Episode 66

1702 Words

"Baby, ayaw mo ba akong pakasalan?" tanong ni Brent kay Diva habang nakahiga ito sa isang katre na nasa ilalim ng puno ng caimito. Sinadya niya itong ipagawa dahil napapansin niyang laging nakatambay ang babaeng mahal niya sa banda rito noon pa man. Hanggang ngayon, hindi pa alam ng mga ito na siya ang nagpagawa ng katreng ito ilang hakbang mula sa pintuan ng bahay nito. "Pinag-iisipan ko pa kasi kung pakakasalan kita o hindi, eh. Puwede bang 'wag mo muna akong madaliin?" "Tsk! Manganganak ka na nga tapos may gana ka pang mag-isip. Hindi ba puwedeng sumagot ka na lang ng 'Oo'?" Naiinis na siya dahil pakiramdam niya ayaw siya nitong pakasalan. Buntis na nga't lahat-lahat nag-iinarte pa. "Lahat ng bagay ay kailangang pag-isipan, Brent. Lalo na't hindi madali ang pagpapakasal. 'Yong i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD