"Hindi mo ba lalapitan ang mag-ina mo, Kuya?" Nilingon ni Brent ang kapatid niyang si Chloe na nakaupo sa passenger seat. It's been months since they came back from New york. Apat na taon na simula nang umalis siya sa Pilipinas at ngayon lang siya nakabalik. At ngayon na nakabalik na siya, susuyuin niya ang mag-ina niya. Hihingi siya ng tawad dahil iniwan niya ang mga ito ng walang pasabi. Noong araw kasi na umalis siya ay nagkaroon ng masamang pangyayari kaya hindi kaagad siya nakabalik. Dahil sa galit niya noon ay mag-isa niyang sinugod si Lyneth dahil sa ginawa nito kay Roberta. Ang hindi niya alam ay palihim pala siyang sinundan ni Chloe. At dahil malaki ang galit ni Lyneth kay Chloe kaya tinangka nitong barilin ang kapatid niya. Pero bago nito kalabitin ang gatilyo ay nait

