"Ate!" Napatingin si Diva sa kapatid niyang si Danica nang tawagin nito ang pangalan niya. Hingal na hingal din ito at pawis na pawis habang papalapit sa kaniya. Siguro nag-jogging ito sa labas kasama ang mama nila na laging ginagawa ng dalawa. Nandito siya ngayon sa bahay ng mga ito na ipinatayo ni Brent para sa dalawa. Ilang araw na siyang hindi umuuwi sa bahay ng lalaki dahil naiinis talaga siya sa pagmumukha ni Brent. Pero kahit ganoon ay araw-araw siya nitong dinadalhan ng pagkain na ito mismo ang nagluto. Almusal, tanghalian, meryenda at maging sa hapunan ay hindi nito nakakaligtaan na hatiran siya. Kahit pa nga hindi niya ito hinaharap sa tuwing pumupunta ito ay hindi naman ito nagagalit o nagrereklamo man lang. Ang anak nilang si Bryce ay hindi sumama sa kaniya dahil ay

