"Mommy!" Napalingon si Diva sa apat na taon niyang anak na si Bryce Jasper Madrigal. Ang anak nila ni Brent. Kamukhang-kamukha nito ang lalaking pinag-alayan niya ng lahat. Ang lalaking nang-iwan sa kaniya. Ang lalaking nakabuntis sa kaniya. Ang taong umalok sa kaniya ng kasal pero hindi nito tinupad. Apat na taon na pa lang hindi sila nagkikita nang ama ng anak niya. She doesn't know where he is right now or what he's doing. Hindi niya rin alam kung buhay pa ba ito o patay na. Simula kasi nang umalis ito noon ay hindi na ito nagpakita pa o nagparamdam man lang. Tandang-tanda niya pa noon na bago siya manganak ay nagtungo pa siya sa Magiron pero hindi niya ito nakita. She searches for him everywhere pero hindi niya talaga ito natagpuan pa. She was depressed at that time becau

