"Wala ka bang balak na dalawin ang asawa mo rito sa safe house ko?" tanong ni Nicholai kay Brent mula sa kabilang linya. Dalawang linggo na kasi simula nang umalis ito sa poder niya. At dalawang linggo na rin daw itong nahihirapan sa pag-iintindi sa babaeng mahal niya. Nakiusap kasi siya sa kaibigan niya na alagaan muna ang mag-ina niya habang wala pa siya. Marami pa kasing humahadlang sa pagsasama nila kaya imbes na labanan nila ito ng magkasama ay pinili niyang ilayo ito para sa kaligtasan nito. Hindi na baleng magalit ito sa kaniya basta malayo ito sa kapahamakan at ang anak nila. "Tsk! Hindi naman ako iresponsable para pabayaan ang mag-ina ko riyan, Nicholai. Sadyang sinusubok lang ako ng panahon at pagkakataon." Si Nicholai ang may-ari ng bahay kung saan dinala ni Angelo ang

