"Ready?" tanong ni Brent kay Diva. Ngayong araw kasi ay pupunta sila sa ilog para maligo at mag-picnic na rin kagaya ng ipinangako niya. Kahit na nga marami pa siyang kailangang gawin sa bukid ngayon. Bakas sa mukha nito ang kasiyahan dahil sa wakas matutuloy na ang inaasam-asam nitong picnic. Ngayon lang daw kasi nito mararanasan ang ganoong bagay. "Hi, guys!" pasigaw na bati ng kapatid niyang si Chloe na kadarating lang. Ang aga-aga nandito na naman sa poder niya, akala mo walang pamilya para gumala-gala. "What are you doing here?" pigil ang emosyon na tanong niya sa kapatid. "Saan kayo pupunta?" Naabutan kasi sila nito na palabas na ng bahay niya. "At bakit may mga basket kayong dala-dala? Pupunta ba kayo sa palayan?" "No." "Hindi? Eh, saan kayo pupunta?" "Picnic," matipid

