Samantala, pagkatapos basahin ni Kiara ang iniwan ni Beang endorsement para ngayong umaga ay chinek nito kaagad kung ano-ano pa ang hindi pa nagagawa ni LA. Nangangamba ito na baka may mali itong nagawa dahil wala ito sa kanyang sarili ayon sa kwento ni Jeff. Ngunit laking gulat nitong for dispinse na ang lahat ng naka-endorse at walang mali. Pulido at maayos na ang lahat.
Bilang kaibgan ay lalong nag-alala si Kiara, nahabag ito kay LA dahil kahit na mabigat ang kanyang dinadala ay ayaw nitong maging abala sa kanilang trabaho. Ginawa pa rin nito ang kanyang ubligasyon kahit na may problema itong dinadala.
Kaya naman sinipat nito si LA sa loob. Nakita n'ya itong tulala at nakaupo sa upuan. Lumuluha mag-isa at mugto ang malalaking mata.
"Kiara," sabi ni Eliz. Nakita n'ya kasi itong nakadungaw sa pinto at humahaba ang leeg sa pagsilip. "Bakit hindi ka na lang pumasok? May bisita ba tayo sa loob?" tanong ni Eliz.
"Ma'am, good morning po," bati ni Kiara sa kanyang ma'am Eliz. Hindi nito namalayang dumating na pala si Eliz dahil nakatuon ang kanyang atensyon sa kanyang kaibigan. "Kasi po, mukhang hindi okay si LA," panimula ni Kiara. "Sabi po ni Jeff kanina raw po may bumili ng paracetamol. Tapos bigla na lang daw umiyak si LA ng hindi nila alam kung bakit. Hanggang ngayon po iyak pa rin s'ya ng iyak habang nakatulala," paliwanag ni Kiara habang pinagmamasdan ang luhaang kaibigan.
Nag-aalala si Eliz ng marinig n'ya ang sinabi Kiara, sinilip n'ya si LA at tama nga ang mga sinabi ni Kiara. Mahigit isang taon na n'yang kasama si LA sa botika at ni minsan ay hindi nito dinadala ang kanyang problema sa trabaho. Ngunit iba ang sitwasyon ni LA ngayon, siguro ay malala ang kanyang dinadalang problema kaya s'ya nagkakaganito. Itinuring ni Eliz sina LA, Kiara at Bea na parang mga anak kaya ganito na lang kanyang pag-aalala sa dalaga.
"Pero ma'am nagawa naman po ni LA ng maayos 'yong mga endorse ni Bea. Okay naman po lahat, 'yon nga lang po ganyan s'ya." Tumingin si Kiara sa direksyon ni LA. "Tulala at matamlay," dagdag nito.
"Wala bang nakwento sa 'yo si LA na problema n'ya o kahit ano?" tanong ni Eliz.
"Wala naman ma'am, pero nag-aalala po ako kay LA, kasi hindi naman po s'ya ganyan. Kilala ko po si LA, slow at nag-buuffering lang s'ya pag may problema. Pero hindi n'ya iiyakan 'yung paracetamol," paliwanag ni Kiara.
"Sa paracetamol talaga? Ay Lorhain, ano bang nangyari sa 'yo," Bumuntong hininga si Eliz. "O sige, kakausapin ko na lang mamaya si LA. Hayaan mo muna s'ya d'yan, baka kaylangan n'yang mapag-isa. Kaya mo namang mag-isa rito? Sabi mo naman okay na ang mga endorment n'yo, bale 'yung mga bibili na lang at additional ang gagawin," sabi ni Eliz.
"Opo ma'am, kayang kaya po ma'am," sagot ni Kiara.
"Pinag-iisipan ko kung i-day off si LA bukas kung ganyan ang kalagayan n'ya hanggang mamayang hapon. Ayaw ko namang pilitin n'ya ang sarili n'yang pumasok kung hindi n'ya kaya," pakiusap ni Eliz kay Kiara.
"Opo ma'am walang problema," sagot naman ni Kiara.
"Sige, pupunta lang ako kay doc sandali, pagbalik ko kakausapin ko na si LA para sa day-off n'ya bukas. Ikaw muna ang bahala rito, kung may dumating na supplier o med. rep., tawagin mo lang ako," bilin ni Eliz.
"Opo ma'am ako po muna ang bahala rito. Susubukan ko rin pong kausapin si LA, para kahit papaano gumaan ang pakiramdam n'ya," sabi ni Kiara kay Eliz.
Sumangayon si Eliz sa sinabi ni Kiara. Lumabas muli ng botika si Eliz, upang kusapin ang isang doktor. Agad namang pinuntahan ni Kiara si LA sa loob, kasalukuyang nagpupunas ng luha si LA at binubuo ang sarili, pinapalakas ang loob at pilit na itinatago ang sakit na nararamdaman. Napapailing din ito, siguro ay naiinis na rin si LA sa makukulit na luha nna patuloy na pumapatak sa kanyang mga pisngi.
"Besty?" tawag nito kay LA, kumatok ito ng tatlong beses at saka tuluyang pumasok.
Napansin naman ito kaagad ni LA, pinilit nitong ngumiti. "Besty," sabi ni LA. "Pasensya ka na pinag-alala ko pa kayo ni ma'am," malungkot nitong sabi. Narinig ni LA ang usapan nina Kiara at Eliz, nakaramdam ito ng hiya dahil sa kanyang kinilos mula kaninang umaga. Ayaw nitong humantong ang lahat sa ganito ngunit hindi n'ya matago ang lungkot na kanyang nararamdaman.
Nahabag naman si Kiara sa itsura ng kanyang kaibigan. Malamlamang mga mata nito at namumula. "Besty, ano ka ba, Kaibigan kita, at saka para na nating nanay si ma'am Eliz. Hindi kami sanay na ganyan ang itsura mo, ang tamlay mo, kaya nag-aalala kami sa 'yo. Ano bang nangyari? Tignan mo nga 'yang sarili mo? Nasaan na 'yung LA na laging maganda?" tanong ni Kiara.
Huminga ng malalim si LA. "Hay, hindi ko alam. Kanina nga, dahil sa paracetamol, umiyak na ako ng umiyak. Hindi ko alam kung anong maroon sa paracetamol kanina at ganoon ang naging reaksyon ko. Nakakahiya sa costumer kanina, hindi ko naman mapigilan umiyak. Ang hirap besty, super," natatawa nitong sabi kay Kiara.
Hindi nakapagsalita si Kiara sa mga narinig galing kay LA.
"Siguro kasi naisip ko buti pa ang paracetamol, pag-ininum mo mawawala na 'yung sakit na mararamdaman mo. Pero bakit ganoon, kahit ilang paracetamol ata ang inumin ko ang sakit-sakit pa rin ng nararamdaman ko. Mabisa daw ang paracetamol, pero bakit sa akin wala atang talab," lumuluhang sabi ni LA habang tinuturo nito ang kanyang dibdib. "Besty, may alam ka bang gamot para mawala 'tong sakit na nararamdaman ko? Mag-mefe kaya ako? O kaya NSAID's tulad ng celecoxib? Besty na b*b* na ako sa gamot dahil sa nararamdaman ko," dagdag pa nito.
Hindi alam ni Kiara kung ano ang pwedeng ipayo sa kaibigan. Sa tagal nilang magkasama mula college ay ngayon lang n'ya nakitang ganito ka wasak si LA. Nagawa pa nitong itanong kung anong mabisang gamot sa sikit na kanyang nararamdaman.
"Besty," ito lang ang kanyang nasabi at hinimas ang likod ng kaibigan.
"Huh!" biglang sabi ni LA sabay sampal sa kanyang sarili. "Kaya ko 'to!" sigaw ni LA.
Nagulat si Kiara sa ginawa ni LA sa kanyang sarili. Tumayo ito pagkatapos ay nilapitan n'ya ang kaibigan at hinawakan ang dalawa nitong balikat. "Okay lang ako, promise, ayos lang ako," sabi nito na may ngiti sa mga labi. Ngiting pilit ngunit pinipilit nitong labanan ang sakit na nadarama.