Episode 88

1961 Words

"Let me, Baby." Papalitan dapat ni Ville ng diaper ang anak nila ni Brent na si Brixton nang biglang pigilan siya ng asawa niya. "Matulog ka na, Baby. Ako na ang bahalang mag-alaga sa anak natin," saad ni Brent sa kaniya. Tatlong buwan na ang anak nilang si Brixton. Pero sa loob ng tatlong buwan na 'yon ay halos ito ang laging nag-aalaga sa anak nila. Ibinibigay lang nito sa kaniya si Brix kapag gagawa ito ng mga gawaing bahay o 'di kaya'y kapag nagugutom na ang anak nila. Nagpapa-breastfeed kasi siya sa anak nila para raw hindi ito maging sakitin. Napakaswerte niya sa asawa niya dahil sobrang maalaga ito. Halos maya't maya rin siya nitong ipinagluluto para hindi raw siya malipasan ng gutom o mabinat. "Baby, matulog ka na dahil baka mabinat ka," saad ni Brent na ngayon ay karga n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD