"Good Morning, Baby!" masiglang bati ni Brent kay Ville. Ang aga-aga pero nakabusangot na kaagad ang mukha ni Ville. "Nakapagluto na ako ng almusal natin." Simula noong isang linggo ay napapansin na niya na laging masama ang hilatsa ng mukha nito. Noong nakaraang buwan pa sila nakauwi rito sa Magiron kung saan siya nakatira. At simula nang dumating sila rito, lagi na lang umaalis ang mag-ina niya para pumunta sa bahay ng future biyanan niya. Sa tuwing umaalis siya papunta sa bukid ay umaalis din pala ito papunta sa sentro kung saan naroon ang ina at kapatid nito. Naiilang daw kasi ang mama ni Ville sa kaniya kaya naman mas pinili nito na bumukod at tumira sa sentro ng Sagrada kung saan malapit ito sa farm na pag-aari nito. Ang kapatid naman nitong si Danica ay nagtuturo na sa Paara

