bc

L.I.K.E not L.O.V.E

book_age16+
144
FOLLOW
1K
READ
goodgirl
others
comedy
bxg
office/work place
friendship
rejected
self discover
passionate
like
intro-logo
Blurb

Cool off, two words that really pissed people most of the time. Its no you, its me, I need space, I need time, reasons that was being said during break up. This dialogs is usually used by the people how wants to be free from their relationship. Even if their partner is striving hard to fix things in their relationship. Even if they give their whole heart to the person they loved, so that there would be no regret or doubt in the end. But what if it is not enough to be the reason to stay? How would you over come the pain? How would you accept the fact that you'll be left behind by the person you loved the most?

Like Lorhain Andrew aka LA, a girl who gives all in terms of love. 100% and do everything in the sake of love. In the age of 26 years old, she thought that being with Darren for 5 years is enough to get settled. But in the long run, Darren's love vanish, he said that their relationship lost the spark that attached the both of them. The attraction, connection and the sweetness of their love was gone. He ask for space, he thought that this space will be fixed their relationship. But after their two weeks cool off, Darren left LA.

Even if LA gives all her love to Darren, he never give LA a chance to fix their relationship and left LA hanging. When the door closes another one opens. Not just one, but five doors was given to LA after Darren left.

Samuel, Jeff, Rod, Jireh and Gab, five men came to LA's life unexpectedly.

Which of this young men will catches our young lady's heart? Or in the end they will do disame as Darren did to LA?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Jel!" hiyaw ni Lorhain Andrew, o mas tinatawag na LA sa opital kung saan ito nagtatrabaho bilang pharmacist. Nagulantang si Jel sa pagkakasigaw ng kanyang kaibgang si LA na kasalukuyang nakatayo sa may extraction area at umiinum ng tubig. Dumungaw ito sa maliit na binta. "Nagulat s'ya oh!" mapang-asar na sabi ni LA at pinagtawanan pa nito ang kanyang kaibigan. Muntik ng mapabugga ng tubig si Jel, humarap ito kay LA at saka nagsalita. "Ikaw naman kasi, kung makasigaw parang wala tayo sa ospital. Nako kung naibuga ko 'tong iniinum ko, ikaw ang mag mop nito!" inis na sabi ni Jel. Pinagtawanan ni LA ang kaibigan. "Chill! Umagang umaga ang init kaagad ng ulo mo? Mayroon ka ba?" asar pa lalo ni LA. "Ay nako Andrew! Nako!" pikong sabi ni Jel. "At wala rin tayo sa library, remember," pabalang na sagot ni LA. "At nasa ospital tayo, remember. Ay nako kaylan ba ko nanalo sa 'yo? Lorhain Andrew!" Napakamot na lang ito sa kanyang ulo. "Ano na naman ba ang kaylangan mo at pumunta ka rito?" tanong ni Jel. "Wala chichika, tatambay," nakakalokong sagot ni LA. Nanglaki ang mga mata ni Jel. "Nako! Patay tayo d'yan." Napahawak pa ito sa kanyang mukha. "Pagtayo nahuli na naman nina doc.! Sinasabi ko sa 'yo Andrew. Ikaw ang ibabayad ko sa mga bills ko," pagbabanta ni Jel. Tawa lang ng tawa si LA mula sa bintana kung saan ito nakadungaw. Malapit na magkaibigan sina LA at Jel, short for Jelly, kahit magkaiba sila ng department na kinalalagyan sa ospital. Na sa pharmacy department si LA bilang isang pharmacist. Kasama pa nito ang dalawa pa n'yang kaibigan na sina Kiara at Bea. At syempre, ang pinakamabait at maganda nilang head pharmacist na si Elizabeth dela Cruz. Si Jel naman ay nasa laboratory bilang isang medical technician. Dito lang sina LA at Jel nagkakilala. Madalas kasing umikot si LA para tanungin ang bawat department sa mga medical supplies na kanilang kaylangan o kaya ay kung may request silang gustong idagdag sa kanilang supplies. Ito rin ang dahilan kaya naman ang daming nakikilala ni LA sa buong ospital. Ngunit ang pinakagusto nitong puntahan ay ang laboratory at ang x-ray room. Sabi nga ng iba ay kaya nitong tumagkbo bilang chairman ng kanilang ospital, sa dami ng nakakakilala sa kanya. Giliw na giliw kasi ang karamihan kay LA, mabait at sobrang matulungin. Pala bati, madaling lapitan at sobrang galang. "Over acting ka boss? Grabe s'ya!" mapangasar na sabi nito sa kanyang kaibigan. "Papasok na ko ha," paalam ni LA. Tumango lang si Jel bilang tugon. Naglakad na papuntang pinto si LA, pagbukas nito ay nakalupasay si Samuel sa gilid malapit sa pinto. "Hi Samuel, makikidaan po," pagpapaalam ni LA. Ngumiti ito kay LA. "Sige lang," sagot nito habang nagaayos ng estante. Nagpatuloy na ng maglakad papasok si LA. Samuel Liongson, ang guitarista ng laboratory at romantic balladeer ng ospital. Tahimik lang ito ngunit malakas ang dating, hindi ito kagwapuhan ngunit pag nagsimula na itong kumanta ay kilig to the bones na ang mga kababaihan. Para bang nagbabago ang kanyang itsura at mapapa-hay ka na lang. Nadadala ng kanyang magandang boses ang kanyang itsura. Sila ni Jel ang magkasama bilang medical technician ng ospital. "Ito talaga, ginugulo pa si Samuel, nananahimik sa gilid. Daan ng daan," saway ni Jel. "Jelly jel jel, anong gusto mo? Lumundag ako o kaya lumipad para 'di ko maabala si Samuel? At saka nagsabi po ako na makikiraan ako. Ito napaka-hard mo sa akin." Umupo na si LA sa upuan malapit kay Jel. "Kamusta na kayo ni ate Brenda?" pabulong na tanong ni LA. Kasapi sa LGBT si Jel, at kahit ganoon ay malapit pa rin ito kay LA. Isa ito sa kinagigiliwan ng kanyang mga katrabaho sa dalaga, ang pagtingin sa kasarian ng lahat pantay pantay. Hindi mapanghusga at likas na mabuti ang puso. 'Yon nga lang ay sobrang magaslaw at makulit sa mga taong malapit sa kanya. Pasimpleng kinurot ni Jel si LA. "Napakadaldal mo talaga!" gigil na sabi nito. "'Wag ka ngang maingay d'yan," "Aray!" At biglang hinampas ni L.A. si Jel, upang makaganti. "Nagtatanong lang naman ako! At saka tayo lang tatlo ang nandito. Ito kinakamusta lang naman e, s'ya pa 'tong galit. 'Di na ko magiging concern sa 'yo bahala ka," sumbat ni LA. "Ikaw!" Akmang babatukan ni Jel si LA. "Samuel o! Babatukan ako ni Jel!" biglang sumigaw si LA. "At nagsumbong pa nga," sabi ni Samuel. "Akala ko ba magkakampi tayo!" sumbat ni LA kay Samuel. Nginitian lang ito ni Samuel. "Bahala nga kayo d'yan," sabi nito at patuloy pa rin sa kanyang ginagawa. Pinagtawanan tuloy ito ni Jel dahil sa naging sagot ni Samuel. Bumusangot si LA, ngunit ilang sandali pa ay natawa na lang ang dalawa sa kanilang naging sagutan. "Sira ka talaga! Ayon pinakilala ko na si Brenda sa bahay," panimula ni Jel. Bakas sa mukha ni LA ang pagiging interisado sa ikwekwento ni Jel. Para itong bata na tutok na tutok sa pinapanuod. "Talagang ngayon ko ikwekwento? As in ngayon na?" pabiting tanong ni Jel. Tumango ng maraming beses si LA. "Habang wala pang gaanoong pasyente," sabi ni LA. Napakamot na lang si Jel sa kanyang batok. "Ayon na nga, okay naman kayna ate at kuya," pagpapatuloy ni Jel. "Tapos? Tapos?" tanong ni LA. "Ayon siguro pag-ready na si Brenda, ako naman ang ipapakilala n'ya sa kanila. Pero mukhang matagal pa 'yon," sabi ni Jel. Nakaramdam ng kaunting lungkot si LA. Ito rin kasi ang madalas na idaing ni Jel sa kanya tuwing napagkwekwentuhan nila ang kanilang buhay pag-ibig. "Boss tiwala lang, mahal ka ni ate. Alam mo namang kumplekado rin kasi sa part ni ate. Pero in time maggiging ready din si ate," payo ni LA sa kanyang kaibigan. "Salamat boss, salamat at hindi mo ko hinuhusgahan," madaramang sabi ni Jel. "Boss hindi sa 'yo bagay!" biro ni LA upang mabasag ang nagsisimulang drama sa kanilang dalawa. "Ikaw 'tong nagtanong tapos. Ay nako, kayo ni Darren kamusta na? Ang tagal n'yo na! Wala pa bang kasalang magaganap?" sunod sunod na tanong ni Jel. "Matagal pa 'yon! Masyado kasi s'yang busy pero kahit ganoon nakakagawa naman kami ng paraa para magkaroon ng quality time sa isa't isa," sagot ni LA. "Bihira na kayo magkita?" tanong ni Jel. "Oo, mas marami ng me time," sagot ni LA. "Nako! Sign 'yan na!" huminto si Jel sa pagsasalita. "'Wag na 'wag mong itutuloy!" banta ni LA. Biglang nagsalita si Samuel. "Yes po! Ma'am, pakihintay na lang po ang resulta!" malakas na sigaw ni Samuel. Sa isang iglap ay umayos ang dalawa, inilabas na ni LA ang kanyang listahan at si Jel naman ay nagbagsak ng kahon ng gloves. Nawala rin ang drama serye ng dalawa. May pumasok na lalake sa kanilang pinto, ang kanilang head na si Sir Richard. "Samuel, bakit ka nandyan ka. Madudumihan 'yang damit mo," puna ni Sir Richard, kay Samuel. "Sir inaayos ko po kasi 'tong mga stocks sa gilid. Habang wala pang gaanoong nagpapa-extract. Para po masama na rin sa ire-request natin 'yung supplies na kulang dito," paliwanag nito kay Sir Richard. "Very good, sige. Magpapakuha ako ng bangko para hindi ka mahirapan sa pag-aayos ng mga supplies d'yan sa baba," sabi ni Sir Richard. Napansin ni Sir Richard si LA at Jel na magkausap. "Oo boss, ganitong size. Tapos," sabi ni Jel kay LA. Sige naman ang sulat ni LA sa mga request ni Jel. "Napakabibilis kumilos! Napakagagaling," bati ni Sir Richard, pumalakpak pa ito. "Ano ang agenda natin? Parang tunay?" pabirong sabi ni Sir Richard sa dalawa. Napatingin ang dalawa sa nagsalita. Wari mo'y seryosong seryoso. "Sir, nagtatrabaho kami ng marangal at matino, ikaw pala sir," sagot ni Jel. "Nako, kilala ko na kayong dalawa. At ikaw LA nandito ka na naman, ikaw bata ka talaga," gigil na sabi ni Sir Richard. Balak pa nitong kurutin sa LA sa braso pero tumakbo na ito palayo. "Sir! Masakit!" agad na sabi ni LA kahit 'di pa manlang dumadampi ang kamay ni Sir Richard sa kanya. "Ang sipag sipag kaya namin sir! Ikaw talaga sir," Hawak hawak pa nito ang kanyang braso. "Ito oh! May lista ako ng mga request n'yo," dagdag ni LA. "Nako! At may props pa talaga kayo. Pagtayo talaga nahuli sa ginagawa n'yo mapapalo ko kayong tatlo, teka maiba ako na saan pala si Eliz?" tanong ni Sir Richard kay LA. "Na sa pharmacy po, kasama sina Bea," sagot ni L.A. "E, bakit ikaw nandito ka?" muling tanong nito kay LA. "Sir nagtatanong nga ako ng supplies na kaylangan n'yo, look." Pinakita pa muli nito ang kanyang listahan. "Magrarasyon na po kasi ako ulit ng supplies next week. Kaya kaylangan ng maglista ng mga re-quest," paliwanag ni LA. "Sige, sige sabi mo," sagot ni Sir Richard. Nagpatuloy na sa kanya kanyang ginagawa sina Samuel, Jel at LA. Nagtungo naman sa iba pang department si LA. "Kaylangan ko palang dumaan kayna Jeff. Tamang tama nagugutom na ako! Hay, bakit kaya ganoon s'ya sa akin. Totoo kaya 'yung sinasabi ni Bea? Na may gusto sa akin 'yung pangit na 'yon? Earse! Bad 'to, hindi to tama," sabi ni LA sa sarili.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

His Obsession

read
104.0K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook