"Baby, I brought something for you," untag ni Brent kay Diva. Nakabukas lang ang pintuan ng kuwarto nila dahil kanina pa hinihintay ni Diva ang pagdating nito. Alas-onse na ng gabi pero hindi pa siya dinadalaw ng antok dahil lagi siyang nag-aalala rito. Kaninang umaga ay hindi niya na ito namulatan dahil ayon kay Aling Lilia ay maaga raw itong umalis. Nitong mga nakaraang araw ay napapansin niya na halos araw-araw itong umaalis sa bahay nito tapos umuuwi ito na tila ba pagod na pagod. Wala siyang ideya kung ano ba talaga ang inaasikaso nito. Minsan kasi kapag nagigising siya sa madaling-araw ay wala na ito sa tabi niya. Madalas si Aling Lilia na ang namumulatan niya pagkagising niya. Ibinilin daw ni Brent na kumain siya sa tamang oras kaya minsan ay sinasadya na siya nito sa ku

