"Why do you need to guard me every time, Genesis?" tanong ni Diva sa kaibigan ni Brent na si Genesis. Ultimo kasi pagpunta niya sa banyo ay nakasunod ang lalaki sa kaniya. 'Yon daw kasi ang bilin ni Brent dito kaya naman todo bantay ito sa kaniya. Ang weird pa ng mga kinikilos nito dahil maya't maya ay may kausap ito sa kabilang linya. Hindi niya naman marinig ang sinasabi nito sa kausap dahil halos pabulong lang ito kung magsalita. Nagkibit-balikat lang ito. "To keep you safe and the baby," tugon naman nito. Ang dating Genesis na maloko at madaldal ay hindi niya na mababakas dahil parang ibang tao na ang kasama niya ngayon. Hinarap niya ito habang nakapamaywang. "May itinatago ba kayo sa akin? Bakit kailangan mo akong bantayan? Totoo bang malala ang sakit ni Roberta?" sunod-sun

