Naabutan ni Brent na nakaupo si Diva sa ibabaw ng kama habang nakayuko. "Bakit hindi kita matawagan sa loob ng dalawang linggo, Brent?" tanong nito sa kaniya nang hindi nag-aangat ng tingin. "Akala ko kasi ‘yong fiance mo ang pinili mo kesa sa akin kaya naisipan kong lumayo na lang at magparaya," mahinang tugon niya. "So, kaya ka umalis dahil sa maling akala!" Nakakuyom na ang mga kamao nito habang nakayuko pa rin. "Sino'ng nagsabi sa 'yo na mas pinili ko siya kesa sa 'yo?" "Dahil nakita ko kayong naghahalikan, Ville! Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano kayo maghalikan! Kung hindi pa nga ako dumating hindi pa kayo titigil, 'di ba?" Sa pagkakataong ito ay nag-angat na ito ng tingin. "Sigurado ka? Nakita mo na naghalikan kami? Nakita mo?" "Oo! Nakita ko!" "Sinisigawan mo ako, h

