CHAPTER 7

2342 Words
“Andiyan na sila.” aniya sabay tingin sa sasakyang paparating na. “alam ko, hindi naman ako bulag ng kagaya mo.” “ikaw blind.” “mas blind ka, hindi ka nga mahal ng lalaking gusto mo di’ba? Baka nga hindi ka kilala no’n?” anito na may ngisi sa labi. “paano naman ako makikilala ng lalaking iyon? wala eh, sa madilim namin ginawa si Black. Kaya nga Black name niya.” sagot naman niya dito. “oo, black name niya kakambal niya White.” “manahimik ka! hindi ka gwapo.” sabay isnab niya dito na may nanggagalaiting mga tingin. “bakit? ikaw ba maganda?” anito at tinawanan siya. “wala na, nag-umpisa na naman kayong dalawa.” ani nang kakarating na si Hanrich. Biglang tumahimik ang boss niya. “isa ka pa, Hindi mo man lang pinigilan kapatid mo na pangalanan ang anak niyang Shiro? seryoso? Shiro talaga?” ani naman ng boss niya. “bakit niyo ba ako sinasali sa kahibangan niyong dalawa? wala akong alam, isa pa, tama naman na Shiro dapat ang ipangalan sa anak nila eh. Harold plus Shane.” pagtatanggol nito. “ewan ko sa inyong dalawa. Ako nga hindi nag-isip ng name eh.” sabat niya. “hindi daw siya nag-isip pero may pangalan anak niya.” bwelta naman ng boss niyang may sayad yata. “Ikaw nga may pangalan ‘tapos ang pangit pa ng name mo.” “wow! hiyang –hiya naman ako sa pangalan mo.” “magsitahimik kayong dalawa! barilin ko kayong dalawa diyan!” sigaw ni Hanrich sa kanila. Tumigil na sila sa sagotan nila dahil may mga kalaban na rin naman na dumating sa di-kalayuan. “it’s party time!” sigaw niya sabay kasa ng dalawang beses sa baril na hawak niya. “mag-ingat kayong dalawa.” sinuot niya ang kaniyang black mask na mata lang ang makikita. “ikaw ang mag-ingat! remember may anak ka ng uuwian!” sigaw ni Hanrich sa kaniya. Huminga siya ng malalim at agad na tumakbo palayo sa dalawa. Showtime! nakapasok na ang guard pagkapasok nang mga lalaking hindi niya kilala at alam na niyang marami ang kalaban kaya agad niyang pinaputukan ng baril ang mga hindi miyembro ng Hanazono. Kilala niya ang mga halos member ng Hanazono dahil nagtatrabaho ang mga ito under ng boss niya kung saan ay kasapi rin siya. Gumamit siya ng silencer para hindi maging alerto ang mga kalabang sumusunod sa dalawang batang may-ari ng TanaZono group. Alam niyang marunong makipaglaban ang dalawa kaya lang kailangan niyang siguraduhin na ligtas ang dalawang iyon. Hindi siya papayag na may mangyaring masama sa dalawa kung saan kasama siya sa mission para protektahan ang mga ito. Palihim niyang sinusundan niya ang dalawang lalaking papasok ng elevator at bago niya pa makalabit ang gatilyo niya ay pinaputukan na siya ng mga ito kaya lang maliksi siyang kumilos kaya agad niyang nailagan ang mga bala na paparating sa kaniya. Dumapa siya at pinaputukan ang mga ulo nito. Hindi lang siya sa pagiging secretary magaling kundi sa putukan ay asintado din siya. Nang may isang lalaking lumabas ng elevator ay pinaputukan niya rin ito sa may bandang kiliran at agad itong natumba. Ang weak naman. Babarilin na sana niya ito sa ulo nang may naunang bumaril sa kamay nitong may hawak na baril. Napalingon siya kung sinong bumaril ay nakita niya si Elaiza na may ngisi sa labi. Dahil nagpatay-sindi lang ang ilaw sa banda nila ay kitang-kita niya na mukhang nasasayahan ito sa nangyayari. Napailing-iling na lang siya. “BEST! may nabaril pa ako rito!” sigaw ni Elaiza. “Sabi mo di’ba lumpuhin ko lang sila. Sinunod ko sinabi mo.” anito at tumawa ng malakas. “Ilan na nabaril mo?” “hmm.. kasama ba doon sa taas kanina? Hmmm… mga bente na yata.” mas lalong nanlaki mata niya sa narinig. “sa’yo?” “nasa kinse lang yata.” “so, naubos na ba natin lahat?” “hindi yata eh, look oh…” sabay turo sa area niya. “some dead bodies over there… pinatay mo yata eh. I told you not to kill people.” “hindi naman ako ang pumatay no’n eh.” agad siyang nagtago baka bigla siyang ituro ni Elaiza. “then who?” “ayon oh! human over there. She’s hiding.” nanlaki ang mga mata niya dahil sa narinig. “wala akong makita.” Nang may narinig siyang mga yabag ng sapatos ay agad siyang tumakbo papunta sa exit stairs para doon dumaan paakyat sa sunod na palapag ng building. Kung nilinis nila Elaiza ang lugar ibig sabihin hindi na sila kailangan dito? pero kailangan niya pa ring makasiguro na wala ngang kalaban ang naghahabol sa dalawa. Kung kinse ang napuruhan ni Edzel at bente na kay Elaiza. Ganoon ba karami ang kalaban na gustong patayin ang dalawang iyon? Mga bata pa lang naman ang dalawang iyon ah? ay, naalala niyang bata pa rin pala siya. Batang ina. Agad nag-vibrate ang handy phone niya at sinagot niya ito habang nakatutok ang baril na hawak niya sa paligid. Alerto rin siya, dahil mahirap na kapag may kalaban na maunahan siya baka maging ulila ang anak niya. She knows well na dapat tumigil siya sa mga ginagawa niya at mag-focus na lang sa pag-aalaga sa anak niya. Hindi naman pwede iyon, dahil bago pa dumating ang anak niya sa buhay niya ay may mission na siya. Palagi siyang sinasabihan ng dalawa na tumigil na pero matigas pa rin ang ulo niya. Sinasabi niyang mahal niya ang ginagawa niya. Darating din naman ang araw na titigil na siya sa mga lahat ng ginagawa niya eh. Sa ngayon kasi kailangan niyang protektahan ang prinsesa ng mga Hanazono. Makulit daw ang mga prinsensa ng Hanazono pero sa tingin niya hindi naman. “bakit?” sagot niya sa handy phone niya. “umalis ka na diyan, nalinis na lahat ng mga Hanazono ang buong lugar.” napaisnab na lang siya ere. Wala eh, utos ng boss niya kailangan sundin. Kaya bumaba na siya pero alerto pa rin. Mas mabuti ng maging alerto kesa maunahan ng mga kalaban nila. Hindi niya alam kung gaano kahalang ang kaluluwa ng mga kalaban ng mga Hanazono. “uwi ka na… hinihintay ka ni Black sa bahay.” “Hay…” sabay hingang malalim at baba sa handy phone. Nang makalabas siya ng building ay may isang yabag siyang narinig mula sa likuran niya. Kinakabahan siya, hindi maaaring siya itong nasa likuran niya. “long time no see…” gusto niyang lumingon pero hindi niya magawa. Ayaw niyang makita ang lalaking ito. Boses pa lang ng lalaki kinikilig na siya. “Akalain mo nga naman na dito pa kita makikita. Kilala ko ang galaw mo.” anito sa kaniya. Hahakbang sana siya kaya lang hindi niya magawa. Iba talaga ang epekto ng lalaking ito sa katawan niya. Kaya nitong pasunurin ang katawan niya kahit wala naman itong ginagawa. Siya lang naman kasi ang baliw na baliw dito pero sisiguraduhin niyang makakalimutan niya ito. “let’s go!” sigaw ng boss niya. “mauna na kayo… may aasikasuhin lang ako.” sagot nito “alis na ako sir.” aniya at pilit na humakbang palayo kahit nahihirapan siya dahil nanginginig ang kaniyang katawan at nag-iinit ang mga pisngi niya. “sandali!” sigaw nito. Ayaw niyang makita ito ng harapan sa ngayon. Siya ang naghabol dito at tama na si Black sa kaniya. Masaya na siya sa anak niya at kung kailangan man niya ng asawa sa future hindi niya kailangan ng isang lalaking may magulong buhay. Magulo na nga ang buhay niya dahil nasa bingit palagi ang buhay niya. Hindi niya alam kung mabibigyan niya ba ng magandang buhay ang anak niya kahit nga siguro na payapang buhay ay hindi niya maibigay dito eh. Hanggang kailan siya magtatago sa ama nito? Ngayon pa na alam na ng ama ng anak niya ang mga galaw niya. Tumakbo siya palayo dito dahil ayaw niyang malaman nito na may anak sila. Ayaw niyang mangyari ang mga kinakatakutan niya na mapalayo sa anak niya. Hindi siya papayag na mangyari na ilalayo ng mga ito ang anak niya. Magkamatayan man! ipaglalaban niya ang anak niya dahil siya ang ina. Dugo’t laman niya ang nananalaytay dito. “ang tagal mo!” sigaw ng boss niya. “kasi naman, si-“ “huwag ka ng magdahilan diyan! nagtanong lamang ako. Hindi mo naman obligado na sagotin ang tanong ko eh… kaya lang, kanina pa tumatawag ang yaya niya hinahanap ka na yata.” napatingin siya sa relong nasa pulsuhan niya. Nakalimutan niya ang oras. “let’s go. We need to go home now!” tumango siya at sumakay na sa sasakyan ng boss niya. napatingin siya sa labas at may kausap pa ang boss niya kaya naghintay na lang siya. Ilang minuto lang ang lumipas ay pumasok na din ang boss niya at minaneho na nito ang sasakyan pauwi. “anong gusto mong pasalubong?” tanong ng boss niya. Napatingin siya dito, siya ba ang tinatanong nito? “ako?” “what? Nope baby… later. Dadaan ako diyan later.” anito. Maling akala pala… akala niya siya ang kinakausap nito. Hindi pala, ang anak ng mga Hanazono. “hindi pwede? bakit naman? Nandiyan si tita mo? okay… padala ko na lang kay daddy mo. Ingat palagi…bye.” Narinig niyang huminga ito ng malalim. “iyong batang na ‘yon talaga! puro pagkain ang nasa isip eh. Tinawagan lang siya para magpabili ng pagkain at hindi daw ako makakapunta doon dahil nandoon daw ang tita nito. Ewan ko ba sa batang iyon. Saan kaya nagmana iyon? “saan pa? alangan naman sa’yo di’ba?” pilosopo niya sa sinabi nito. “Hirap din no, kung sa iyo nagmana iyong batang iyon.” “manahimik ka! sesantihin kita diyan eh! nga pala, need mong umuwi ng Pilipinas bukas at doon kana mag-aral ulit or gusto mong sa Yamamoto group?” napangiti siya sa mga naiisip. Hmmm… “pwede… anong gusto mong gawin ko?” “mag-apply ka bilang secretary ng kompaniya nila. Kailangan daw ng CEO nila ng bagong secretary ngayon.” “okay…” sang-ayon niya. “how about my resume? dapat ba single ang ilagay ko?” “malamang! May nakalagay ba na single mom do’n? single, married and widow lang alam ko sa bio eh. May iba pa ba?” ito talaga gusto niya sa amo niya eh, sumasabay sa kamalditahan niya. “tsk. manahimik ka nga… ano ang ilalagay kong name?” “Iyong English name mo. Malamang… anong gusto mo? Iyong bisaya name mo? Ang pangit no’n.” “tsk. ikaw nga kalabaw pangalan mo eh.” Ito na naman sila sa mga bangayan nilang dalawa. “hayop ka pala , hindi ka tao.” sabay tawa niya ng malakas. Nang biglang hininto ng amo niya ang sasakyan kaya nabangga sa pinto ang ulo niya. “aray!” sigaw niya sabay kasa ng baril at tutok dito. “gusto mo patayin na lang kita? sumasakit talaga ang ulo ko sayong pikon ka.” “kasalanan ko ba?” anito at nagmaneho ulit. “may biglang huminto sa unahan eh.” depensa nito. “huminto sa unahan. Sabihin mo pikon ka lang talaga.” “ako talaga? baka ikaw.” sasagot sana siya kaya lang may tumawag sa phone ng boss niya. “sagotin mo tapos ilagay mo sa loudspeaker.” ginawa niya ang pinag-uutos nito. “hello!” sagot niya. “who’s this?” tanong niya. Wala kasing nakalagay na name. “you.” “what?” “it’s you… I finally found you.” kumunot noo niya at napatingin sa boss niya na may pagtataka ang mukha. Nagkibit-balikat lang ito. “hah? are you out of your mind?” “nope.” “ah… buang ka ba?” tumawa ang boss niya kaya napatawa na din siya ng malakas. “what is buang?” “ikaw na nga sumagot diyan. Buang yata ‘yan eh.” sabay lapit ng phone sa boss niya. “sino ba kasi ito? Bigla-bigla ka na lang tumatawag ng walang dahilan. Wrong call ka ba?” “Bakka! where are you?” “oh, it’s you. Why? umuwi na kami… umuwi kana din. saang lupalop ka pa ngayon?” “at the building… using some device can create some voice changer.” anito at bigla na lang nagbago ang boses nito. Bumalik sa normal ang boses nito kaya kinabahan siya. Kung kanina hindi niya nakikilala ang boses nito pero ngayong wala na itong gamit na voice changer kaya kilalang-kilala na niya ito at hindi siya nagkakamali kung sino ito. “ I know you’re in there… save me please from loneliness.” anito. Bigla na lang kumabog ang puso niya. Hindi pwede. Hindi pwedeng magpakita siya sa lalaking ito. “Sinong tinutukoy mo?” tanong ng boss niya. “iyang katabi mo ngayon sa sasakyan. Huwag mo siyang itago sa akin please… parang awa mo na.” “oh, totoo ba ito? One of the Hanazono siblings beg.” ani ng boss niya at tumawa ng malakas. “ako nga hindi niyo mabigyan sa gusto ko eh.” “this is not the right time. Alam mo ‘yan.” “kailan pa? hah!? kailan niyo ako pagbibigyan?” “no way! maghintay ka at kami ang bahala.” “tsk.” anito at tinapos ang tawag. Napatingin sa kaniya ang boss niya. “uuwi tayong Pilipinas, may aasikasuhin ako doon.” tumango lang din siya sa sinabi nito. “kailangan mong sundin lahat ng utos ko.” malamang boss niya kaya tango lang siya ng tango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD