"Ano'ng meron? Bakit nandito kayong lahat?" takang tanong ni Diva dahil halos lahat yata ng mga taong malalapit kay Brent ay nakaupo sa sala at seryoso ang hilatsa ng mga mukha. Sina Genesis, Nicholai, Roberta at si Chloe. Maging ang mga anak at asawa ni Chloe ay kasama rin ng mga ito. Ano kayang meron? Bakit nandito ang mga ito? Wala naman siyang natatandaan na may kaganapan ngayon para sumugod ang mga ito ng sabay-sabay. "Nasaan si Brent?" tanong niya sa mga ito na tila may kanya-kanyang pinapasan na problema. Paggising niya kasi kanina ay wala na si Brent sa tabi niya. Hindi niya kasi namalayan na bumangon na pala ito dahil ang sarap ng tulog niya. Nang tingnan niya ang kuwarto ni Bryce ay wala na rin ito roon kaya inisip niya na baka magkasama ang dalawa. "Mommy…" tawag ni Bryce

