"Oh," sambit ni Kiara pagkababa nito sa motor ni Rene boy. Halos ihagis din nito ang helmet na kanyang hawak dahil sa iyamot. "Nag-enjoy ka ba?" tanong ni Rene boy pagkakuha ng helmet. "Dahan-dahan naman, libo rin ang preso nito," ani ni Rene boy habang tinitignan kung may gasgas ang helmet na iniabot ni Kiara. Muntik na kasi itong bumagsak sa simento. Umirap lang si Kiara at naglakad na papasok ng kainan. Ngumisi na lang si Rene boy at pinagmasdan lang si Kiara hanggang makapasok ito sa kainan. Nakarating kaagad sina Rene boy at Kiara sa lugar kung saan sila kakain. Pinaharurot kasi ni Rene boy ang pagmamaneho at walang habas na pinalipad ang kanyang motor. Tuwang tuwa itong marinig ang mga tili ni Kiara dahil sa kaba. Alam nitong hindi sanay si Kiara na mabilis ang pagandar ng

