"Baby, I'm hungry." Mahihinang tapik ang gumising sa natutulog na diwa ni Brent. Habang kinakantahan niya ito kanina ay hindi niya namalayan na nakatulog na rin pala siya. Ayaw kasi ni Ville na paalisin siya sa tabi nito lalo na't kabuwanan na nito ngayon. Ang anak nilang si Bryce ay nananatili muna sa bahay ng biyenan niya dahil ang lahat ng atensyon niya ay ibinubuhos niya muna sa asawa. "Alright, wait for me here." Pupungas-pungas siyang bumangon para ipagluto ang mahal niyang asawa. "Can I go with you? Dapat daw kasi hindi ako matulog nang matulog. Kaya lang hindi ko talaga mapigilan na hindi matulog, eh. Lagi na lang kasi akong inaantok. Sasama na lang ako sa baba para makapaglakad-lakad ako." "Alright, but you will stay only in the living room. Huwag kang pumunta sa kung saa

