Habang naghihintay sa paglabas ni Elaiza. Biglang na lang kinabahan si Edzel at naging matalas ang pakiramdam. Nararamdaman niyang may nakamasid sa kaniya mula sa malayo. Tumingin siya sa paligid pero wala naman siyang nakitang may kahinahinalang mga tao. Matagal kasing natapos ang klase ni Elaiza kaya siya ang napag-utusan ng kambal na sumundo sa kaibigan. Tutal naman ay nadadaanan niya rin ang paaralan ng kaibigan kaya hindi na rin siya tumanggi pa. Busy yata ang dalawa dahil nagkaproblema raw ang mga iyon sa isang buyer na Chinese. Wala naman siya pakialam sa negosiyo ng dalawang mukha na iyon. May negosiyo rin naman siyang pinoproblema. Lalo pa ngayon na ang mga magulang niya ay nasa Pilipinas na naman at nag-honeymoon daw sa Palawan.
• Malamang hindi magha-honeymoon ang dalawang malandi, kinasal na naman ang dalawa. Nagtataka tuloy siya sa ama niya, ganoon ba ito ka patay na patay sa ina niya at pakasalan ng paulit-ulit. Hindi ba ito makontento sa isang kasalan lang? Kapag nasa bahay nga ang dalawa halos hindi na mapaghiwalay, minsan tuloy hindi na siya pinapansin ng ama kapag katabi ang ina niya. Palaging yakap nito, kung saan ang mama niya nandoon din ang ama kasama. Hindi na siya magtataka pa kung masundan man siya ng ilang kapatid. Baka sa kalandian eh, magkaanak ng triplets ang mama niya. Nako! siguraduhin lang ng mga malanding iyon hindi nila siya idadamay sa pagbabantay sa mga kapatid niya. Mahilig naman siya sa mga bata kaya lang, nakukulitan siya kapag nagtagal, lalo na kapag makulit at matigas ulo ng mga ito. Sumusuko nga siya sa kakulitan ni Shiro eh.
• Sa lalim ng pag-iisip niya hindi niya namalayan na nakalapit na si Elaiza sa kaniya at may kasama itong kaklase nito. “konnichiwa.” bati nito sa kaniya.
• “Konnichiwa.” nilahad niya ang kamay niya at agad na ngumiti dito. Nakita niyang medyo namula ang mga pisngi nito. Halata na isa itong pinay kaya hindi niya kailangan pang mag-nihonggo kung gano’n.
• “konnichiwa! konnichiwa pa kayo diyang dalawa! nakakaintindi naman kayo ng tagalog. Pambihira naman kayo… Hindi porke’t nasa Japan tayo kailangan mag- nihonggo rin, pareho naman kayong taga Pilipinas. Magtagalog nga kayong dalawa… pag-umpugin ko kayo diyan eh.” reklamo ni Elaiza sa kanilang dalawa. Kaya nagtawanan sila. Binaba niya ang kamay niya dahil hindi pa rin tinatanggap ang pakikipagkamay niya. Nang titigan niya ang dalaga parang pamilyar ang mukha nito. Hindi niya lang maalala kung saan niya ito nakita. “nagtatawanan na kayo pero, hindi niyo pa kilala ang bawat isa.”
• “oo nga no? nakalimutan ko rin magpakilala sa’yo. Ako nga pala si Wěn.” pagpapakilala nito sa kaniya.
• “ako nga rin si Edzel. Taga saan ka sa Pilipinas?”
• “hoy! ano ka imbestigador? Isa pa ang hirap naman ng pangalan mo bigkasin.” reklamo ni Elaiza dito. Napailing-iling si Wěn sa kaibigan niya. Kahit nga siya nahihirapan ding bigkasin ang pangalan ng dalaga. Hindi niya alam kung tagalog or English ba iyong pangalan ng kaharap niya. Ngayon niya pa lang kasi narinig ang ganoon na pangalan. “sino nagbigay ng pangalan mo?”
• “magulang niya malamang.” sabat ni Elaiza. “pagpasensiyahan mo na itong kaibigan ko ha, naging imbestegador lang bigla.”
• “ayos lang.” sabay ngiti nito. Kumunot na naman ang noo niya dahil sa isang ngiti nito. Napalingon ang babae sa kaniya. “bakit?” umiling siya at ngumiti.
• “wala naman.” simple lang pero maganda siya. Napalingon siya sa kaibigan niya at inakbayan ito. “tara na… baka hinihintay kana ng kambal.” aniya.
• Napalingon ang kaibigan niya sa kaniya at tumango. “sabay kana sa’min?” yaya nito sa kaklase nito.
• “pasensiya na, may sasakyan din kasi akong dala eh.” anito.
• “ay, sayang naman… gusto ko pa naman sana na imbitahan ka sa bahay.” ani ng kaibigan na nakanguso pa. tsk…sarap halikan ng labi.
• “sa susunod na lang, salamat.” anito at nagpaalam na din sa kanila. Tinanaw na lang nila ito na pabalik sa loob ng paaralan. May isang lalaking lumapit dito at agad na kinuha ang dalang gamit ng dalaga. Pinagkibit-balikat niya na lang ito pero, tumingin ang lalaki sa kanila at tiningnan sila ni Elaiza. Kinutuban siya, sino ang lalaking iyon? Kumaway si Wěn sa kanila at ganoon na din ang ginawa nila ni Elaiza. Nang makapasok na ito ng sasakyan nito ay giniya na din niya ang kaibigan papasok ng sasakyan para makauwi na rin sila.
• Habang nagmamaneho si Edzel hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang mga nakita niya. Sino ang lalaking iyon? Iba ang nararamdaman niya sa lalaking iyon. Magkaano-ano naman kaya ang dalawang iyon?
• “best!” tawag ni Elaiza kay Edzel na nagmamaneho ng seryoso at may kunot na noo pero, hindi ito nakikinig sa kaniya. Anong problema nito? “hoy!” sigaw niya dito at saka lang ito lumingon sa kaniya.
• “bakit?”
• “may problema ba?” umiling ito. “kaibigan mo ako best kaya nga alam kong may problema ka o di kaya may malalim kang iniisip.”
• “May naramdaman kasi ako kanina na nakamasid sa akin.”
• “mayroon din sa akin.” anito. Nanlaki ang mata ng kaibigan niya dahil sa sinabi niya pero siya kalmado lang naman. Naramdaman niya sa simula pa lang ng klase niya kanina. Hindi niya alam kung sino ang nakamasid sa kaniya ng palihim.
• “sasabihin ba natin sa kanila?” umiling siya. “bakit?”
• “sa ngayon kailangan lang muna natin na magmasid at maging alerto sa bawat oras. Hindi natin alam kung kailan aatake ang kalaban. Maging matalas ang pakiramdam para hindi maunahan ng kalaban.” aniya sa kaibigan na nakatingin sa daan.
“sige, susundin ko ang mga sinasabi mo.” aniya. Ito ba ang dahilan kung bakit kailangan naming mag-training? Kailangan naming talasan ang bawat pakiramdam namin upang malaman kaagad ang mga panganib na darating. “teka nga muna, iyong Wěn mong kaklase kanina…” napatingin siya sa rear view mirror.
“alam ko may sumusunod sa atin. Diretso ka lang at huwag pahalata na alam na natin na sinusundan nila tayo… huwag mong pansinin, nag-sent na ako ng code kay kuya at nakakonekta ang mga gadget natin sa laptop niya. Ilang minuto na lang ay darating ang mga tauhan natin. Diretso sa opisina at may kukunin lang ako doon.” utos nito sa kaniya. Sinunod niya ang mga sinabi nito. Kailangan niyang sundin ang sinabi nito dahil kung hindi, baka mabalian siya ng buto kundi mapapahamak silang dalawa. Ayaw niyang mangyari iyon at bata pa sila, marami pang taon ang dapat imalagi nila sa mundo. Gusto niya pang mag-asawa at ang gusto niyang maging asawa ay ang katabi niya ngayon pero dahil sa torpe siya hanggang tingin na lang siya at aasang mahuhulog ang kaibigan niya sa kaniya. Sa manhid din ng kaibigan hindi na siya magtataka na hanggang tingin lang siya. Kahit anong pang pahiwatig ang gawin niya kung manhid din naman ang kaibigan niya mababaliwala lang din ang lahat.
Nagmamaneho siya papuntang opisina at nakatingin din siya sa rearview mirror. “Sa daan ang tingin… ako ang bahala magsabi sa’yo kung may pagbabagong nagaganap sa mga sumusunod sa atin. Relax… kasama mo ako best, walang mangyayaring masama sa’yo.”
“anong magre-relax pinagsasabi mo diyan? paano ako makakapag-relax kung iyong buhay ko na ang nasa panganib?”
“tsk. huwag ka ngang praning diyan. Napapraning ka yata eh… just relax, okay? don’t worry, hindi tayo gagalawin ng mga iyan hanggang nasa highway tayo, dahil agad-agad na magkakaroon ng signal ang mga otoridad dito kung may pagbabago sa takbo ng kanilang sasakyan. Kung bumilis ang takbo o bigla na lang lumiko.”
Alam niya iyon, alam niyang bawal ang high speed lalo pa’t nasa matatao silang lugar. Wala sila sa racing area na pwedeng magmaneho ng mabilis. Ilang saglit lang ay nakaabot agad sila sa TanaZono building. Agad niyang pinarada ang sasakyan sa daan at bumaba si Elaiza sa sasakyan, tumakbo papasok sa loob ng building. Siya naman ay nakasunod lang din sa kaibigan. “wala na bang naiwan na tao sa loob ng building?” tanong ng kaibigan niya sa guard na nasa labas nagbabantay.
“pinaalis na po nila sir Hanazono ma’am Elaiza. Safe na po ang building.”
“okay good… alam mo na ba ang gagawin mo?” tanong niya rito.
“yes sir… sinabihan na po ako ni sir Hanazono.” sagot agad nito sa kaniya. Tumango lang siya rito at sumunod kay Elaiza na pumasok na sa elevator.
“ano na ang gagawin natin best?”
“lalabanan natin sila.” pinindot nito ang palapag kung saan nasaan ang opisina nito. Napatingin siya sa mukha ng kaibigan at nakangisi ang huli. Napailing siya, ayaw niyang pumatay ito hangga’t maaari. “but don’t worry I wont kill them… just a mild injury.”
“himala, marunong kang magpigil.” aniya.
“konti.” sabay tawa na malademonyo. Napailing na lang siya.
“may konti bang ganiyan tumawa? Sadista ka best… sadista! kaya huwag mo ng ipamukha sa akin na nagpipigil ka diyan. Mukha mo pigil!”
“ito naman, sarap ng imagination ko eh, binasag mo. Doon na ako sa parte na pinupugutan ko sila ng ulo matapos ko putulin ang mga daliri nila sa kamay at paa.” nanlaki ang mata niya sa narinig. Kaibigan niya nga ito, ganito din nangyari dati sa kanila eh. Hay nako! kapag hindi nito ginawa ang mga naiisip nito para itong baliw. Siya na naman ang pag-iinitan ng kaibigan.
“ikaw ang sama talaga ng ugali mo. Lumpuhin mo na lang kaya sila?” suggestion niya baka sakaling umubra at hindi na matuloy ang mga binabalak nito.
“tsk… panira ka naman ng moment.” inisnaban pa siya ng huli. Nang bumukas ang elevator ay agad itong lumabas. “diyan ka na nga. Kainis.” saan ba ang mga pinsan nito at sila nga ang magpaintindi sa kaibigan niyang sadista. Tsk. naalala niyang mga sadista din pala ang mga pinsan nito. Wala siyang mapili sa dalawang parehong mukha na iyon dahil pareho ang mga nilalaman ng utak.
“hoy! hintayin mo ako!” sigaw niya habang hinahabol ang kaibigan.
Sa hindi kalayuan ay may isang babae at lalaking nakamasid sa isang building. Napakatayog ng building na ito. “bakit ka sumama sa akin?” tanong niya sa babae.
“tsk. Hindi naman ako magiging pabigat sa’yo eh.”
“anong hindi? pabigat ka nga sa akin e.” sinamaan siya nito ng tingin.
“ah… pabigat pala ako hah! sige diyan ka na nga! magre- resign na ako sa trabaho ko bilang secretary mo. Wala talaga makatagal sa ugali mong hindi makain ng aso kahit kailan!” sigaw niya sa boss niyang intsek.
“okay… mas maganda nga iyon para hindi ko na poproblemahin ang pagkain mo… maarte ka pa naman.” anito sa kaniya. Umakyat yata lahat ng dugo niya sa ulo at nagdidilim na tumingin sa boss niya. “hoy! bakit ganiyan ka makatingin sa akin? parang kakain ka ng tao ah.”
Nagngingitngit na talaga siya sa galit kaya lang huminga siya ng malalim at pinakalma ang sarili. “pasalamat ka talaga marunong pa akong maawa sa’yo kundi baka binaril na kita diyan.”
“anong akala mo sa’kin? matatakot sa lahat ng banta mo? hmm… you want to kill me? try me.” sabay ngisi nito. “ I will going to kill your child first.”
“walanghiya ka talaga! idadamay mo pa anak ko!” sigaw niya.
“ano? or gusto mo tawagan ko ang ama ng anak mo? Pagkatapos sabihin ko sa kaniya na itago or babawiin niya ang anak niya sa’yo. Hmmm… sa paanong paraan kaya? Tutal parating na sila ngayon sa building na iyan. Isang tawag ko lang agad-agad niyang sasagotin iyon.”
“demonyo ka talaga! naiinis ako sa’yo!”
“ang OA mo… sarap mong itapon sa Bermuda triangle.” sabay kasa nito ng baril. “sana talaga hindi ka na lang sumama dito. Pabigat ka sa mga mata ko.”
“talukap ba ako ng mga mata mo? kapag nandito ba ako ay pumipikit iyang mga peke mong mata?” anito.
“sana talaga pinabayaan na lang kita sa kalyeng mamatay. Kainis ka talaga pilosopo ka pa.”
“tsk. malamang! bobo mo magsalita eh.” aniya. Sarap talagang hambalusin ang ulo ng lalaking kasama niya. Hindi naman siya mabubuntis kundi dahil ditto eh. Ilang taon na ba ang lumipas magmula ng mangyari ang bagay na iyon? tsk. Tutal ginusto rin naman niya ang nangyari. Wala eh, patay na patay siya sa lalaking iyon, may magagawa ba siya para pigilan ang tawag ng damdamin? Tawag ng laman baka pwede pa. Biglang pumitik sa ilalim ng kaniyang utak. Oo nga naman, aminado na siyang higad siya. At least, hindi naman siya basta-bastang higad lang, maganda, edukada at pwedeng pangrampa ang beauty niya.