"Hindi pa ba kayo uuwi?" nakataas ang kilay na tanong ni Brent sa dalawa niyang kaibigan. Ilang araw na kasi ang nakakaraan pero hindi pa rin umaalis ang dalawa rito sa condo niya dahil gusto pa raw siya nitong makasama. Babawiin daw nito ang ilang taon na hindi siya nakasama at nakapiling ng dalawa. Imbes na maantig ay naiinis siya rito dahil ginagawa siyang katulong ng dalawa. "Wala ba kayong gagawin ngayon? Umuwi na kayong dalawa, puwede ba? Mahigit isang linggo na kayo rito kaya hindi naman siguro masama kung palalayasin ko kayo, 'di ba?" Sabay na umiling ang dalawa. "Kahit isang taon kaming tumambay, hindi kami magugutom," sagot ni Nicholai na may kasamang pagyayabang. "Pinapagod mo lang 'yang sarili mo sa pagtataboy sa amin, Dude." "Oo nga! Hindi naman kami nakakaistorbo sa i

