Nagkatinginan si Jeff at ang costumer. Lubos ng nag-alala si Jeff sa kaibigan, gayun din ang costumer sa itsura ni LA habang inaabot nito ang kanyang binili.
"Miss, sigurado kang okay ka lang?" ulit nitong tanong sa dalaga.
"Opo, okay ang po ako." Pinunasan nito ang kanyang mga luha. "Salamat po," humihikbing sabi ni LA sa costumer at pinilit na ngumiti.
"O---okay." Kinuha ng costumer ang gamot na kanyang binili. "Si---sige salamat," sabi ng costumer, bakas sa mukha nito ang pagtataka at saka umalis.
Pagkaalis ng costumer ay nilapitan kaagad ni Jeff si LA sa counter. "Andrew, hindi ka okay, hallika nga rito," sabi ni Jeff at inakay si LA paupo sa upuang malapit sa counter. "Ano bang nangyari sa 'yo?" tanong nito.
"Wala, walang nangyari, wa---wala na," pautoy pa rin ito sa kanyang pag-iyak subalit pilit nitong pinapahi ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Anong wala? E ano 'yung kanina? At saka tignan mo nga 'yang itsura mo? Naligo ka ba?" sabi i Jeff.
Parang pinagsakluban ng langit at lupa si LA. Ni magpulbo at manuklay ay hindi ata nagawa ng dalaga, para bang bumangon lang ito sa kanyang higaan nagbihis at pumasok. Gusot din ang kanyan damit na para bang hinugot lang sa damitan at isinuot ka basta. Halata rin sa kanyang malalaking mata na umiyak ito magdamag.
"Na---napuwing lang ako. Oo tama, napuwing lang. Puyat din kasi ako," pagdadahilan ni LA.
Natawa bahagya si Jeff dahil sa inis, lukot na lukot rin ang mukha ni LA sa pag-iyak kahit sinasabi nitong wala lang ang lahat. "May napuwing sabay ang dalawang mata? LA kung magpapalusot ka nga galingan mo naman," inis na sabi ni Jeff.
"Oo, ako," pabalang na sagot ni LA. "Jeff, hindi ako nagpapalusot, totoo ang sinasabi ko. Puyat lang ako kaya ganito, pero kung ayaw mong maniwala hindi kita pipilitin," malungkot na sabi ni LA.
"Hay nako kung ayaw mong sabihin ang problema mo, ayusin mo na lang 'yang sarili mo! Nako, pumasok ka muna roon, maghilamos ka. Magsuklay ka rin, para kang may sampung anak sa itsura mo!" iritableng sabi ni Jeff. "Ako muna ang tatao rito, gusto ko paglabas mo maayos n 'yang itsura mo," dagdag pa nito.
Hindi sanay si Jeff sa ganitong awra ni LA, mas gusto nitong nababangayan sila o hindi nagtatalo sa isang bagay. 'Yung LA na bungisngis at mapang-asar.
Kahit na parang pinapagalitan n'ya ang dalaga at halos sigawan upang ayusin ang kanyang sarili ay sobrang nag-aalala ito sa kanyang kaibigan. Lubos itong nangangamba at nahahabag sa kinikilos ni LA.
Hindi na nakipagtalo si LA at pumasok na sa loob ng walang imik. Sinundan lang ito ng tingin ni Jeff hanggang isara nito ang pinto.
"LA, ano bang nangyayari sa 'yo? Nandito lang ako para sa 'yo. Hindi ko kayang makitang nagkakaganyan ka," sabi ni Jeff sa kanyang sarili habang nakatitig sa pinto. Wari mo'y tumatagos ang kanyang tingin sa pinto at nakikita ang pag-iyak ni LA sa loob.
Hindi nagtagal at dumating na rin si Kiara.
Nagulat si Kiara ng makita si Jeff na nakaupo sa gilid, malungkot at halatang nag-aalala. "Oh, Jeff bakit ka nandito? Nasaan si LA?" kaagad na tanong nito. Tuloy lang ito sa pagpasok at nilapag ang kanyang mga gamit sa lamesa.
"Nasa loob, sabi ko ayusin n'ya ang sarili n'ya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Kanina may costumer, bumili ng paracetamol, tapos biglang umiyak," kwento ni Jeff. "Tapos parang tumayo lang sa higaan si LA at pumsok basta-basta. Halatang hindi rin natulog magdamag. Namumugto ang mga mata n'ya. Hindi ko s'ya maiwan ditong mag-isa," dagdag nito.
Nakikinig si Kiara kay Jeff habang inaayos nito ang kanyang mga gamit. Napalingon ito ng marinig ang kwento ni Jeff. "Ano! Umiiyak si LA dahil sa paracetamol?" gulat na sabi nito. "Teka nga." Inihinto ni Kiara ang pag-aayos ng kanyang mga gamit at lumapit kay Jeff.
Nagulat si Jeff sa naging reaksyon ni Kiara, humahangos itong lumpit sa kanya. "Ano! Ulitin mo nga ang sinabi mo! Dahil sa paracetamol umiyak si LA!" nakakagulantang na sabi ni Kiara kay Jeff na kulang na lang ay yugyugin ito.
"Oo nga," nakasinghal na sagot ni Jeff. "Ano bang mayroon sa paracetamol? May nakakaiyak ba roon? Tinatanong ko naman s'ya kanina pa pero ayaw n'yang magsabi. Ang sinasabi n'ya lang ay napuwing raw s'ya! Kaso napuwing? Sabay ang dalawang mata? Wala namang nag-fumigate kanina kaya nagtataka ako. Sabi rin ni Bea, wala sa sarili si LA mula nang pumasok s'ya. Kaya dito ako kaagad sa botika dumiretso, nag-alala ako sa sinabi ni Bea, baka mamaya kung anong gawin ni LA kung ma-isa s'ya dito," salaysay ni Jeff.
"Nako, hindi kaya." Napahinto si Kiara sa pagsasalita at nagpamewang.
"Hindi kaya ano?" nagtatakang tanong ni Jeff.
Napaupo si Kiara sa katabing silya ni Jeff. "Hindi ko sure, pero nagiging slow lang naman si LA kapag hindi sila okay ni Darren. As in slow lang, buffering ng ilang segundo, pero 'yung wala talaga sa sarili? At ngayon lang umabot sa puntong iiyak s'ya dahil sa paracetamol? Malala na 'yon! Noong bumagsak nga kami hindi umiyak si LA. Ano kayang nangyari sa kaibigan natin," nag-aalalang sabi ni Kiara.
"Ganoon? Ibig sabihin grabe ang problema ni LA?" tanong ni Jeff.
"Ewan hindi ko alam. Or family problem? Pero malabo, magsasabi sa amin ni Bea 'yon kapag may family problem s'ya. Hindi 'to normal. Haist, nagaalala na ako kay LA. Hindi s'ya ganyan, sa aming tatlo, s'ya ang pinaka-strong," sabi ni Kiara.
May kumatok sa pinto, tumayo si Jeff at tinignan kung sino ang kumatok.
"Boss, times up na ang pangliligaw. Work work naman," sabi ni Rene boy ng makita si Jeff.
Nginitian lang ni Jeff si Rene boy. "Boss naman, madalas wrong timing ka. Nako," sarkastikong sabi nito kay Rene boy.
"Boss, nag-text kasi si Sir! Parating na s'ya kaya tara na," sagot ni Rene boy na may halong inis.
"Ay ganoon ba, sorry naman. Hindi mo naman kaagad sinabi. Kaylangan lang ng moral support ni LA, pero ito na babalik na," sabi ni Jeff.
Natanaw ni Rene boy si Kiara, ang kanyang ultimate crush. "Hi Kiara," bati nito. "Good morning, have a nice day," dagdag nito.
Tinignan lang ito ni Kiara ng pasulimpat.
"Sungit naman ni ate girl," sabi ni Rene boy.
Hindi pa rin ito pinansin ni Kiara at parang walang narinig.
Nadismaya si Rene boy sa naging reaksyon ni Kiara.
"Ah, belat, hindi pinansin," asar ni Jeff kay Rene boy.
"Tsss, tara na nga!" inis nitong sabi "Lagpas ka na sa oras ng pangliligaw, uwi!" sita ni Rene boy.
"Kiara, babalik na ako sa x-ray room. Ikaw ng bahala kay LA ha, balitaan mo ako," paalam nito kay Kiara.
"Sige Jeff, salamat sa pagsama kay LA. Ako ng bahala sa kanya," sabi ni Kiara habang nagbubuklat ng kanilang endorsement logbook.
"Bye, Kiara my babes," paalam ni Rene boy, ngunit sa huling pagkataon ay hindi pa rin s'ya pinansin ni Kiara.
Lumabas na si Jeff ng botika at kasabay ng bumalik sa kwarto kasama si Rene boy.
"Boss naman, kaya na-issue kami dahil sa kakaganyan n'yo sa amin," paninita ni Jeff kay Rene boy. "Ano na naman ang sasabihin nila sa amin, na naglalandian kami? Na pinopormahan ko si LA? Ayos lang kung ako lang ang pagchichismisan kaso pati si LA nadadamay, may boyfriend 'yung tao at may girlfriend ako. Alam mo 'yan."
Napansin kasi nitong may mga chismosang nurse ang nagbulungan ng sunduin s'ya ni Rene boy sa botika. At alalm nitong narinig nila ang sinabi ni Rene boy.
"Boss, who cares? Hindi ka na nasanay, sa ospital na 'to bawat kibot mo issue. Wala lang silang magawa sa mga buhay nila kaya buhay ng may buhay ang pinag-uusapan nila. At saka joke lang naman 'yon, bakit affected ka ba boss?" Nagsimula ng asarin ni Rene boy si Jeff. Nasa loob na sila ng x-ray rom. "Tignan mo nga lagi lang tinatawanan o sinasakyan ni LA ang mga biro namin tungkol sa inyong dalawa, tapos ikaw ganyan pala ang nasa isip mo? Tapos sa 'yo big deal? Ano 'to boss?" sagot ni Rene boy sa paninita sa kanya ng kaibigan.
"Rene boy, hindi naman sa ganoon, paano kung may makarinig na kakilala namin ni Me-ann tapos sabihin kay Me-ann na may pinopormahan ako dito, e 'di nag-away pa kami? Boss naman alam mo namang ayaw ko ng mawala si Me-ann sa akin," kaitwiran ni Jeff.
Tinitigan ni Rene boy si Jeff ng seryoso. "Jeff, kung 'yan talaga ang gusto mong mangyari, itigil mo 'yang pagiging-over protective mo kay LA," diretsong sabi nito sa kaibigan.
Ngumisi si Jeff. "Ha? Over protective? Ano ba 'yang pinagsasasabi mo boss. Parang bunsong kapatid ko lang si LA, alam mo 'yan. At syempre bilang kuya, ayaw ko namang mapahamak s'ya," paliwanag ni Jeff.
Hindi kumbinsido si Rene boy sa paliwanag ni Jeff. "'Yon na nga boss, para sa 'yo, 'yong ang tingin mo kay LA. Paano kung isang araw, mahulog ang loob n'ya sa 'yo dahil sa pagiging protective mo sa kanya? Tapos higit pa sa pagiging kuya, tatay, o kung ano man kayo ngayon ang nararamdaman n'ya sa 'yo? Paano kung ganoon? Kada tanggi mo kasi boss, mas nahahalatang mayroong something sa 'yo at kay LA. Walang biro," sabi ni Rene boy.
Hindi nakasagot si Jeff, bigla itong napaisip sa sinabi ng kaibigan. Ngunit ang paniniwala ni Jeff ay mahal n'ya ang kasintahang si Me-ann at parang kapatid lang ang tingin n'ya sa dalaga.
Ngunit sa kabilang banda ay may kaunting kirot itong nararamdaman tuwing sasabihin n'yang kapatid lang ang tingin nito kay LA, sa puntong ito ay hindi maitanggi ni Jeff sa kanyang sarili na sa tuwing nandyan si LA ay iba ang kayang sayang nararamdaman. Ibang saya kaysa tuwing kasama n'ya si Me-ann. Nagiging totoo s'ya sa kanyang sarili at komportable ito tuwing sila ay magkasama.
Ngumisi si Rene boy, nahalata nitong napaisip si Jeff sa kanyang mga sinabi. "Ano, hindi ka makapagsalita? Itatanggi mo pa? Ano pa ang idadahilan mo para mapagtakpan mo 'yang nararamdaman mo para kay LA. Boss, tignan mo ha, kanina hindi ka mapakali noong nalaman mong wala sa sarili si LA. Mas inuna mo pang puntahan si LA kaysa mag-in," mariing sabi ni Rene boy.
Nagulantang si Jeff, bumalikwas ito ng tingin sa orasan, mag 8:30 na ng umaga, samantalang kanina pa s'yang 6:00 nasa ospital. "Talaga ba! Hindi ako nakapag-in?" sabi nito kay Rene boy. Inalala rin nito kung nagawa ba n'yang mag-in bago puntahan si LA.
"Oo boss, nilapag mo lang 'yung bag mo, kinuha 'yung mga film tapos diretso ka na sa botika. 'Yon ba ang kaibigan lang? Boss naman daig mo pa si Darren kung mag-alala. Alam mo 'yan," sabi ni Rene boy.
Pilit pa ring iginigiit ni Jeff ang kanyang dahilan na wala lang ang lahat at kaibigan lang ang kanyang nararamdaman sa dalaga. "Boss, para 'yon lang? Big deal sa 'yo? Bibigyan mo na kaagad ng meaning dahil lang doon? Kahit naman siguro ikaw kapag nalaman mong wala sa sarili si LA pupunthan mo s'ya kaagad. Bilang kaibigan," paliwnag ni Jeff.
"Oo, pupuntahan ko si LA, pero hindi ko makakalimutang mag-in. At saka magpapaalam muna ako sa 'yo ng matino, kasi alam kong may kasama ako sa trabaho. Kaso boss kanina, para akong hangin na dinaanan mo lang! Paano kung late ako? O 'di kaya may magpa-x-ray, ano pareho tayong malilintikan kasi walang tao rito? At saka anong para 'yon lang? Ano 'yong pagpigil mo kay LA noong nakaraan? Boss, 'yung mga pinapakita mong alag kay LA hindi 'yon lang 'yon. Lalaki rin ako boss, alam ko kung anong galawan 'yang ginagawa mo," sita ni Rene boy.
"Ha? Ang alin?" maang-maangan ni Jeff. Nakakaramdam na si Jeff ng inis sa pagsita sa kanya ni Rene boy. Pakiramdam n'ya ay hinuhusgahan nito lahat ng kanyang kilos at kung paano n'ya tratuhin si LA.
"Sus, boss 'wag ako! Alam mo 'yon! 'Yung may sumugod kay ma'am Eliz na babaeng baliw! Alam mo imbis na si ma'am ang pagchismisan, kayo ni LA ang headline!" sabi ni Rene boy.
"Bakit pinigilan ko lang naman s'yang hambalusin 'yung babae ng tubo. Ano, chismis kaagad 'yon? Hindi kasi mapigilan ni kuya guard si LA kaya ako na ang pumigil sa kanya. Kilala mo si LA, hindi magpapaawat 'yon hanggat hindi nakakaganti," muling paliwanag ni Jeff.
"Ows, talaga ba? Bakit kaylangang buhatin mo pa si LA? Pwede namang kunin mo lang ang tubong hawak n'ya? Boss, kitang kita ko inaawat din s'ya ni kuya guard, pinipigiln n'ya rin si LA. Kaya n'ya rin pigilan si LA ng mga oras na 'yon. 'Wag ako boss! At bakit kaylangang ikaw pa ang gumamot ng mga kamot ni Lorhain? Kaya naman n'yang gamutin ang mga 'yon, sina ma'am Eliz nga at Bea kanya kanyang lagay ng betadine sa mga kalmot nila. Samatalang ikaw, ginagamot mo si Andrew? Wow, boss jowa ka? At bakit kaylangan mo pa s'yang ihatid ng araw na 'yon? Hindi naman s'ya nabaldado? Nagsabunutan lang sila, hindi hazing ang nangari," sunod-sunod na tanong ni Rene boy. "Boss, 'wag mong idadahilan sa akin na si LA ang nag-utos sa 'yo ng lahat ng 'yon. Kasi kasama mo ako mula noong pinigilan mong hambalusin ni LA 'yung baliw na babae hanggang pag-uwi natin. Ikaw ang nagpupumilit na maghatid sa kanya. Kesyo baka abangan s'ya noong babae o kaya resbakan s'ya," gigil na sabi ni Rene boy sa kaibigan.
Lahat ng tanong ni Rene boy ay tumama sa ego ni Jeff. Nainis ito ng tuluyan kay Rene boy. "Rene boy kung ayaw mong maniwala at kung ipagpipilitan mo 'yang pagkamalisyoso mong pag-iisip, wala na akong magagawa. Basta malinis ang konsensya ko at sinasabi ko sa 'yo na wala akong ibang nararamdamn kay LA. Tapos ang usapan, pero kung hindi mo pa rin ako paniniwalaan, wala na akong magagawa!" inis na inis na sabi ni Jeff. Kinuha nito ang kanyang mga gamit at pumasok sa control room ng kanilang kwarto.
Napailing si Rene boy sa naging reaksyon ni Jeff. Alam nitong tinatamaan na si Jeff sa kanyang mga sinasabi kaya ito nag-walk out. "Boss, itanggi mo o hindi, halata sa mga kilos mo na may nararamdam ka kay LA. Sana lang alalahanin mo si Me-ann. At isa pa may Darren si LA. Boss, sinasabi ko 'to kasi kaibigan kita. Alam kong kakainin mo sa huli 'yang mga sinasabi mo tungkol kay LA," sigaw ni Rene boy.
Hindi na kasi to makapagtimpi sa pagde-denay ni Jeff. Bilang kaibigan gusto lang n'yang matauhan si Jeff sa kanyang mga kinikilos. Linawin kung ano nga ba para kay Jeff si LA at ang estado ng relasyon nila ni Me-ann.