“Pinaiyak mo ang princess namin Edzel.” bungad agad ni Harold sa kaniya pagkalabas niya ng pinto. “alam mo na ayaw namin ‘yang umiiyak at dahil diyan may parusa kang matatanggap. five hundred push-up and sit-ups mamaya sa training room.” pagkasabi nito ay agad itong umalis. Wala na siyang magagawa at kailangan niyang sundin ang mga sinabi nito. Dahil kung hindi mas mahirap ang ipapagawa ng dalawa sa kaniya. Hindi niya iyon kakayanin, isa pa hindi siya si Elaiza na nag-eenjoy sa mga training na ginagawa. Hindi siya sanay sa labanan pero may natutunan naman siyang depensa kahit papaano. Alam niyang may malaking rason kung bakit ginagawa nila ang mga training. Upang ihanda sila sa palapit na digmaan na magaganap. Hindi niya alam kung kailan, mas mabuti nang handa sila.
Mas maganda nga ang ginagawa nila kesa naman ang kaibigan niya pa ang magpoprotekta sa kaniya sa oras ng laban. Kailangan may alam din sila kahit papaano. Kahit ipagtanggol ang mga sarili sa mga nagtatangka sa buhay nila. Dahil sabi ng papa niya, may kalaban daw sila sa kompaniya at kung kinakailangan daw nito na pumatay gagawin daw nito. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya sa pinagsasabi ng ama niya. Ang palaging bukang bibig lang naman nito kung gaano kaganda ang mama niya. Totoo naman talaga na maganda ang mama niya kahit may edad na ito. Marami daw manliligaw ang mama niya noon sabi ng papa niya at suwerte daw ang papa niya nagustuhan daw ng mama niya. Aba! malay niya ba sa love story ng dalawang higad niyang magulang. Eh… puro landi lang naman ang nakikita niya sa dalawang iyon kapag nasa bahay siya at doon siya natutulog ng isang gabi. Minsan talaga naiisip niya magkakaroon kaya siya ng kapatid sa kalandian ng dalawa? Gusto niya din ng kapatid, kaya lang, matanda na siya, baka mapagkamalan na anak niya ang kapatid niya. Hay nako!
“makababa na nga lang.” aniya lakad pababa ng hagdan. Bakit ang tahimik yata ng bahay? Hindi siya sanay na hindi nagsasalita si Caleb. Ano kayang nangyayari? Nang makarating siya sa may dining area ay nakita niyang umiiyak si Shiro na nakayakap sa best friend niya. Ano naman kayang ginawa ng batang ito?
“Auntie! ayaw ko na po kay daddy.” anito sabay hikbi. Napapailing na lang siya.
“Bakit naman ayaw mo na kay daddy mo?”
“bad po siya eh… inaaway niya si mommy…wah.” anito sabay umiyak ng malakas. Imbis na maawa dito, natatawa na lang siya dahil sa kakulitan nito. Ang kaibigan niya kasi ang sumbunganan nito kapag nag-aaway ang dalawa.
“kasalanan mo talaga ito Harold.” paninisi ni Shane sa asawa.
“anong kasalanan? hoy! tinanong lang kita kung ilan ang nabasag mo ngayong araw?”
“ikaw kasi… tanong-tanong ka pa diyan. Tingnan mo iyang anak mo, umiyak tuloy… kasalanan mo talaga ito.” paninisi nito sa asawa.
Siya naman ay umupo na lang sa harapang parte na katabi ng tita niya. Kaharap si Elaiza na nakayakap ay Shiro. “tama na nga yan kuya Harold, tingnan mo itong si Shiro, umiiyak na tuloy.” anito.
“ito kasing kuya mo Elaiza, nagbibintang na naman na nakabasag ako… wala naman talaga akong nabasag…eh, kung mukha niya kaya basagin ko?” nagpipigil na ng tawa ang nasa paligid niya alam niya iyon. Si Caleb na nasa tabi niya ay napapalingon sa ibang direksiyon. Ang tita Erina naman niya ay napapayuko at tumataas baba ang balikat. Panigurado nagpipigil din iyan.
“wait lang baby ha…” ani ni Elaiza at kinuha ang panyo sa bulsa nito at pinahid sa mata ni Shiro. Itong batang ito, spoiled din ito kay Elaiza eh. Ini-spoiled naman ng huli. Mas magkasundo pa iyang dalawa kesa sa tatay nito. Tumatakas iyan minsan at pumupunta sa kwarto ni Elaiza para lang magsumbong. Chissmoso din! saan kaya nagmana ang batang ito? tumingin si Elaiza sa mag-asawa at tumayo. “hindi talaga kayo titigil!? nasa hapag kainan tayo! respeto naman!” pinagalitan niya ang dalawa.
Lumabas na ang pagiging warrior nito. “kain na lang kasi tayo.” sabat niya baka magalit na naman ang kaibigan niya at may masuntok itong iba. Masakit pa rin ang mukha niya dahil sa suntok ni Elaiza. Grabe talaga itong babaeng ito. Sadista talaga! kahit kailan talaga! kaya ayaw niyang ginagalit ang huli dahil kapag nagalit ito pisikalan talaga ang magaganap na away. Ayaw niya rin labanan ang huli dahil kapag ginawa naman niya wala din naman siyang magagawa. Wala siyang kaya sa pagiging sadista nito. Sa tuwing nag-iisparing nga sila eh, kasama si Caleb. Sila palagi ang talo kahit nagseseryoso na silang dalawa. Hindi pa rin nila matatalo ang dalaga dahil nga sadista ito. Mabuti nga lang ay bogbog lang natatamo nila sa katawan hindi sugat. Hindi sila pwedeng mabalian ng buto kahit alam ni Elaiza kung paano gawin iyon at alam din niya na nagpipigil lang din ang kaibigan niya.
Mabuti na lang talaga at hindi niya sinama ang kaibigan niya kagabi dahil hindi naman ito masiyadong umiinom. Magmamasid lang ito sa paligid at panigurado, wala itong pakialam sa kaniya. Kapag uminom naman ito, madali lang itong malasing kaya huwag na lang. Teka nga muna, nakauwi kaya ng maayos iyong si miss Secret? Lasing na lasing siya kagabi kaya wala siyang maalala pagkatapos. Kumusta na kaya iyon? cute din ang babaeng iyon kaya lang, iba pa rin ang nararamdaman niya kay Elaiza. Totoong nagagandahan siya sa babaeng iyon, pero, hindi naman pwede na magmamahal siya ng dalawa. Mahal niya si Elaiza kaya lang, may mahal itong iba.
Tahimik na ang ang buong hapag-kainan dahil sa sinabi ni Elaiza kaya siya naman ay kumain na din. Sinusubuan ni Elaiza si Shiro at mukhang nagugustuhan iyon ng huli. Sana siya na lang ang sinusubuan ni Elaiza. Kainggit din itong batang ito eh. Alam niya hindi lang siya ang naiinggit pati na rin itong katabi niyang si Caleb. “Tsk. Mainggit tayo pareho.” aniya kay Caleb na nakatingin kay Elaiza.
“Tumahimik ka.” anito sa kaniya na may nanggagalaiting mga mata. Napatikom agad ang bibig niya.
“naririnig ko kayong dalawa diyan! kumain na kayo baka hindi ako makapagtimpi ay baka lumipad itong kutsilyo sa kaharapan niyong dalawa.”
“ikaw kasi!” paninisi niya rito na may dilat ang mata. Tinikom na lang niya ang bibig niya at nagpatuloy sa pagkain. Si Caleb ay ganoon din ang ginawa nito. Takot din ito kay Elaiza eh, kapag sinabi talaga ng huli ay gagawin talaga nito. Magugulantang ka na lang may lumilipad na mga gamit.
Pumasok siya sa loob ng training room kung saan nag-eensayo silang tatlo ni Caleb. Hindi niya akalain na susunod pa lang ang dalawa sa kaniya pati na ang kambal at mukhang hindi lang siya ang mag-eensayo kundi pati sila Elaiza at Caleb. “teka nga muna Caleb…” napalingon sa kaniya si Caleb na nakakunot noo. “nasaan na ang babaeng kasama mo? Hindi mo man lang hinatid sa kanila?”
“pinahatid ko na sa driver ni daddy dahil alam kong kapag nagtagal ang babaeng iyon dito, baka tapunan ako ni prinsesa ng mga gamit.” anito sa kaniya at lumingon kay Elaiza at nakita niyang kinindatan nito ang kaibigan niya kaya naman kinuha niya ang bola ng soccer at agad na sinipa ito papunta kay Caleb. Natamaan sa ulo ang huli kaya nawalan ito ng balanse kaya natawa silang lahat except kay Caleb na nakahawak sa ulo nito.
“mukhang may mag-aaway ngayon!” sigaw ni Harold na nakangisi sa kaniya. Lumapit si Elaiza sa kambal at nakipagyakapan kay Harold. “patingin nga ng mukha ng princess namin.” anito kay Elaiza at tiningnan ang mukha ng kaibigan niya. “ganda talaga ng pinsan ko.” puri nito.
“hindi ako maganda kuya. Si ate Shane po ang maganda.”
“sus! kaya pala baliw na baliw ang dalawa.” anito sa pinsan nito.
“sinong baliw po kuya?”
“Wala… manood na lang tayong mag-sparring sina Edzel at Caleb.”
“okay po.” ani naman ng kaibigan niya at agad na pumagitna sa dalawa. Umakbay si Harry sa balikat ni Elaiza at hinawakan naman ng huli ang baywang ng pinsan nito. Ang sweet naman tingnan. Kung hindi niya lang kilala ang dalawa bilang pinsan ng kaibigan niya aakalain niya talagang magkasintahan ang mga ito. Protective lang talaga ang dalawang iyan sa prinsesa nila. Hindi pala dalawa kundi ang apat na lalaki ng Hanazono huwag lang isali ang matandang Hanazono dahil mas malala pa iyon sa pagiging protective sa dalaga kesa sa apat na lalaki. “Sige na pumunta na kayong sparring area.” ani naman ni Harold na mukhang hindi na makakapaghintay. “after ng sparring mo diyan Edzel ay mag-push up at sit-ups ka, baka akala mo nakakalimutan ko.”
Hindi naman niya nakakalimutan ang kaniyang parusa. Alam niya na kapag hindi siya sumunod baka isabit siya ng patiwarik at agad tapunan ng mga matutulis na bagay. Nako! hindi lang buhay niya ang nakataya kundi hinaharap niya. Baka hindi siya magka-anak kapag natamaan ang mahiwaga niyang espada sa mga matutulis na bagay na tinapon ng mga ito. May pagkasadista pa naman ang mga ito katulad ng kaibigan niya. Mga Hanazono talaga, Sadista!
“Kuya? Bakit po magpu-pushup si best?”
“parusa niya iyon dahil pinaiyak ka niya.”
“iyon lang po?” sabay kunot-noong nakatingin kay Harold at kinakagat ang pang-ibabang labi.
“Aba! hoy Elaiza! sobra na nga iyong five hundred pushup at sit-ups eh.” angal niya dito, mukhang yatang huling buhay na niya ngayong araw. Masakit pa ang ulo niya dahil sa hangover kagabi at ito siya pinaparusahan ng mga Hanazonong sadista. Wala talaga siyang laban sa pamilyang ito. “hindi ka ba naaawa sa akin?”
“ikaw? kakaawaan ko? neknek mo pre. Matapos mong sabihin iyon kay Caleb may gana pa akong maawa sa’yo? pwes wala sa mga oras na ito. “ anito na may mga galit sa mga mata na nakatingin sa kaniya. Napalunok siya sa mga nakikita niya sa mga mata ni Elaiza. Hindi kaibigan niya ang nakikita niya ngayon kundi ang ibang Elaiza kapag nagagalot ito. Ang Elaizang hindi takot makasakit ng tao at makasakit dahil sa sobrang galit.
“cuz… stop it!” sabay yakap ni Harry sa kaniya. Hindi niya alam kung kailan nagsimula ang lahat ng galit na nasa puso niya. Hindi niya mapigilan at mahirap pigilan. Bigla na lang ang nakikita niya pula at nanginginig siya sa sobrang galit. Hindi niya alam kung galit ba siya sa kaibigan o di kaya ay may iba pang rason kung bakit nagagalit siya ngayon. Hindi niya matukoy ang pinagmulan ng mga galit na namumuo sa dibdib niya. Hindi niya dapat pinapairal ang galit dahil hindi ito nakakabuti sa kaniya. Nagbibigay lang ito ng sakit sa puso, ulo at katawan niya. Alam niyang kailangan niyang magpigil. Kailangan niyang pigilan ang mga galit na lumabas.
“sorry best.” ani ni Edzel sa kaniya habang papalapit ito at niyakap siya ng mahigpit. “gagawin ko na ang nais mong maging parusa sa akin dahil pinaiyak kita kanina. Patawad. Hindi ko na uulitin pang muli, huwag ka lang magalit sa akin. Hindi ko kayang nakikita kitang dumidilim ang mga tingin mo sa akin.”
Huminga siya ng malalim upang pakalmahin ang sarili. “hindi ko na dadagdagan ang parusa mo. Mabait kaya ako.”
“oo… kapag tulog nga lang.” anito sa mahinang boses. Dahil nakayakap si Edzel sa kaniya kaya malinaw pa sa malabong mata ng pinsan niya ang pandinig niya.
“gano’n pala hah… Kapag tulog lang pala ako mabait.” sabay suntok sa tiyan ng kaibigan nito kaya napalayo ito ng konti sa kaniya. “anong sabi mo? kapag tulog lang!” sigaw niya sabay sinipa ang mukha nito.
“ouch! masakit iyon!” sigaw nito sa kaniya.
“gusto mo yata ng away eh! bait-baitan ka lang pala eh!” tumalon siya at sinipa ang tiyan nito kaya natumba ang kaibigan niya.
“pustahan tayo! pustahan!” sigaw ni Caleb. “kay Edzel ang manok ko at talo siya! pupusta akong talo si Edzel!”
tumawa mga pinsan niya dahil sa sinabi ni Caleb. “sige!”sang-ayon naman ni Harold. “kay Edzel din ako pupusta at sigurado akong matatalo din siya.”
“hoy! anong pinagsasabi niyo diyan? hindi ako talunan!” ani naman ni Edzel na paatras na papunta sa ring kaya siya nakasunod lang dito.
“ang daya niyo naman… Sali ako!” sigaw nang kung sino sa loob ng ring. Napalingon siya at nakita niya ang pinsan niyang si Hanrich na nanonood din pala sa kanila ng palihim.
“mga wala talaga kayong kwenta! imbis na pigilan niyo ang babaeng ito sa pagiging sadista, mukhang nag-eenjoy pa kayo sa nangyayari at pinagpustahan niyo pa talaga?” napalingon ito kay Caleb. “ikaw pa may gana unang magsabi ng pustahan… eh, kuripot ka naman. Kapal ng mukha mo!” ani ni Edzel kaya nagtawanan ang nasa loob ng training room at pati siya ay natatawa na din. Kumalma na din siya sa wakas at umupo na lang sa sahig ng training room nila.