"So, ito pala ang sinasabi niyong kulungan? Nanapak ka raw ng matanda kaya makukulong ka! Wow, naman! Napakagaling mo talaga!" Bahagyang napaatras si Brent dahil sa biglaang pagsulpot ni Ville sa harapan nila ng mga kaibigan niya. Umiinom kasi sila ngayon sa bahay ng kapatid niyang si Chloe dahil tagumpay ang plano niya. At hindi niya iyon magagawa kung hindi dahil sa mga kaibigan niya. "Baby, paano mo nalaman na nandito ako?" nagtatakang tanong niya sa babaeng may hawak na kutsilyo. Kaya lahat tuloy sila ay nakasiksik sa sulok. "Let's go home, Brent." "M-may mga tatapusin pa kami, Baby. G-gusto mo bang kumain?" kinakabahan niyang tanong dahil napakadilim ng mukha nito. "Anong tatapusin n'yo? 'Yan bang pag-iinom n'yo, ha? Ang dami n'yong pakulo! May nalalaman pa kayong makukulong

