Kanina pa gising si Diva pero hindi pa siya bumabangon. Ang sabi ni Brent sa kaniya kagabi ay maaga raw silang uuwi ngayon pero paggising niya ay wala na ito sa tabi niya. Saan kaya nagpunta ang lalaking 'yon? Bakit iniwan siya nito sa bahay ng kaibigan nito? Nahihiya kasi siyang lumabas mula sa guest room dahil baka tuksuhin na naman siya ng kaibigan nitong si Genesis. Hindi niya kasi maintidihan ang ugali ng kaibigan nito. Paminsan-minsan nahuhuli niya itong masama ang tingin sa kaniya. "Hey, kanina ka pa ba gising?" Napangiti siya nang marinig ang tinig ni Brent. Ang suot nitong damit ngayon ay bago na at hindi na iyong suot nito kagabi. May dala-dala pa itong damit habang tipid na nakangiti sa kaniya. "Umuwi lang ako saglit para kumuha ng mga damit na isusuot mo. Sorry! Gigisingin

