko na ako palang ang babaeng naipakikilala nya sa mga tao. Nalala ko si Doctor Jacinto at ang asawa nito, kahit na sobrang lapit ni Kassius sa mga ito ay hindi nya manlang ito inanyayahan sa kanyang kasal. Sinimulan na ni Ginang Mercedes ang pag susukat sakin, wala naman akong alam pag dating sa mga ganito kaya hinayaan ko na si Kassius na mag asikaso dahil ilang beses na syang nag pakasal kaya tiyak kong maliit na bagay nalang ito para sa kanya. Nang matapos na akong sukatan ni Ginang Mercedes ay may mga damit na kinuha si Kassius, gulat na gulat ako ng bilhin nito ang bistidang kulay rosas. "P-para sakin ba ang lahat ng yan?" Nauutal na tanong ko dito at agad naman itong tumango. "Pero Kassius, napaka dami naman ata nyan. Hindi ko din lahat yan masusuot, tama na yung isang dalawang klase lang." Nahihiyang saad ko dito. "Hayaan mo lang sya Iha, isa ito sa pag papakita ng mga kalalakihan sa kanilang iniibig kung gaano nila ito ka mahal." Nakangiting saad ni Ginang Mercedes kaya napatingin nalang ako kay Kassius. "Maliit na bagay lang yan Beatrice, kapag mag asawa na tayo, higit pa dyan ang mga matatanggap mo." Nakangiting saad nito sakin sabay himas sa ulo ko. Napalunok nalang ako dahil hindi talaga ako sanay na pinapakitaan ng ganito. Parang hindi nararapat ang lahat ng ito sakin, sa likod ng mga pinag daanan ko, hindi ko akalain na mararanasan ko yung ganitong klaseng pag mamahal at pag tanggap. "Beatrice, bakit ka umiiyak? Hindi mo ba nagustuhan ang lahat ng ito?" Pag tatakang tanong ni Kassius. "G-gusto ko Kassius, labis lang akong natutuwa dahil ngayon ko lang naranasan ito. Hindi lang ako makapaniwala na gagawin mo ito para sakin." Saad ko habang nag pupunas ng luha. "Higit pa dyan ang kaya kong ibigay sayo Beatrice, kaya tumahan kana dahil baka isipin ni Ginang Mercedes ay pinapaiyak kita." Saad nito at sya na mismo ang nag punas saking luha. Sobrang lapit na naman ng muka nya sa muka ko, kaya bago pa maulit yung nangyare kaninang umaga ay ako na yung umiwas. Naramdaman ko nalang ang pag init ng aking pisnge, dapat masanay na ako dahil malapit na kaming ikasal. Mukang hindi lamang kasal ang dapat kong pag handaan, kundi na rin ang unang gabi ng aming pag iisang dibdib. Napahawak ako sa pisnge ko, ano ba itong naiisip ko. Tiyak kong pulang pula na ako sa mga oras na to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD