
"Summer, matagal ng patay ang kapatid ko. Pakiusap, kalimutan mo na siya. Narito naman ako para sa 'yo. Sabi mo, mahal mo ako pero bakit siya pa rin ang nasa isip hanggang ngayon?" bulalas ni Bleue nang makita niya akong umiiyak na naman.
"Bleue, I'm sorry. Oo, mahal kita pero hindi ko pa rin talaga makalimutan ang kapatid mo," sagot ko habang humahagulhol sa kaiiyak.
"Naiintindihan kita pero patay na si Kuya Rain kaya ako naman, Summer— ako naman ang pagtuonan mo ng pansin," wika nito. Niyakap niya ako ng mahigpit.
