Kabanata 15

1642 Words
**Kassius's Pov** -Kinabukasan- Pag dating na pag dating ko sa himpilan ay humahangos na lumapit sakin si Damian. Mukang handa na itong mag lahad ng mga nalalaman nya. Dumiretso na kami sa aking silid tanggapan at seryoso itong humarap sakin. "Sige Damian, maari kanang mag simula." Saad ko dito. "Hindi ko alam kung paano ko to sisimulan, huwag ka sanang magagalit sa mga malalaman mo." Panimula nito kaya naman napakunot ang noo ko. "Sisikapin kong maging kalmado." Sagot ko dito at huminga ito ng malalim. "Si Beatrice, ginawa syang alipin ng sarili nyang Ama. Isang taon palang si Beatrice ng mamatáy ang kanyang Ina sa malubhang sakit. Naging maayos naman ang pakikitungo ng kanyang ama sa kanya, hanggang sa mag tatlong taon si Beatrice. Nalaman ng kanyang Ama na wala itong namana na kapangyarihan sa kanya at sa kanyang asawa. Kaya naman sobrang na dismaya si Ginoong Sebastian dahil ni katiting na kapangyarihan ay walang na nanalaytay sa pagkatao ni Beatrice." Paliwanag nito kaya napakunot ang noo ko. "Sigurado ka ba na walang kapangyarihan si Beatrice?" Nakakunot noo na tanong ko dito. Samantalang nagawa nyang protektahan ang kanyang isip kay Prinsipe Aaron. "Oo, kaya nga muling nag asawa si Ginoong Sebastian. Sa pangalawang asawa nya ay nag karoon sya ng anak na babae, si Elvina. Nag tataglay ito ng itim na kapangyarihan na minana nya sa mga Lozano. Simula noon ay isinama na nila si Beatrice sa hanay ng mga alipin." Muling saad nito kaya napakuyom ang kamay ko. Kaya naman pala kakaiba ang mga kilos ni Beatrice. Kaya pala ganun nalang ka dami ang peklat sa kanyang mga kamay dahil hindi sya lumaki sa maayos na pamamaraan. Napakasama ng ugali ng kanyang Ama, dugo at laman nya ang nananalaytay kay Beatrice pero nagawa nya itong ituring na alipin! "May nalaman din ako tungkol sa Ina ni Beatrice. Nagmula sya sa angkan ng mga Cooper. Kilala ang pamilyang Cooper dahil sa pambihirang kapangyarihan nila. Kung tayo ay nag tataglay ng dalawang kapangyarihan, naiiba ang pamilyang Cooper. Nag tataglay ng apat na kapangyarihan ang bawat miembro ng kanilang pamilya." Paliwanag nito kaya mas lalong napakunot ang noo ko. "Kung nag tataglay sila ng ganung kadaming kapangyarihan, bakit ni isang kapangyarihan ay walang nakuha si Beatrice? Isang malaking misteryo ito Damian." Saad ko dito kaya napasandal ako sa aking upuan. "Anong gusto mong gawin ko?" Tanong nito sakin. "Bumalik ka sa bayan ng Zibia, mag tanong ka tungkol sa pamilyang Cooper. Tiyak kong may nalalaman sila tungkol sa sitwasyon ni Beatrice. Kailangan ko silang makausap, lalo na ngayon at maraming nag tatangka sa buhay nya. "Sige, ako na ang bahala dito." Saad nito at nag paalam ng umalis. Kawawang Beatrice, tiyak kong napakahirap ng mga pinag daanan nya sa kamay ng kanyang Ama. Nararapat lamang na pakitaan ko sya ng mabuti, kung hindi sya binigyan ng pag mamahal ng kanyang Ama, ako ang mag pupuno nito. **Elvina's Pov** "Wala kayong silbi!" Sigaw ko sa alaga ko. Mag iisang linggo na simula ng umalis si Ate Beatrice dito sa Cadden ngunit wala pa din akong nakukuhang ulat mula sa mga inutusan ng aking kapangyarihan. "Mukang may humaharang sa aking mga alaga mahal kong panginoon." Saad nito sakin. "Humaharang? At sino naman ang gagawa nun? Ang sabihin mo lang ay wala talagang silbi ang mga ipinadala mo. Mga wala kayong silbi, hindi kayo maasahan! Ako nalang ang pupunta doon para masaksihan mismo ng aking mga mata ang sitwasyon ng aking kapatid!" Sigaw ko dito at bigla nalang pumasok sa aking silid si Atreyu. "Hindi na kailangan Elvina, galing na ako ng Menken." Saad nito na ikinagulat ko. Talagang hindi ito makatiis kaya pinuntahan nya ang aking kapatid. "Kamusta na si Ate? Pinapahirapan ba sya ng kanyang mapapangasawa?" Nakangising tanong ko dito. "Nag kakamali ka Elvina, dahil mabuti ang lagay doon ng kapatid mo. Mabuti nalang at nakahanap na ngayon ang ate mo ng taong mag mamahal sa kanya." Sagot nito kaya nakaramdam ako ng inis dito. "Totoo ba yang mga sinasabi mo? Nakita mo ba sya at ang mapapangasawa nya?" Nang gagalaiting tanong ko dito. Hindi maaring mas maging masaya si Ate sakin! "Hindi, hindi ko sya nakausap dahil isinama sya ng kanyang mapapangasawa sa bayad upang mamili. Ang taga pag silbi lamang nila ang nakausap ko." Paliwanag nito. "Hindi mo naman pala sya nakausap ng harapan. Paano mo nasisigurado na maayos talaga sya? Paano kung nag sisinungaling Pala ang alipin na yun at tinatago nya lang ang totoong sitwasyon ni Ate? Alam mo naman siguro yung bali-balita tungkol kay Heneral Kassius, napaka lupit nito, at hindi lang ito isang beses ikinasal kundi maraming beses na. May matino bang lalaki na ikinakasal ng ilang beses? Kaya kung sa tingin mo ay nag sasabi ng katotohanan ang alipin na yun, tiyak kong nag sisinungaling sya. Maniniwala nalang ako kung ako mismo ang makakakita ng totoong kalagayan nya." Saad ko at lumabas na ng aking silid. Dahil may mahalagang inaasikaso ngayon sila Ama ay naurong ang petsa ng aming kasal. Habang abala sila ay aalamin ko na ang kalagayan ni Beatrice. Tiyak kong hindi nya ikakatuwa kapag nag kita kaming dalawa. Isasama ko nalang din si Atreyu sa pag bisita sa kanya para ipakita sa kanya na mas maayos ang sitwasyon ko kesa sa kanya. Hindi maaring mas maging masaya sya sakin, dahil alam ko naman na si Atreyu talaga ang nais nyang maging asawa. Pasensyahan nalang kami dahil hindi ako papayag na maging masaya sya. **Beatrice's Pov** Maagang umuwi si Aerith at Lizandra dahil may pupuntahan daw sila. Nakapag luto na din naman kami ng hapunan namin ni Kassius. Mas pinili ko na hintayin nalang si Kassius sa labas ng bahay. Nang makita ko ito ay agad ko itong nilapitan. Nagulat nalang ako ng bigla ako nitong hagyan ng mahigpit. "Ma-may nangyare ba?" Pag aalalang tanong ko dito. "Wala naman, natutuwa lang akong makita ka." Sagot nito at hinila na ako papasok ng bahay. Pakiramdam ko ay may kakaiba kay Kassius bukod sa matamis na pakikitungo nito sakin. Nang makapag bihis na ito ay dumiretso na ito ng hapag kainan. Habang kumakain kaming dalawa ay maya't maya ang tingin nito sakin. "Kung may nais kang sabihin, sabihin mo na. Tiyak kong may bumabagabag sayo." Saad ko dito pero agad itong umiling at ngumiti sakin. Nang matapos na kaming kumain ay iniligpit ko na ang aming pinag kainan. Habang nag huhugas ako ay biglang may yumakap sakin mula sa likuran ko. Sobrang lakas na naman ng t***k ng puso ko. Iba talaga yung epekto ni Kassius sakin sa tuwing nag kakadikit kaming dalawa. "Ako na Ang bagong pamilya mo ngayon Beatrice. Bilang magiging asawa mo ay nais kong malaman mo na nandito lang ako para sayo." Saad nito kaya napayuko ako. Sobra-sobra na yung mga pinapakitang kabutihan ni Kassius sakin, paano ko sasabihin sa kanya ang katotohanan tungkol sa pagkatao ko. Natatakot ako na malaman nya na wala akong kapangyarihan, paano pag nalaman nya ito? Itatakwil nya din kaya ako tulad ng aking Ama? "Pag katapos mo dyan, dumiretso kana ng palikuran, inihanda ko na ang pangpaligo mo." Saad nito at hinalikan pa ang aking ulo bago ito umalis. Nakahinga ako ng maluwag ng umalis na ito. Kailangan ko ng masanay sa presensya ni Kassius. Baka bigla nalang akong atakihin sa puso kapag muling nag lambing ito sakin. Nang matapos na ako sa pag huhugas ko at tumungo na nga ako ng palikuran. Mainit init pa Ang hinanda nitong pangligo ko. Nakakatuwa dahil may mga sariling gamit na ako sa bahay na ito. Sa pamimili namin kahapon ay binilhan nya na ako ng mga sariling gamit ko. Nakakatuwa lang dahil talagang bahagi na ako ng kanyang tahanan. Sobrang sarap sa pakiramdam dahil nararanasan ko na yung ganito. Akala ko ay hanggang pangarap nalang ang lahat ng yun, pero ito ako ngayon ay nararanasan ko na. Pagkatapos kong maligo ay pinuntahan ko si Kassius sa kanyang silid upang siguraduhin na nag papahinga na ito. "Kassius?" Tawag ko sa pangalan nito. "Bukas yan." Saad nito kaya naman pumasok na ako ng kanyang silid. Naabutan ko itong nag susulat kaya naman naupo ako sa kanyang tabi. "Hindi ka pa ba mag papahinga?" Tanong ko dito kaya natigilan ito sa kanyang pag susulat. "Marami akong naiwan na trabaho dahil dalawang araw akong hindi pumasok. Kung nais mo ng mag pahinga ay maari ka ng mag pahinga." Nakangiting saad nito sakin. "May ipag uutos ka ba? Nais mo ba ng maiinom?" Tanong ko dito, ngumiti ito sakin at kinuha ang aking kamay. "Bukas ko na nga lang itutuloy ang aking sinusulat, halika at matulog na tayo." Saad nito at hinila na ako papuntang kama nya. Wala na akong nagawa ng yakapin ako nito pahiga. Ito na naman yung puso ko, grabe na naman ang pag wawala nito. Kailan ba magiging normal ang pag t***k nito? Pero yung kabang nararamdaman ko ngayon ay napakasarap sa pakiramdam. Tila ba binubuhay nito ang lahat ng natutulog kong dugo. "Napaka bango mo, ang sarap mong yakapin." Saad nito kaya naman ay uminit na naman ang muka ko. "Beatrice, may nais ka bang sabihin sakin?" Tanong nito kaya nanglaki ang mga mata ko. Nakaharap ako sa dibdib nya kaya hindi ko mabasa kung anong emosyon ang meron sya ngayon. "Wa-wala naman, bakit may nais ka bang malaman tungkol sakin?" Tanong ko dito. Hindi na ito umimik, napapikit nalang ako ng halikan nito ang aking noo. "Kahit ano pa ang nakaraan mo, tandaan mong hinding hindi mag babago ang pakikitungo ko sayo." Saad nito kasunod ang pag lapat ng labi nya sa labi ko. Sa pag kakataong ito ay mas naging malalim ang halik nito sakin. Bawat pag galaw ng labi nito sa labi ko ay nag bibigay ng kakaibang ligaya sa aking katawan. Kaliligo ko lang, pero bakit sobrang init ng aking pakiramdam. Ano ba tong nangyayare sakin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD