Habang nasa biyahe sina Diva at Angelo ay walang patid ang pagtulo ng mga luha ni Diva. "Ang kapal ng mukha ng lalaking 'yon! Pagkatapos ng mga nangyari sa amin, itatanggi niyang anak niya 'tong nasa sinapupunan ko? How dare he! Ano'ng akala niya, ipapakita ko 'tong anak ko sa kaniya pagdating ng araw? Absolutely, no! Manigas siya! I hate everything about him. He's an asshole!" Lahat na yata ng masasamang salita ay ibinato niya na kay Brent. "Ang hayop na 'yon! Ang kapal ng mukha para pagbintangan akong nanlalalaki! Huwag lang talagang magkrus ang landas namin dahil baka masaktan ko siya!" Panaka-nakang tumitingin sa gawi niya si Angelo habang nagmamaneho ito. Hindi naman ito nagrereklamo na kanina pa siya naghihimutok habang nakasakay sa sasakyan nito pabalik sa Manila. Hinahayaan

