"Daddy, saan po ba tayo pupunta mamaya?" tanong ni Bryce kay Brent habang mataman itong nakatitig sa kaniya. Kasalukuyan siyang naghahanda ng tanghalian nilang dalawa ni Bryce. Medyo dinamihan na rin niya ang niluto niyang adobo dahil dadalhan nila ni Bryce ang mommy nitong mainitin ang ulo. Nagbilin pa ito sa kapatid at ina nito na kapag dumalaw daw siya ay 'wag siyang papapasukin. Like, what the f**k? Hindi naman niya ito pinagbuhatan ng kamay para magalit ito sa kaniya ng husto. "Pupuntahan natin ang mommy mo dahil wala na yatang balak umuwi 'yon dito sa bahay natin." "I think he's mad at you, Daddy." "Wala naman akong ginagawang masama sa mommy mo, Anak. She was mad at me for a simple reason which is I can't believe it in the first place," saad niya sa anak niya. Mataman na nak

