"Lumabas ka na!" Hindi makapaniwalang tiningnan ni Brent si Ville. Pagkatapos na pagkatapos kasi nilang magniig ay pinapalayas na kaagad siya nito. Ni hindi pa siya nakakabawi sa pagod tapos ipinagtatabuyan na siya nito. "Lumabas ka na kung ayaw mong sipain ko 'yang mukha mo!" "Bakit ba nagagalit ka na naman? Akala ko ba bati na tayo? At saka, wala naman akong ginagawang masama, eh." Marahas itong bumangon at pinaghahampas siya ng unan sa mukha. "Ano 'yong nakita ko? Huwag mong sabihin sa akin na may lihim kayong relasyon ni Danica! Ano, meron ba?" "Wala nga! "Then explain to me why she's hugging you while she's crying!" "Nagpapasalamat lang siya dahil napunta ka raw sa tamang tao. 'Yong iingatan ka at mamahalin ka ng higit pa sa buhay niya. Sa piling ko raw kasi ay magiging magand

