Nagkatinginan sina Chloe at Brent dahil bigla na lang umalis si Ville sa harapan nila habang nanlilisik ang mga mata nito. Siguro nainis ito sa kapatid niya dahil hinaharot siya nito habang nanonood sila ng telebisyon. She's f*****g creepy! Dalawang buwan na rin ngayon ang anak nila sa sinapupunan nito. Habang lumalaki ang anak nila sa sinapupunan nito mas lalong lumalala ang topak nito. Minsan ayaw siya nitong makita at makatabi. Minsan naman umiiyak ito nang walang dahilan kaya bigla siyang natataranta. Kapag nagugutom ito lagi itong naiinis sa kaniya samantalang sinusunod niya naman lahat ng mga ipinapaluto nito. Lagi rin itong naiinis kay Chloe dahil araw-araw na lang daw nandito sa bahay niya ang huli. Pero kahit gano'n ang ginagawa nito ay hindi pa rin magbabago ang pagmamahal

