"Jeff!" malakas na tawag ni L.A. sa bintana ng x-ray room. Kanina pa kasi ito kumakatok sa pintuan ngunit walang sumasagot. Kaya naisipan na ni LA na dumungaw sa bintana.
"Good morning miss, anong sa 'tin?" bati ni Jeff kay LA.
Luminga linga muna si LA. "Wala ba 'yung mga cctv d'yan?" tanng ni LA.
"Wala namang bakit?" sagot ni Jeff.
"May pagkain ka d'yan? Nagugutom na ako. Pahingi naman," pabulong na tanong ni LA kay Jeff.
Napakamot sa kanyang ulo si Jeff. "Pambihira ka naman LA umagang umaga nagugutom ka na kaagad? Kaya ka tumataba kain ka kasi ng kain," biro ni Jeff.
"Wow! At least kahit chubby ako, cute ako! Hindi ako panget tulad mo," asar naman ni L.A kay Jeff. "Nanghihingi ako ng maayos tapos ganyan ang isasagot. Oo o hindi lang naman ang hinihingi kong sagot," sumbat ni LA.
"L.A. ang sabi ko tumataba, 'di chubby! Magkaiba ang ibigsabihin ng chubby sa mataba. Tignan mo nga namumutok ka na d'yan sa scrub suit mo. Maglinis ka nga ng tenga mo. Mamaya mamali ka pa ng ma-dispense yari tayo n'yan," balik na asar ni Jeff.
"Malinis 'yan! Kahit tignan mo pa. Napaka mo talaga Jeff, ang hard mo sa akin. Ang bad mo sa 'kin?" napipikong sabi LA. Habang nagbabangayan ang dakawa ay napansin ni LA ang pagpasok ni Rene boy sa x-ray room. Binaling nito ang kanyang tingin dito. "Rene boy! Si Jeff o! Inaasar na naman ako," sumbong ni LA kay Rene boy.
Lumapit si Rene boy sa bintana kung na saan nakadungaw si Jeff. "Kayong dalawa, ang aga aga pa nagbabangayan na kayo kaagad? Akala n'yo ba naiinggit ako! Pwes, oo naiinggit ako! Kaya pwede ba, 'wag n'yo ipakita ang ka-sweetan n'yo sa harapan ko? Respeto naman sa akin. Respeto sa single, please," sermon ni Rene boy sa dalawa. May papikit pikit pa itong nalalaman habang nagsasalita. "Humanda kayo pag napasagot ko na si Sue Ramirez," dagdag ni Rene boy.
"Wow! Ka-sweetan? Kay L.A. talaga? Yuck! Boss naman parang awa mo, kahit si LA na lang ang natitirang babae dito sa mundo hinding hindi ko 'yan papatulan. Please lang," sagot ni Jeff na may halong pang didiri kay LA.
"At maka-yuck ka d'yan! Diring diri! Grabe s'ya. Akala mo ba gwapo ka sa paningin ko? Yuck! At kahit na lang din ang huling lalake rito sa mundo, handa akong magpakatandang dalaga! At hindi mo kamukha si JM de Guzman ko! Kahit maligo ka kada segundo, wala ka pa ring panama sa JM de Guzman ko! Maka-yuck 'to, ang panget panget mo! Bako bako pa ang mukha mo," panglalait LA kay Jeff.
"Ay, nagsalita? Talaga? Ganda ka? Ganda ka girl? Mukha ka ngang balyena," hindi naman nagpatalo si Jeff sa panglalait ni LA.
"Oo! Maganda ako! Magandang maganda." Hinawi pa ni L.A. ang kanyang buhok at iniwasiwas na parang model ng shampoo.
Sasagot pa sana si Jeff ngunit tinampal na ni Rene boy ang bibig nito. "Tama na 'yan for today! Order in the court!" saway ni Rene boy. "Nako ganyang ganyan nagsimula ang mga lolo at lola ko. Nakakarindi na rin kayong dalawa kaya parang awa n'yo na tama na," pagpapahinto ni Rene boy sa pagtatalo ng dalawa.
Inirapan ni L.A. si Jeff. Nagpamewang pa ito at nagmataray kay Jeff.
"Ikaw! Lorhain Andrew!" Akmang lalabasin pa ito ni Jeff upang patulan, ngunit pinigilan ito ng kanyang kasama.
"Tama na nga! Itong mga 'to parang mga bata!" muling saway ni Rene boy. "Ikaw naman kasi L.A. tama na,"
"S'ya 'tong na una, tapos s'ya 'tong pikon," mataray na sabi ni L.A.
"Ay nako! Stop it! Stop it! Ano ba kasing ipinunta mo dito?" tanong ni Rene boy kay L.A.
"O! Ano mga kaylangan n'yo rito. At mga out of stock, para ma-refillan na o makapag-request na. Magre-request na kasi ako mamaya." Iniabot ni L.A. ang kanyang listahan. "Paki lista na lang d'yan lahat ng request. Hihintayin ko rito sa labas,"
Kinuha ito kaagad ni Rene boy upang tignan. "Sakto, kakaunti na lang ang mga stocks namin. Sige sige," sabi ni Rene boy.
Kinuha ni Jeff ang listahan kay Rene boy at inusisa rin ang listahan.. "O, kita mo 'to! It's unfair!" sabi ni Jeff.
"Bakit na naman? Ano na namang problema mo?" naiinis sa tanong ni LA.
"Bakit 'yung ibang department ikaw ang naglilista. Samantalang kami, kami dapat ang magsulat? Kitang kita na me favoritism kayo, unfair. Isusumbong kita kay Ma'am Eliz," kunwaring galit na sabi ni Jeff.
Binawi ni Rene boy ang listahan at iniwan na ang dalawa. Ramdam nitong may continuation pa ang pagtatalo ng dalawa.
"Ayaw ko kasing pumasok d'yan, mamaya mabaog pa ako. 'Di ko pa mabigyan ng gwapo at magagandang anak ang future na mapapangasawa ko," bulong ni LA.
"Anong sabi mo? Ayaw mo pumasok dito? Sus, ikaw makakapagbigay ng gwapo at magandang anak? Nako, kawawa naman ang magiging itsura ng mga anak mo pag kamukha mo sila! Parang owl. Tsk, sana malakas ang dugo ni Darren para hindi mo maging kamukha ang mga magiging anak mo.Nagsimula na namang pikunin ni Jeff si LA.
"Lalong hindi ako papasok d'yan. At hindi ko dadalhin ang mga request mong supplies. 'Yung kay Rene boy lang ang ibibigay ko," buyo ni LA. Binelatan pa nito si Jeff na parang bata.
"Ah ganoon?" May ipinakita si Jeff sa kanyang bulsa. "Sayang, may twix pa naman ako rito. Ibibigay ko sana 'to sa 'yo. Kaso inaaway mo ako, so," huminto ito sa pagsasalita.
Masama na ang titig sa kanya ni LA, kulang na lang ay balatan nito ng buhay si Jeff.
"Ito mga mata mo! Akala mo kina-cute mo 'yan? Ang lake lake ng mata mo. Para kang palaka! Luwa ang mata," nagsimula na namang alaskahin ni Jeff si Celine.
Parang aso't pusa palagi sina Jeff at LA. Walang araw na hindi nagtatalo ang dalawa.
Si Jeff at Rene boy ang rad. tech. ng ospital. Bago pa lang ang dalawa ngunit dahil kay LA ay naging madaling naka-adjust ang dalawa sa kanilang trabaho. Kahit kasi na sa phamacy department si LA ay napagtatanungan ng dalawa ito sa mga kalakaran at operation ng ospital.
Naging malapit sa isa't isa sina Jeff at LA, alaskador lang talaga si Jeff at gustong gustong inaasar ang dalaga. Malimit ding bisitahin ng dalawa si LA sa botika kung wala naman gaanong nagpapa-x-ray. Malapit lang kasi ang botika sa x-ray room kaya walang problema sa dalawa.
"Pinaglihi ka siguro sa palaka kaya ganyan ang mga mata mo," asar pa lalo ni Jeff.
Laging pinipintas ni Jeff ang mga ni LA. Ang bilogan at malalaki nitong mata. Ito kasi ang madalas mapansin sa dalaga na bumagay naman sa hulma ng kanyang mukha. Sa katunayan ay gustong gusto nito ang mga mata ni LA. Lalo na kapag napipikon na ito sa mga sinasabi ni Jeff.
"LA ito na, kumpleto na 'to," singit ni Rene boy sa pag-aasaran ng dalawa. Hindi nito napansin na patuloy pa rin ang bangayan ng magkaibigan. Nakita na lang nito na nanglilisik ang mga mata ni LA at patuloy pa rin ang pang-aasar ni Jeff. "Ay hindi pa rin ba kayo tapos sa lovers quarrel ninyo?" tanong ni Rene boy.
"Ang saya boss, malapit ng mapikon si LA o. Pag tungkol talaga sa mata ang usapan, LA lang sakalam!" asar pa lalo ni Jeff.
Nakatamasa ng matinding irap si Jeff. Halos bumaliktad ang mga mata ni LA sa pag-irap kay Jeff at ibinaling na nito ang kanyang tingin kay Rene boy.
Iniabot na ni Rene boy ang listahan ng kanilang mga request.
"Salamat." Kinuha na ito ni LA at tinignan. "Dadalhin ko na lang dito ang mga request n'yo. Pero ito ito at ito, hindi ko sure kung makakakuhatako kaagad," paliwanag ni LA.
"Okay no problem," sagot ni Rene boy.
"Sige bye na, Rene boy," paalam nito kay Rene boy. Muling inirapan ni LA si Jeff at umalis ng 'di manlang nagpaalam dito.
"Oy, you made my day! Bye!" paalam ni Jeff kay LA.
"Alam mo boss kabisado ko na 'yang style mo," biglang sabi ni Rene boy.
Nagtaka si Jeff sa sinabi ni Rene boy. "Ano bayang mga pinagsasasabi mo?" tanong nito.
"Ayan, 'yang araw araw mo na pang-aasar. Tapos 'yang pagbili mo ng twix tuwing papasok tayo. For sure idadaan mo 'yan mamaya sa botika at iaabot kay LA, pustahan tayo bente," hamon ni Rene boy.
Ngumisi lang si Jeff at umiling.
"Boss naman, ako lang ang kasama mo dito sa kwartong 'to. Sa akin ka pa ba magtatago? At saka obvious boss 'wag ako," sabi ni Rene boy.
"Boss naman, parang kapatid ko lang si LA. 'Di ba nga kaedad n'ya lang ang kapatid ko. Ikaw ang malisyo so mo," sagot ni Jeff.
"Sige boss push mo 'yan, ikaw din. Maganda si LA, maraming abangers d'yan baka maunahan ka," sabi ni Rene boy.
"Para 'tong sira, may boyfriend 'yung tao. Wala akong panama doon," sabi ni Jeff.