Maagang pumasok si LA sa botika. Malamlam ang mata nito at matamlay walang kibo at halatang wala ito sa sarili. Diretcho lang ito sa sa kanyang pwesto at inayos ang kanyang mga gamit. Paulit ulit nitong binubuksan ang kanyang bag upang hanapin ang kanyan mga gamit.
"LA umayos ka! Please umayos ka. Na sa trabaho ka na, kaya dapat umayos ka!" sabi nito sa kanyang sarili.
Nagulat si Bea na nandoon na pala si LA sa kanyang pwesto. Hindi kasi ito nag-ingay at bumati manlang ng pumasok ito. "Kanina ka pa d'yan? Hindi ka man lang nagsasalita. Wait lang tatapusin ko lang 'tong request at for dispense," sabi ni Bea.
Wala pa ring imik si LA panay lang ang buntong hinga nito at natutulala pa kinalaunan. Napapatingin din si Bea sa kanyang kaibigan habang inaayos ang mga gamot na kukuhanin ng mga nurse maya maya lang. Naninibago kasi talaga ito sa kinikilos ni LA. Bumabati ito pagkabukas na pagkabukas pa lang nito ng pintuan ng botika. Masipag na nag-aayos ng mga bagay bagay kahit hindi pa nito oras ng trabaho. Kusang kukuha ng endorsement at magkwekwento ng kung ano ano. Subalit ngayon ay parang may sakit ito na hindi mawari. Napuna rin ni Bea na ilang ulit ito sa pagbukas ng kanyang bag ngunit wala naman itong kinukuha.
"Ayan, tapos na! Okay endorse endorse na," sabi ni Bea. Papalapit na ito kay LA. "Besty itong mga 'to nandoon sa receiving, kukunin na lang ng nurse. Lahat 'yan para ngayong umaga. Then ito for dispense, nakasulat lahat ng 'to sa endorsement at saka pala," Napatingin si Bea kay LA. Napansin nitong may kakaiba na talaga sa kanyang kaibigan. May maga rin ang mga mata nito na para bang kakatapos lang umiyak at halatang wala pa itong tulog.
"Besty, okay ka lang?" Naupo si Bea sa tabi ng kaibigan.
Doon pa lang bumalik sa ulirat si LA ng maramdaman nitong hinawakan s'ya ni Bea sa kanyang balikat. "Ha ano?" Nakita ni LA ang endorsement logbook sa kanyang harapan at si Bea sa kanyang tabi. Mula kanina ay hindi pala ito nakikinig ana mga sinasabi ni Bea. "Oo, mag-endorse ka na 'di ba? Sige, ano pa 'yung mga hindi pa napre-prepare for dispense?" tanong nito.
"Oy! Lorhain Andrew gising! Ang problema, ay iniiwan sa bahay. Be professional! Nakakahiya kayna Bea. Gumising ka!" utos ni LA sa kanyang sarili.
"Hintayin ko na lang kaya si Ma'am Eliz, parating na naman s'ya. Para may kasama ka muna," sabi ni Bea. "Mukhang hindi ka kasi okay besty. Hindi ka ganyan, may sakit ka ba? Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Bea.
"Hindi okay lang ako. Wala akong sakit, strong ata 'to. Puyat lang, tama puyat lang ako. Kakanuod ng anime, hindi ko kasi tinantanan hanggat 'di ko natatapos 'yung buong season," paliwanag ni LA. Sinampal sampal din nito ang kanyang sa mukha at pinilit ngumiti. "Besty ako pa? Si Lorhain Adrew Galvez ata 'to. Puyat lang 'to promise. Don't you worry. Game! Game!"
"Sige, sabi mo e. Ito tapos na 'to...." Pinagpatuloy ni Bea ang kanyang pag-endorse sa kanyang kaibigan. At mukha namang bumalik na sa kanyang katauhan si LA. Ngunit bakas pa rin sa kanyang mukha ang tamlay at lungkot.
Natapos na ang dalawa sa pag-endorse. Hindi maiwan ni Bea si LA, nagmamabagal ito sa pagkilos. At hinuhunta si LA. Subalit isang tanong, isang sagot lang ang nangyayari sa kanilang pag-uusap.
"Besty mag 7:00 am na, galing kang night shift. Umuwi ka na kaya?" pagpuna ni LA.
"Ay! Hindi ko napansin ang oras," pagkukunwari ni Bea na hindi nito napansintang oras. Hindi kasi ito kumbinsido sa pinapakita ni LA na okay lang ito. Mula college ay magkakasama na sina LA, Bea at Kiara kaya naman kabisado na nila ang isa't isa. Wala na silang maitatago, kaya naman nakakasigurado si Bea na may problemang dinadala si LA.
"Besty?" sabi ni LA.
Naupo na si Bea sa kanyang upuan. "Hindi ako mapapakali hanggat wala kang kasama rito. Hihintayin ko na sina ma'am," pagpupumilit ni Bea.
"Ano ka ba, okay lang ako. Sige na sige na." Tumayo si LA at nilapitan si Bea. "Tumayo ka na d'yan, at umuwi ka na." Hinila nito patayo si Bea at inakay papalabas ng pinto. "Kaya ko 'to, trust me," sabi ni LA. Pilit din itong ngumiti.
"Sure?" muling tanong ni Bea.
Tumango si LA at nag-thumbs up pa. "Sige na! Bye, ingat sa pag-uwi!" paalam ni LA kay Bea. Isinara na ni LA ang pinto at naglakad na si Bea palabas ng ospital. Hindi talaga kumbinsido si Beang na sa matinong pag-iisip si LA. Hindi ito mapakali at parang gustong bumalik sa botika. Nang natanaw nito si Jeff sa parking lot. Kakarating lang nito at ipinaparada ang kanyang motor.
Dali daling tumakbo papalapit si Bea kay Jeff. "Jeff! 'Wag kang gagalaw, d'yan ka lang," hinihingal nitong sabi.
"Oh bakit, may problema ba?" tanong ng Jeff.
"Si LA kasi ano," sabi ni Bea.
Biglang nagsalita si Jeff at hindi na pinatapos si Bea sa pagsasalita. "Anong nangyari kay LA!" tarantang sabi ni Jeff. Nagulat si Bea sa naging reaksyon nito.
"Easy! Ito wait lang. Hinihingal kasi ako! Maka-react boyfriend ka boss?" sabi ni Bea.
Namula bahagya si Jeff, hindi nito nakontrol ang kanyang naging reaksyon. Akala nito ay may emergency na nangyari kay LA.
Ilang minuto pa at nawala na ang hingal ni Bea. Malayolayo rin kasi ang kanyang tinakbo kaya hiningal ito.
"Para kasing wala sa sarili si besty. Ibang iba s'ya, matamlay at hindi raw s'ya nakatulog. Pagtinatanong ko naman kung okay s'ya, okay lang palagi ang sagot pero kutob ko 'di talaga s'ya okay. Hindi ko matanong kung tungkol ba 'yon kay Darren, alam n'ya kasing sesermonan ko s'ya pag nagkataon," paliwanag ni Bea.
"Sige sige, ako ng bahala kay LA. Umuwi ka na," sabi ni Jeff.
Lumakad na si Bea gayun din si Jeff. Malakas ang kutob ni Jeff na si Darren ang dahilan ng pakabalisa ni LA. Agad na nagpunta si Jeff sa kanilang kwarto upang ibaba ang kanyang dalang gamit.
"Boss! Madaling madali? May lakad ka?" puna ni Rene boy. Hindi ito pinansin ni Jeff diretcho pa rin ito sa pagkuha ng ilang gamit. "Oh, bukas pa natin 'yan dadalhin sa botika? Dadalhin mo na 'yan ngayon?" nagtatakang tanong ni Rene boy.
"Ngayon na, para bukas wala na tayong gagawin. Ikaw na muna ang bahala rito ha, babalik ako mamaya pag may kasama na si LA." Nagmamadaling lumabas si Jeff, ni isara ng maayos ang pinto ay hindi nito nagawa.
"Ano raw? Para may kasama si LA?" Nagtaka tuloy si Rene boy, sinilip nito ang dalawa.
"Tao po," tawag ni Jeff mula sa pinto ng botika.
Pinagbuksan ito ng pinto ni LA. "Oh bakit," matamlay na sabi ni LA.
Pumasok si Jeff sa loob. "Ito kasing mga 'to may defect, for return. Maramirami kasi 'tong mga 'to kaya dinala ko na ngayon," paliwanag ni Jeff.
Nakita nito ang kakaibang kilos na sinasabi ni Bea. Wala rin itong imik, at kitang kita ang tamlay nito. Ni batiin si Jeff ay hindi nito ginawa. Parang ibang LA ang kanyang kaharap.
Bumalik na ito sa kanyang ginagawa. "Ilagay mo na lang d'yan, ako na lang mag-double check mamaya," sabi ni LA. Nagi-inventory kasi ito ng kanilang mga bagong dating na stocks na gamot.
"Ako na, ako na ang mag-check ng mga 'to, nasaan na rin ba 'yung mga forms para sabay fill-up na rin," tanong ni Jeff.
Itinuro lang ni LA ang mga ito at hindi na umimik.
"Teka nasaan sina ma'am Eliz?" tanong ni Jeff upang makausap pa si LA.
"Mamaya pa si ma'am," maiksing sagot ni LA.
"Boss ang tamlay mo ata?" sunod na tanong ni Jeff.
"Puyat kasi ako," sagot ni LA.
Nagtanong ng nagtanong pa si Jeff upang humaba ang kanilang pag-uusap ngunit sa bandang huli ay isang tanong isang sagot lang din nauwi ang kanilang usapan.
Natapos na ang pag-double check ni Jeff sa mga damage na film. Subalit walang pagbabago sa pakikitungo nito kay Jeff. Ni awayin o asarin ay hindi nito ginawa.
May nag-door bell sa bintana ng botika. Agad na tumayo si LA at binuksan ang bintana. "Yes po ma'am, good morning po," bati ni LA, pilit din itong nginitian ang costumer.
"Good morning din, tatlo ngang paracetamol," sabi nito kay LA.
Biglang pumatak ang mga luha ni LA, humikbi rin ito at hindi na napigilang umiyak. "Opo, tatlo pong paracetamol," umiiyak nitong sabi sa costumer.
Nagulat si Jeff sa pag-iyak ni LA, pati ang costumer ay nagtaka kung bakit ganito ang naging reaksyon ni LA. Hindi makagalaw si Jeff sa kanyang kinauupuan. Hindi rin nito alam kung paano papakalmahin sa pag-iyak si LA.
Dirediretcho lang ito sa pagkuha ng gamot. "Ito na po," panay pa rin ang pagtulo ng mga luha ni LA.
"Miss, ito 'yung bayad. Okay ka lang?" tanong ng costumer.
"Opo okay lang po ako, salamat po," sabi ni LA habang umiiyak.